Chapter 13: Her Ex

Start from the beginning
                                        

"Ako na sasagot. Napakaingay niyo." biglang sabat naman ni Lea at lahat kami ay napatingin sa kaniya.

Pero nahagip naman ng mata ko ang nakakunot noong nakatingin sa akin na si Alikabok. Inirapan ko lang siya. Akala niya ba ay nakakalimutan ko na 'yung kupal na 'yon?! Ha! 'Wag na 'wag niya akong tatawaging kupali!

"Oy, kupali."

'Gosh.'

Hindi ko ito pinansin at sila Chen naman ay lumapit kay Lea at nagkukwento na.

"Nanonood kasi kaming kdrama kagabi. Eh sobrang nakakaiyak. Buti ako nagpalipas muna ng oras bago matulog kaya hindi mugto mata ko. Siya kasi, nakatulog ng umiiyak, kaya ayan." pagkukwento nito.

'Galing naman. Apakagaling magkwento aa. Masyadong realistic amputik. Maniniwala ba sila doon---?!'

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" nabalot ng tawanan ang mga kaibigan namin at umakbay naman sa akin si Yazzi.

"Joy, okay lang 'yan. H'wag mong damdamin. Hindi naman totoo 'yon kaya 'wag ka ng umiyak. HAHAHAHAHAHA!" aniya na ikinatawa ulit nila.

"Hindi ko alam na iyakin pala ang lintis na 'to sa kdrama aa! HAHAHAHAHAHA!" ani Chen.

Sinamaan ko lamang sila ng mga tingin at agad naman silang nagsibalikan sa kani-kanilang mga upuan ng dumating na ang pangalawa naming teacher. Late rin siya, bleh.

"Sorry, I'm late. Get a half sheet of paper."

"Aa..."

Nabalot na naman ng reklamo ang buong sulok ng silid dahil sa sinabi ni Ma'am at syempre kasama ako doon dahil wala akong papel.

"Napakahirap mo naman. Wala ka na namang papel?" usap ni gago.

'Ang gagong 'to! Di naman ako nanghihingi sa kaniya!'

Hindi ko siya pinansin at kinuhit na lamang si Chen na siyang nasa harapan ko.

"Oy, enge nga ako." sambit ko kay Chen na agad naman akong binigyan.

Bago palang ako magsusulat ng pangalan ay agad ng may humablot nito at ngiting ngiti naman si alikabok ng hindi napilas iyon.

"Tang---!" mapapamura sana ako ng abutan nalang ako ni gago ng isa pang papel.

"Pagsabihan mo 'yang tropa mo ha! Mabubugbog ko 'yan!" inis na sabi ko.

"Walang problema." aniya na natatawa at nilingon ko naman siyang masama na naman ang tingin.

"Wag kang tumawa." sabi ko habang mabilis na nagsusulat ng name, section, date at teacher. At walang katapusang number!

"Don't put a number, you'll gonna make an essay."

"Aa..."

"Tanginang buhay 'to. Iisa na nga lang---"

"Sponsor mo naman ako, h'wag ka ng magreklamo." pagputol sa akin ni gago at agad akong binigyan ng papel.

"Ay we?" nasabi ko nalang at nagsulat na ulit ng pangalan.

"Oo basta sasaluhan mo ulit ako sa pagkain mamaya." bulong niya at agad naman akong napaubo.

Napalingon naman 'yung iba sa akin kaya agad akong kumuha ng tubig--- shit! Pati ba naman tubig wala ako! Eysht!

"Oh, kupali." napalingon naman ako kay alikabok na uubo ubo at nakitang may iniaabot siyang tumbler.

Wala na akong nagawa kung hindi ang abutin iyon at inumin dahil sa ang kati na ng lalamunan ko kakaubo.

"Okay, you may start doing this." sambit pa ni Ma'am at nakitang may isinulat siya sa board. Ngayon ko lang naalala na Biology nga pala namin ngayon. Shitness major subject pa man din! Buti nalang nakaabot ako.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Where stories live. Discover now