Untitled Part 72

1.3K 61 0
                                    


KAILANGAN NATIN I-FACTOR 'YUNG UNA, UMUULAN NOON AT BASA ANG SALAMIN ko. Blurry ang paningin ko." Rius held up a second finger, "Second, 'yung mga strobe lights na nanggagaling sa gym."

Olivia could see that in her mind. Umuulan. Pero kahit madilim sa field, binabasag iyon ng mga kidlat at galaw ng strobe lights, pati na rin ng disco ball. Parang mga robot na biglang hihinto at bigla ulit gagalaw ang mga taong sumasayaw o simpleng naglalakad lang dahil sa mga flashes ng ilaw na iba-iba pa ang kulay.

"Third." Patuloy ni Rius, "Madaming naka-pink noon."

Totoo rin. Bright pink. Baby pink. Old rose. Halos pare-parehong gawa sa satin at tulle. Pang-bridemaids ang mga yari. Ang rason kaya pinag-isipan ni Olivia na mabuti ang damit niya. Ayaw niyang magmukhang aabay sa kasal sa kanyang prom. She wanted to be different.

Nangyari naman ang gusto niya, she thought sadly. At higit pa. Bukod sa kakaiba siya, she would also forever be the girl who ruined the prom.

"Ano pa?" Trini's ballpen was poised. Nililista nito sa notebook ang mga sinasabi ni Rius. Nasa pancitan sila na kalapit lang ng bahay nina Rius. Doon nagyaya ang lalaki nang puntahan nila, magulo daw sa bahay ng mga ito dahil naglilinis ang ina. His mother apparently had enough of Rius' thingamajigs. Sa katunayan, naabutan nila si Rius sa labas ng bahay, kinakalkal ang mga kahon ng basurang pinaglalabas ng ina. Nang dumating sila, kinarga na nito ang isang kahon at ihinabilin sa kapitbahay. Kung si Olivia ang tatanungin, panay basura nga ang laman niyon. Mga parts ng sirang appliance.

"Mine is shantung." Sabi ni Olivia. "'yung damit ko. Kahit may mga naka-fuschia rin noon, iba ang pagka-fuschia nung sa 'kin. It's hundred percent silk shantung." Mas malalim at mas matingkad ang kulay. "Si Ate Ellen ang bumili no'n, pinadala kay dad. Tapos 'yung lace, damask ang design or 'yung pattern."

"Sosyal naman, damask-damask pa. Hindi ko alam kung ano 'yun." Sabi ni Trini.

Inagaw ni Olivia ang ballpen at hinila niya ang notebook. Nagdrowing siya ng small circle sa loob ng big circle, nilagyan ng kunya-kunyaring dahon at florets ang paligid. Dalawang ganoon ang ginawa niya at isa pagitan, bandang ibaba ng mga bilog, pa-diamond na leaves nad florets.

Just so her friendd would get the idea, "Ganyan ang damask. Common na pattern naman 'yan, actually."

"Sa mga kurtina." Humagalpak si Trini. It was crisp. It was real. Parang hindi ito humahagulhol kanina lang. Still, Olivia could not unsee Trini's tears. Parang umaapaw na balon. She wondered if that well would ever dry up.

"Pero unless piniktyuran 'yung damit, ano'ng chance na damask ang mapipiling pattern nung nanggaya? Ang daming pattern ng lace.

"Pero una, kailangan natin ma-establish na despite nitong mga factors na ito ay tama pa rin ang nakita ni Rius." Kinuha ni Trini ang ballpen kay Olivia.

"Blurry ang paningin ko at minsan nagdodoble--" sabi ni Rius, "Pero hindi identical 'yung nakita kong images. Ang isa tumatakbo, ang isa nakaupo. So, hindi 'yun dahil sa ulan at mga ilaw."

"Naka-stockings ako na black. Ganun rin 'yun nakita mo?" Sabi ni Olivia. "Pwede n'yang makopya ang damit kung nakita n'ya, pero there was no way na mahuhulaan n'ya na mag-stockings ako ng black."

