Untitled Part 40

1.6K 66 11
                                    


HI. HINAHANAP MO DAW AKO TSAKA MABUTI DAW ANG PAKIRAMDAM MO Simula pa nung nasa ospital ako."

Tumango si Tiff, sinenyasan si Olivia na isara ang pinto. She did so quietly and sat on her sister's bed. Nakaupo si Tiff at nakasandal sa headboard, may takip na kumot ang tuhod at mga binti. Ibinaba nito sa kabilang tabi ang hawak na notebook at ballpen.

"Olivia--" sabi ni Tiff, malat pa rin ang boses pero mas malinaw nang naiintindihan ang sinasabi nito kaysa noong una niyang nakita. "Wala ka daw maalala. May amnesia ka."

Tumango siya, "Pero walang nakitang mali dun sa test--CT scan. Psychological daw siguro. Ni-refer kami si psychiatrist, sasamahan daw ako dun ni Mari---Tita Fe bukas." Weird sa pakiramdan na tawaging tita si Marife matapos niyong i-claim na magkaibigan silang matalik. Pero mas matanda sa kanya ang itsura kaya weird rin sa pakiramdam na tawagin iyong Marife. It was all confusing.

May kinuha sa notebook si Tiffany. Picture. May white--yellowish border at parang plastic, mas matigas sa karamihan ng pictures na nakita niya sa bahay.

"Ikaw 'yan. At si Mama." Sabi ni Tiff. "Nineteen-eighty six."

Hanggang dibdib ng dalawang babae sa picture ang kuha. Parang school uniform ang suot ng mas bata---niya. Putting blusa na pabilog ang kwelyo at may navy blue na kurbata. Hanggang balikat ang buhok niya, tuwid na tuwid. Nasa kanan ang hiwa, may hilera ng mga pink na ipit sa kabilang tabi.

Ang kasamang babae ay nasa twenties siguro ang edad. Wavy ang buhok, may ipit sa magkabilang tabi. Maganda ang ngiti ng babae. Something about the smile seemed to tug at Olivia's heart.

"Kuha daw 'yan sa Intramuros. Nag-field trip kayo, pinasamahan ka pa ng daddy kay Mama noon."

"Ano'ng pangalan ng mama mo?"

"Ellen. Yaya mo s'ya simula pa daw nung kinder ka. Mahal na mahal ka n'ya. Ayaw n'yang pumayag noon na ilipat ka dito. Pero mapilit si Daddy kasi daw...natatakot na malaman mo na may relasyon na sila ni mama noon pa. Nahihiya si daddy na ipaalam sa 'yo na..buntis na si mama sa 'kin. Kaya rin hindi ka daw n'ya nadalaw dito."

"Gusto kong makita ang mama mo." Sabi niya sa kapatid.

"May cell phone ka ba?"

"Wala."

Nanghinayang ang expression ni Tiff, "Nawala kasi 'yung sa 'kin. Ayaw pa 'ko bilhan nila dad ng bago."

"May number ka?"

"Oo. Memorized ko."

Napaisip si Olivia, "Hindi ba puwede dun sa telepono na nasa salas?"

"Putol naman 'yun. Display na lang. Dati pa daw 'yun, nung hindi pa uso ang cell phone. Nung nagka-cell phone na, pina-cut na 'yung landline."

"E, si Dad? Hindi ba n'ya pwedeng tawagan ang mama mo?"

"Tinatawagan daw nila pero hndi makontak. Baka daw iba na ang SIM."

"SIM?"

"Yung card sa loob ng cell phone. Hindi ako maniniwala hanggang hindi ko nasusubukan tawagan si mama."

"Ibigay mo na lang sa 'kin ang number. Pupuntahan ko 'yung kaibigan ko, may cell phone 'yun. Pag nagkita kami, sasabihin ko tawagan."

Kinuha ni Tiff ang notebook at nagsulat ng mga numero sa blangkong pahina at pinilas.

Time After TimeKde žijí příběhy. Začni objevovat