Chapter 17: [ Lady in the shadow ]

Start from the beginning
                                    

At sa oras na ito. Wala na ang mga nanonood. Dahil umalis na sila ng awatin ko ang dalawa. But I sense danger ng biglang kumilos ang dalawang ito at may ihagis saaking kung ano!

What the—

Agad akong napaiwas ng mabilis dahil isang balisong ang inihagis saakin. Takte! Muntik na ako doon! At saan galing iyon?!

I am pissed with their recklessness.

Mabilis akong sumugod sa taong may hagis ng balisong at agad itong pinatid ng malakas upang mapatumba ito sa lupa. Nang mapatumba ko ito ay agad kong pinilipit muli ang mga kamay nito patungo sa kanyang likod. Sanhi ng kanyang pagsigaw sa daing.

"Arayyy!!!" Sigaw nito sakin.

"I told you to stop, but it seems like I'm the real target huh?" Malakas at mabilis ko itong itinayo na agad niyang sinundan dahil wala akong pakialam kung mabali ang mga buto niya. Nang maitayo ko ang lalaking ito ay sinipa ko ito ng malakas sa kanyang likuran kasabay ng pagbitaw ko dito. Dahilan ng kanyang pagtumba at nangudngod ito sa lupang kinasadlakan niya ngayon.

Nang makaramdam pa ako ng isa pang pagkilos sa likod ko ay agad akong naging alerto!

Shoot!! nakalimutan ko may isa pa pala!

Alam kong huli na pero pinilit kong ilingon ng mabilis ang sarili ko sa taong nasa likod ko ngunit—

Tanaw ko na ang anino nito sa tumatakip saakin at may hawak itong kung ano... Teka? Kahoy?!

Parang naging slow motion ang lahat para sakin . Dahil sa mabilis na kilos ng kalaban ko ay nahuli ako. Kaya pinikit ko nalang ang mata ko at sinalag ang kamay ko sa kanya. Nang—

"Yahh!! Bad boy! Bad boy! Bad boy!!"

Napadilat kong bigla ng makarinig ako ng isang boses ng babae.

At nagulat ako sa nakita ko. Isang babae ang nasa likuran ngayon ng lalaking may hawak hawak na kahoy. At nakasakay siya sa likuran nito habang sakal-sakal ang lalake. Yakap nito ang leeg ng lalake at sobrang higpit nito kaya hindi na gaanong makapagsalita ang lalake habang pilit itong itinataboy..

Pero teka ano 'yung nasa uluhan ng babae?

Tinignan ko itong maigi at nang matignan ko ang kabuuan ng babae ay nanlaki ang mga mata ko..

Seriously?! Where did she get that kind of outfit?!

Pink bunny hair band

Pink na mabalahibong jacket!

At blue na pedal!

And the hell! She's even wearing a boots! Take note. Those are having the mark of a pink headed white bunny. Ang isa sa kaibigan ng pusang si Hello Kitty.

"Bad bad, bad!!"

Palo niya sa ulo ng lalake.

"Hoy ano ba!! Tumigil ka!! Sh*t"

Iritang sabi ng lalaki. Pinalo naman siya ng malakas ng babae sa ulo.

Aw. That's hurt.

"Ba't ka nag mumura bad!! Bad, bad!!"

Ngunit nang mahawakan na siya ng lalake sa kamay pinigilan ko na ito.

Bumaba na ang babae sa likuran ng lalake kaya naman agad ko itong sinuntok sa abot ng aking lakas at sinipa ito ng subukan pa nitong manlaban.

Nang mapabagsak ko ito ay hindi na ito makagalaw sa sakit ngunit naging alerto muli ako ng maramdaman kong may nakamasid saakin. And I saw her... Isang imahe ng babae ang nakita kong nagtatago sa madilim na sulok ng isang lumang building. May hawak itong tila na isang galon. At nang kumurap ako ay kinilabutan ako sa malinaw kong pagkakakita sa kanyang ngiti saakin....

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now