Astang nag-concentrate si Rius. Naka-abang sina Olivia at Trini, pareho pa silang nakapangalumbaba.

Mayamaya ay tumatango na si Rius, "Oo, nga. Hindi naka-stockings ang nakita ko. Bare na binti ang nakita ko...nasinagan pa ng ilaw, naging parang maputing-maputi."

"Hindi mo ba kabisado ang korte ni Marife?" Tanong ni Trini.

"I suppose..pero hindi pag ganun na lahat nakabihis at naka-ayos. Dami ko ngang hindi nakilala, eh. Kabisado ko...masasabi ko agad siguro na si Marife 'yun kung naka-uniform."

"Ang malaking tanong is, kung pareho kaming damit noon, bakit si Rius lang ang nakakita? Walang ibang nagsabi na may nakita silang babae na kapareho ng sa 'kin ang damit. Walang ganyang testimony dun sa transcript ng investigation noon." Ilang kaklase at schoolmates, as well as teachers ang tinanong tungkol sa behavior niya. Iisa ang laman ng sinabi ng mga iyon. Well-behaved naman siya, aloof nga lang. Hindi interesadong makipag-kaibigan at makihalubilo. Nang maging close raw siya kay Corey, hindi na siya napagkikita sa mga usual places na tinatambayan ng mga estudyante. She was always with Corey behind the work shed. Minsan, sa labas ng campus, ume-escape daw sila.

"Oo, nga." Sang-ayon ni Trini. "Kaya, to prove na hindi ka pinaglalaruan ng paningin mo, kailangan may iba pang makapagsabi na may kapareho ang damit ni Olivia."

"Sino tatanungin natin? Lahat?" Sabi ni Olivia. Iniisip pa lang niya na kailangan nilang tanungin lahat nang nasa prom, nawawalan na siya ng pag-asa. Paano nila hahanapin ang mga kaklase? Marami doon, nasa Maynila na, kung saan-saang university at colleges.

"It's a long shot kasi matanda na rin 'yun, baka as malabo ang mata sa 'kin, pero si Manong Fred ang naka-assign sa main gate noon at doon lang pwedeng dumaan ang aatend ng prom, di ba?" Sumulyap kay Olivia si Rius.

"Oo, nga." Na-excite si Olivia. "Nakita n'ya lahat ang dumating..." nawala ang excitement niya, "Parang imposible namang makita n'ya lahat. Nung dumating na lang ako, ang dami kong kasabay, eh. Si Manong naman, sige lang magpapasok. Mas iniintindi pa nga n'ya ang mga sasakyan na nagkabara-bara dun."

"Long shot nga. Very, very long." Sabi ni Trini. "Pero kailangan natin tanungin. No left..turn..stone..."

Natawa sina Olivia at Rius.

"No stone left unturned." Pagtatama ni Rius.

"Yun nga." Tango ni Trini na lalong nagpatawa kay Rius.

"Asan si Manong Fred?" Tanong ni Olivia.

"Tingnan natin dun sa gilid ng isdaan. Dun ko nakikita 'yun, nagpu-pusoy dos."

"Tagadito rin s'ya sa palengke?"

"Hindi. Dumadayo lang ng pusoy. Tsaka dun sa pulpulan, nakakalaro nga ni Corey 'yun."

Pulpulan ang tawag nila sa laruan ng pool--parang billards, flat lang ang 'bola'. Tinuruan na siya ni Corey noon minsan and Olivia sighed at the memory. Corey was really into a lot of things. A lot of things na walang kinalaman sa pag-aaral, nakakasira pa sa tingin ng marami.

Pero para kay Olivia, Corey was truly smart. He knew things regular students didn't.

"Katsokaran ni Corey 'yun." Dagdag pa ni Rius.

"Tara?" Si Trini.

"W-What if he's there and he sees me..and..."

Naintindihan naman ni Rius at Trini ang agam-agam ni Olivia.

"Silipin ko muna 'yung pulpulan tas pag andun, kami na lang ni Trini ang kakausap. Tago ka muna." Sabi ni Rius.

Time After TimeWhere stories live. Discover now