Pagkakuha nila ng pagkain, sinamahan sila ni Rius sa mesa na mga kaibigan nito sa college ang nakaupo. Mga engineer na rin. Tatlong lalaki, isang babae. Ipinakilala sila.

"Matagal na kayong magkaibigan, 'tol?" Sabi ng isa sa mga lalaki kay Rius. "Tapos, ngayon mo lang 'pinakilala sa 'min? 'sama mo, brod." Sabay inilahad kay Olivia ang kamay, "Gabriel. Gab na lang, at your service."

She smiled back. The guy was cute. Singkit. Maputi. At hindi nagtagal, nalaman niyang kwela rin. Kapag tumatawa, nawawala ang mga mata pero lumilitaw naman ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Olivia found herself warming up to Gab.

"Type mo, aminin mo." Biro ni Trini nang bumalik sila sa buffet table para kumuha uli ng mga hipon.

"Ewan...para s'yang si Corey, makulit."

"Pansin ko rin." Sang-ayon ni Trini, "Pero...wala na si Corey, 'wag mo s'yang buhayin sa kung sinu-sino kasi, hindi ka magiging masaya. Gusto ko, maging masaya ka."

"Ikaw rin."

"Masaya na 'ko."

And Olivia could really see that. Trini looked..content. Peaceful. May glow sa mukha, clear ang mga mata.

"Tara na dun, magtira naman tayo." Aniya, parang hindi hinakot ang mga sugpo.

"Oo, nga, kawawa naman ang ibang visistors." Sabay dumakot pa ng mga hipon si Trini, isinalpak sa plato ni Olivia.

Nag-volunteer si Gab na ikuha sila ng juice at ipagbabalat pa raw sila ng hipon.

"Basta penge ng number mo." Anito.

Kinantyawan sila sa katakot-takot. Olivia blushed yet she could not hide her smile.

Pasado na rin sa board exam si Gab kaya engineer na rin ito. Wala lang daw pambili ng baboy at sandamakmak na seafood ang pamilya nito kaya nakiki-celebrate na lang kay Rius. Tsaka, pasang-awa lang daw naman ito, "Tama na raw ang sopas at puto sa 'kin sabi ng inay."

Nang malamang hindi pa graduating si Olivia, "'wag mo nang tapusin, mapapagod ka lang. Ako na lang ang bubuhay sa 'yo."

Nang malamang piloto ang daddy niya, "Ah, si daddy na lang ang bubuhay sa 'tin. Matutuwa ang inay, makakasakay na ng eroplano sa wakas."

Katatawa ni Olivia, hindi niya namalayan na ubos na ang hipon, bundat na siya.

"Ang tindi n'yo sa kolesterol." Comment pa ni Gab.

"Binalatan mo kasi ng binalatan, 'yan tuloy, ubos." Sabi ni Olivia.

"May gayuma kasi ang mga kamay ko--" Gab wiggled his fingers.

"Yukkk, an' lansa." Malansa rin ang kamay niya, "Excuse...uh, saan ang CR?"

"Samahan kita." Prisinta ni Gab.

Itinulak niya ito sa dibdib, "Ano ka?"

"Shit! Pam-party kong polo 'to!"

Tatawa-tawa si Olivia. Inaya niya si Trini sa CR. Banyo ng mga tauhan sa tindahan ang nakita nila. Maliit lang, walang lababo. Toilet lang at gripo. May baldeng lata at tabo.

"Mauna ka na." Sabi ni Trini.

Maghuhugas lang naman si Olivia ng mga kamay kaya hindi na niya isinara ng husto ang pinto. Umiskwat siya sa harap ng balde. Iyong kapirasong detergent bar nasa sulok ang ginamit niyang sabon.

Nang patayin niya ang gripo, saka lang niya narinig na parang may komosyon sa labas. Love song na ang tugtog kaya siguro parang tumahimik...but even the din of people eating and talking seemed to have disappeared.

Then she heard a woman, "Tama na! Awatin n'yo!"

Boses ni Rius, "Trini, tama na---" concerned. Nakikiusap.

Olivia hurried outside. Nasa gitna ng handaan sina Trini at Marife, mukhang nagpang-abot, pinaghihiwalay ng mga tao. Hila-hila ni Rius si Trini.

"Trini!" Lumapit sa kaibigan si Olivia at pinandilatan niya si Rius, "You invited her?!" Tukoy niya may Marife.

"No." Maagap na sagot ni Rius. "Dumating lang, ano'ng magagawa ko, nandito na?"

She believed him. Gawain na talaga ni Marife ang imbitahin ang sarili.

"Sorry." Sabi niya kay Rius. "Uh, uuwi na siguro kami. Pasensya ka na, Rius."

"Okay lang. Alam ko naman--"

Pumiglas sa hawak ni Rius si Trini, "Sandali!" Sigaw nito. "Pasensya na po sa inyong lahat kung naabala ang pagkain at tsismisan n'yo. Gusto ko lang ho sabihin sa inyong lahat, 'yang babaing 'yan, si Marife Alarcon ang totoong pumatay kay Corey Manson! Naiintindihan n'yo? Hindi si Olivia Teves! Si Marife ang totoong kriminal!

"Alam n'yo kung bakit? Dahil ang ama ni Olivia, si Captain Greg Teves, Gorio kung tawagin noong high school, s'ya ang sinisisi ni Marife sa pagkalumpo ng kanyang amang si Joel Alarcon at pagbagksak ng kanilang kabuhayan! Baon na sa utang ang pamilyang Alarcon! Naghihiganti si Marife sa pamamagitan ni Olivia. Pinatay niya si Corey at pinalabas n'yang si Olivia ang may kagagawan!"

Hindi makapagsalita si Olivia. Paano...saan nanggaling ang mga sinasabi ni Trini?

"Wala kang ebidensya! Sinungaling ka!" Sigaw ni Marife.

"Tanga ba ako?" Patuyang sagot ni Trini. "Tanga ba ako na magsasalita dito kung wala akong ebidensya? Bukas na bukas rin, dadalhin ko 'yun sa mga pulis! Tapos na ang maliligayang araw mo! Magdudusa ka sa kasalanan mo!" Pagkasabi niyon, deretso papasok sa backdoor si Trini. Nilampasan si Olivia.

Hinabol niya ito, "Tri! Paano mo--"

"Bukas mo malalaman lahat." Tumitig ito kay Olivia, "Let me go."

"H-Hindi ka ba sa bahay matutulog?" Renovated na ang bahay nila doon at si Manang Udes lang ang nakatira.

"Uuwi na ako." Sabi ni Trini. Niyakap si Olivia ng mahigpit, "I got to go." Bulong nito.

Time After Timeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن