Untitled Part 18

1.7K 64 3
                                    


PUTA, ANO 'YAN?" HINDI NAKILALA NI COREY ANG JEEP NG KANYANG LOLO. Ginamit daw iyon ng mga militar na Amerikano noong WWII. Kaya duda na siya sa yumaong lolo. Hindi kaya nangholdap iyon ng sundalong Amerikano? Walang makapagsabi kung paano talaga napunta sa kanyang lolo ang Jeep Willy pati na ang pocketwatch. Namatay naman ang matanda noong grade one pa lang siya at walang muwang. Hindi niya naispi tanungin si Lolo Mong. Ni hindi pa nga siya nagbi-brip noon.

Kanda dukwang siya sa dashboard--kung dashboard iyon na masasabi. Hindi kagaya ng mgas mas modernong sasakyan, flat lang surface sa ibaba ng windshield. Walang ibang features maliban sa speedometer at dalawa pang bilog na display na hindi niya alam kung para saan dahil malabo na ang salamin at ang loob ay nilumot na. Ang manibela ay mas malaki pa sa plato, sa mahabang tubo nakapatong. Ang kambiyo ay mahaba ring 'stick' na may knob sa dulo. Sa harap ng passenger seat, may glove compartment na matagal nang walang takip.

Hanggang three years ago, nagagamit pa ng tatay at mga tiyuhin niya ang sasakyan kung minsan. May unwritten rule ang pamilya niya pagdating sa jeep na iyon. Kung sino ang willing magpagawa o gumawa, iyon ang gagamit. Lagi kasi iyong sira. Isang andar, asahan mong may part papalya. Igagarahe ang jeep hanggang may makaisip na ipagawa uli. Three years nang walang nagkukusang magpagawa sa jeep.

"Car bomb na yata 'to, 'tol?" sabi niya kay Rius, nakamata siya sa plastic box na naka-duct tape sa tabi ng speedometer. Sinlaki iyon ng kaha ng Philip Morris at may nakadisplay na digital number. Sa isang dulo ay nakakonekta ang maraming wires, sintaba ng braso ng bata kapag pinagsama-sama, iba-iba rin ang kulay--dilaw, pula, itim, asul...

After a few inches, hinati sa dalawang bundles ang mga wire. Ang isa ay deretso sa butas sa sahig, ang isa papunta sa likod ng jeep kung saan may metal box. Mukhang drawer ng file cabinet pero sinarhan ang ibabaw, hindi alam ni Corey ang nasa loob.

May maliit na digital display rin sa labas ng metal box at sa palibot, more wires na hindi na niya masundan lahat kung saan naka-konekta. Walang bubong ang jeep at sa likod ng driver's seat, may isinuksok na mahabang tubo si Rius.

Flag pole?

Nakiusap sa kanya si Rius noong isang araw na tulungan itong makahiram o makaarkila ng lumang sasakyan sa kapitbahay nilang talyer, iyon raw nakatambak na lang. May mga nakatambak naman nga. Dalawa na panahon pa ni kopong-kopong, parang kotse sa mga black and white na mga pelikula. Parehong mga walang gulong.

Ayaw naman niyang umuwing luhaan si Rius at balak pa niyang kasabwatin sa mga plano niya, kaya iprinisinta niya ang jeep ni Lolo Mong. May uwido naman talaga sa pangangalikot si Rius, inayos ang jeep sa garahe nila , napaandar at si Corey na ang nagmaneho papunta kina Rius.

Pagkatapos ng isang linggo, ito na ang Jeep Willy. Hindi malaman ni Corey kung matutuwa siya o hindi. Nagmukhang sasakyan sa Mad Max, Beyond the Thunderdome. May isinalpak pang tambutso sa likod ng jeep si Rius. Tambutso ng jet plane.

"Sa'n mo napagkukuha mga 'yan, 'tol?" Tanong niya kay Rius. Elibs naman siya sa pagka-resourceful nito.

"Sa mga junkyard. Dami dun, basta alam mo kung ano ang hinahanap mo."

"T'yaga mo." Pinagmasdan uli niyang maige ang sasakyan, "Hindi sasabog 'to, ha."

"Hindi. Tara na. Ikakabit ko pa ang reactor d'yan."

"Tara."

Sa school inassemble ni Rius ang tinatawag nitong reactor. Malaki daw iyon at sa gabing iyon nito ise-set-up sa basketball court ang entry na iyon para sa science fair sa Lunes.

Araw ng Linggo talaga ang ibinigay ng school sa mga participants para i-set up ang kani-kanilang entry. Kinumbinsi ni Corey si Rius na humingi ng permit sa school na Sabado pa lang ng gabi ay payagan na itong dalhin sa school ang project dahil malaki iyon at mahirap i-set up.

Totoo rin naman. Mas nangangailangan si Rius ng mahabang oras sa klase ng project nito. Pero ang totoong purpose ni Corey sa pakikialam ay para makapuslit siya sa school sa prom night. Hindi siya allowed sumulpot doon pero kung sasabay siya kay Rius at magdi-disguise ng kaunti, makakalusot siya.

May malaking sorpresa siya kay Olivia. Iyong isang bagay na pinakaaasam-asam nito.

Time After TimeWhere stories live. Discover now