" I love you Sweetcake.. " sabi nya nung hinatid nya ko sa amin. And before he left, he kiss me on cheek. Nakakahiya mang aminin, kinikilig ako. He almost perfect guy! Medyo ilang pa ako kapag tinatawag nya akong 'sweetcake', di naman ako pagkain. :3

" Enzo! " tinawag ko sya bago nya pinaandar ang kotse. " I.. I love you too. " after i say that, he smiled and umalis na sya.

Hayyy! Di ako makakatulog nito. *u* Ang saya ng araw na to! June 31, my special ever day. Eto ang araw na sobrang saya ko. Super! Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong treatment.

**

Pagka-lunes, pumasok ako ng maaga at inabangan ang bestfriend ko, magkaiba kasi ang sched. namin kaya di ko alam kung anong oras kami magkikita kaya inagahan ko na para makita ko sya agad. Tumayo ako sa may gilid ng parking lot habang hinihintay sya. Di naman nagtagal ay dumating na ang kanyang kotse.

" Bheeest! " tawag ko sa kanya at tinakbo ko ang pagitan namin. Ngumiti sya at sinalubong ako ng yakap. Nakakamiss talaga ang ganito. Sana HRM na lang din ang kinuha kong course para di kami nagkahiwalay.

" Aga mo ata ah? " puna nya nung papasok na kami sa loob ng campus.

" Ah e. Hehe. Oo nga eh! May sasabihin kasi ako sayo. " medyo nahiya pa ako. Feeling ko namumula ata ako. *U* Excited akong sabihin ang sa amin ni Enzo sa kanya.

" Ano ba yun? "

" Look who's here!? Tsk. Tsk. Tsk. " nagulat kami sa biglang pagsulpot nina Ayu at ng kanyang mga kampon este ng mga kaibigan nya pala sa harap namin. Naka-cross arm silang tatlo at lahat sila ay may malalaking hand bag na dala, hiyang hiya naman ang shoulder bag ko. >o< " Ang malalanding nerd na walang ginawa kundi magpapansin sa mga lalaki dito sa Westbridge! "

" Teka lang Ayu! Grabe ka naman magsalita! Tinuruan ka ba ng mga magulang mo ng tamang asal? Isa pa, di namin ugaling gawin ang mga ginagawa mo! " di nagpasindak si Lourenz kay Ayu. Sinagot nya eto. Nakapamewang pa nga etong humarap kay Ayu na talagang di natatakot.

" Ang kapal mo! How dare you to talk me like that?! Sampid lang kayo rito sa school na to! " tinulak sya ni Ayu dahilan para mapaupo si Lourenz sa sahig. " Bagay lang sayo ang ginawa ko. Dyan kayo nababagay! Panglinis ng sahig! Hahaha! "

Biglang tumayo si Lourenz at walang ano anu ay tinulak nya naman si Ayu. Di pa sya nakuntento at sinakyan nya pa eto sa tiyan saka sinabunutan na napahiga sa ginawa nya, " Sino ka din para itulak ako! Walanghiya ka! Bagay sayo ingudgod sa semento para mabawasan ang kapalan ng mukha mo! "

" Aaaah! Bitawan mo ko! Aray! "

" Bhest, tama na yan! Bhest! Tama na! " lumapit ako at inawat si Lourenz. Yung dalawa namang kasama ni Ayu ay di malaman ang gagawin.

" Akala mo kung sino ka! Wala kaming ginagawa sayo para ganituhin mo kami! Sa susunod na magkita tayo at ginawa mo ulit to, di lang sabunot ang aabutin mo sa akin! " tumayo si Lourenz at pabalya nya etong binitawan.

" Pashneya ka! May araw ka din sa akin. Kayong dalawa! "

" Duh! Pashneya ka dyan! Ano ka nasa Encantandia?! Hello? Di na uso yun ngayon! Di ka pala updated ah! O baka wala kayong tv! Haha. Kawawa ka naman! :P Ngayon na ang araw ko bakit di mo gawin at ng di lang yan ang abutin mo sa akin! "

" Argh! Grrrr! Bushet! Tara na nga! " niyaya na nya ang kasama nya at naiwan kaming dalawa dun ni Lourenz.

" Grabe ka naman! Bat mo naman ginawa yun sa kanya? "

" Bagay lang sa kanya yun noh! Ang sama ng ugali eh tapos ikaw hinahayaan mo lang na ganunin ganunin ka! Hmp. "

" Eh kasi naman, ayaw ko ng gulo. "

" Ewan ko sayo. Masyado kang mabait! Teka nga, ano ba ang sasabihin mo? " tong bestfriend ko parang di nanggaling sa rambulan noh? Umiral na agad ang pagkatsismosa. De joke lang.

" Kasi.. "

" Ano? "

" Ahm, ano kasi.. wag ka magugulat. Ahmmm, bhest, kami na kasi ni Enzo eh. :) " *u*

" Anooooo?! "

< Ayu's Pov >

Nakakakulo talaga ng dugo ang eksena sa cafeteria. Kitang kita ko kung paano ipagmalaki ni Ice na gf na nya ang kaibigan ng nerd na yun. Grabe lang ha! Dun pa talaga sila sa gitna ng cafeteria sila umupo. Nakakaagaw ng atensyon. At ang nerd na yun ay tuwang tuwang kasama si Enzo at katabi. Grrr! Kung di lang talaga ako nakapagpigil eh baka sinabunutan ko na talaga ang panget na yun sa sobra kong inis.

Tapos ngayon, sinaktan pa ako ng kaibigan nya! Mga makakapal ang mukha! Nasira tuloy ang maganda kong poise. Psssh!

" Okey ka lang girl? " ang tanong ni Mavil sa akin.

" Do i look okey? Look at me. I'm mess. Pshh! " kahit magulo na ang buhok ko, i flipped my hair pa rin. Nakakairita minsan tong mga kasama ko.

" Ayu, wala pa ring nangyayari sa ginagawa mo! Wala ka namang lead kung ano o sino talaga ang pinagpupustahan na tinutukoy ni Ice eh.. " - Irene

Oo nga pala! Kelangan ko na talagang malaman ang pustahan na narinig ko na yun. Yun na lang ang nakikita kong baraha para mawala yang Courtney na yan sa landas ko! She's getting into my nerve! Roar!

** sorry sa mga wrong grammar at mga typo errors. :) Like, vote and leave comments. Thank you. Kaumay talaga tong cp ko. Huhuhu! Update? Saka na lang. :D waley na pangload eh. Ensya!

Itutuloy..

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Where stories live. Discover now