Untitled Part 33

1.4K 64 5
                                    


Pumasok ang kausap ni Tito Ante. Napapitlag at napasinghap si Olivia. Mas bata kay Tito Ante ang bisita, parang trenta pa lang. Naka-polo at maong. Maiksi ang gupit, nakasalamin. Napalinga ito sa komedor, napamulagat kay Olivia. Parang napasinghap rin.

"Olivia?" Anas ng bisita.

"Kilala mo, Ser?" Sabad ni Tito Ante. "Ipagtatanong pa sana namin. Inuwi s'ya dito ni Micky kagabi dahil hindi daw maalala ni Olivia kung saan s'ya umuuwi."

Parang walang narinig ang bisita. Parang namamalikmata pa rin na humakbang palapit kay Olivia.

Tumayo siya, "M-Magandang araw po." Tinawag siya nitong Olivia. Kilala nga siya nito. Malalaman na niya kung saan siya nakatira.

"I-Ikaw ba si Olivia?" Tanong nito, halos idikit na sa kanya ang mukha, naninigurado."

"S-Sabi ko daw po...hindi ko po matandaan. Wala akong maalala."

"Ang jeep? Ang kidlat? Hindi mo naaalala? Saan ka napunta?"

"P-Po?"

"Kaboses mo rin si Olivia..iikaw nga si Olivia!" Napahalakhak ang lalaki, bigla siyang niyakap, "Shit! Buhay ka! Sabi ko na nga ba, buhay ka!" Sa higpit ng yakap nito, angat sa sahig ang mga paa ni Olivia.

"Uh, Ser...Ser Rius..." Si Tito Ante.

"Shit! Olivia! Ano'ng nangyari?" Patuloy lang ng panauhin. Binitiwan si Olivia, muli siyang pinagmasdan, "Where have you been all these....at...hindi ka tumanda...shit!"

"Ano 'yun, Ser? Naguguluhan ako...pati si Olivia, Ser." Sabi uli ni Tito Ante.

Nilinga ito ng panauhin, "Si Olivia, Ka Ante. S'ya ang kaibigan ni Trini. S'ya ang nawawala noon pang February 1988! S'ya ang nawawala noon pang prom night namin! Si Olivia! Buhay s'ya! Tama ako! Buhay s'ya!"

Lalong nalito si Olivia, "N-Nawawala ako?"

"Oo! Hindi mo matandaan? Hindi mo ba ako nakikilala? Si Rius ito! Nawala ka kasama ng reactor ko!"

Napailing si Olivia, "W-Wala akong alam. H-Hindi ko po kayo kilala." Pero sa kailaliman ng damdamin niya, may kung ano'ng pamilyar sa lalaki.

"Teka, teka, Ser--" sabad uli ni Tito Ante, "Tanda ko 'yung petsang sinasabi mo dahil noon naospital si Trini, kamuntik na makunan. Tandang-tanda ko ang gabing 'yon. Nagkagulo sa prom. May napatay at --" tumingin ito kay Olivia, "--'yung Olivia na nawawala ang suspect. Ang paniwala ng lahat ay itinago ng ama. Dinala sa malayo para hindi managot."

Umiling ang bisita, "Hindi magagawa ni Olivia 'yun kay Corey." Kay Olivia naman ito tumitig, "Hindi mo magagawa 'yun, alam ko. Isa pa, kung itinakas ka lang ng daddy mo, bakit kasama ang reactor ko?"

"R-Reactor? Corey? Sino po si Corey?" Sa tuwing sasambitin niya ang pangalang iyon, parang may pumipiga sa puso niya.

"I made that machine. Para sa science fair. T-Tatakas kayo ni Corey noon, lalansihin ko ang guard. Pagbalik ko, wala ka na. Wala na ang machine. Si Corey na lang ang naroroon, nakabulagta. May mga saksak."

Napasinghap ng malakas si Olivia.

She saw in her mind a flash of bright..very bright light.

Napaatras siya at napakapit sa sandalan ng upuan.

"Okay ka lang?" Sabi ng bisita. Inalalayan siya, "Umupo ka muna."

"Kailangan ko ring umupo." Naupo si Tito Ante, "Mahirap paniwalaan ang sinasabi mo, Ser. Paanong 'yung Olivia na kaibigan ni Trini ay....s'ya?" Turo nito kay Olivia. "Hindi man lang s'ya tumanda? Saan s'ya galing?"

"Hindi ko pa kayang ipaliwanag sa ngayon. Pero sigurado ako, s'ya si Olivia. Walang nagbago. Kung ano ka noon..kung ano ang itsura mo noon, Olivia, 'yun ka pa rin ngayon. Parang...parang..sa isang iglap....humakbang ka lang mula 1988 sa 2005--" natigilan na ito.

"Nag-time travel?" Sabi ni Tito Ante.

"That's a---" may umalingawngaw na kakaibang tunog. Dumukot sa bulsa ng maong ang bisita. May inilabas na bagay na parang kagaya ng selfone ni Tito Ante pero walang takip. "Excuse me." Nagtungo ang lalaki sa may pinto.

Hindi alam ni Olivia kung saan siya mas namamangha. Sa mga sinabi ng bisita o sa selfone na tinatawag.

"Ha?" Sabi ng bisita. "Sigurado ka? Jeep? Miliraty? Sige, sige, nand'yan na ako. Wag n'yong gagalawin hanggang wala ako! Walang lalapit!" Ibinulsa nito ang hawak, humarap sa kanila, "Kailangan kong pumunta sa school. I think I found my machine." Lumapit ito kay Olivia, "Gagawin ko lahat para maipaliwanag sa 'yo ang nangyari. Pangako 'yan." Tumuwid ito, "Ka Ante, tuloy na muna ako. Pakisabi kay Micky, puntahan ako sa opisina."

"Teka , Ser, kung talagang ito ang Olivia na nawawala noon, sino ang magulang n'ya? Taga-saan s'ya?"

"Apo s'ya nina Tatay Primo'ng beterinaryo."

"Doon namin ihahatid?"

Natigilan ang bisita, "Uh...h-hindi ko sure...baka hindi sila maniwala."

"Kung sabagay. Hindi nga rin ako makapaniwala."

"Basta, babalik ako, Ka Ante."

"Ano pala 'yung pakay mo kay Micky, Ser?"

Mukhang nanlumo ang lalaki. Bumuntonghininga, "Si Micky ang sumunog sa school."

Time After TimeWhere stories live. Discover now