Chapter 8: 3 Boys 1 Girl

Start from the beginning
                                        

"H-hoy--- hoy teka! Ano ba!" pagpupumiglas ko pero hindi niya ako binibitawan hanggang sa makarating kami ng kusina.

"Alam kong gutom ka na kaya saluhan mo akong kumai---"

"Hoy, gag--- a-ah I mean..."

'Shit nalimutan ko 'yung pangalan niya! Eysht. Puro kasi ako si gago e!'

"Ah basta kung ano mang pangalan mo. May trabaho pa ako, okay? Saka hindi naman tayo close para---"

"Hindi close..." napangising aniya habang inilalapag ang mga pagkaing dala ko, "Kung daklutin mo 'yung kwelyo ko e inam, tapos hindi close?"

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko sa sinabi nito at napairap.

'Lintis na gagong 'to!'

"Wala akong pake sayo. Jan ka na---"

"Saluhan mo lang akong kumain, at magiging okay na ko." aniya at tumingin sa akin. Agad namang nagsalubong ang kilay ko.

"At ikaw pa talaga ang magiging okay? Ha!" sabi ko at napasinghal. "Ako 'yung nasuntok ng mga kutong lupa mong alagad hindi ikaw, ulol!" dagdag ko pa at tumalikod na.

Paalis na sana ako ng magsalita na naman siya.

"Ngayon na nga lang magkakaro'n ng kasabay sa pagkain..." aniya na ikinapikit ko ng mariin.

'Aba't talagang nagparinig pa?'

"Ito na nga lang 'yung way ko ng pagsosorry---" inis akong naglakad at naupo na para wala na siyang imik.

Nakita ko naman siyang napangiti pero nang tignan ko ay agad nawala.

"Hindi porke umupo ako dito e close na tayo. Hindi rin porke sasabayan kitang kumain e bati na tayo. Umupo ako dito kase wala kang kasabay at nakakaawa ka. Nakakaawa ka, okay?" nakangiwing sambit ko pa at tumawa lang siya ng mahina.

"Dami mong sinabi." natatawang aniya pero mahina lang at saka umupo.

"Oh e bakit mag-isa ka lang? Wala kang kasama sa malaking bahay na 'to? Nasa'n ang mga magulang mo?"

Tumawa na naman siya na parang ngisi lang, "Akala ko ba e hindi tayo close? Kung magtanong ka e parang interesado ka sa buhay ko---"

"Alangang kumain tayo ng tahimek?! Aba mabuti na 'yung nagsasalita ako kesa kumain ng awkward ang paligid. Tch. Dami mong arte." pagputol ko pa sa kaniya at kinagat ang fried chicken so yummy.

"Day off si yaya e, birthday kasi ng anak niya. Buti pa nga 'yung si yaya may time para sa anak niya e..." aniya na ikinatigil ko naman sa pagnguya.

Tinignan ko naman siya at sa pagkain lang siya nakatingin habang nakakurba ang kaunting ngiti sa kaniyang labi na halata mong malungkot naman.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Pag ba sinagot ko 'yang tanong mo e, may ibig sabihin na ba?" usap niya na ikinasamid ko at agad uminom ng tubig.

"Ano bang pinagsasasabi mo jan?! Mukha kang tubol!" sigaw ko at siya naman ang naubo at uminom ng tubig.

'Oops...'

"T-tu--- t-tubol? What the fvck?" aniya habang masamid samid pa.

"Ewan ko sayo." irap ko nalang at nagpatuloy sa pagkain ng mabilis dahil baka sabihin ng ka-part time ko e kung saan na ako nagpunta.

"H'wag mong bilisan ngayon lang naman e." aniya.

"Buti ka pasarap sarap lang sa buhay e ako kasi may trabaho, naintindihan mo?" mabilis na sagot ko at dumiretso na sa pagkain habang siya ay nakatitig lamang sa akin kaya naman napatigil ako.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Where stories live. Discover now