Chapter 2

180 22 4
                                    

Xyra's Pov



I don't know what to do, I'm just standing there while watching them.

I don't want to overthink, maybe she's his cousin, right? But why am I even asking myself?


Kung talagang kaibigan ko siya mula noon pa bakit hindi ko parin alam na may pinsan siya? Bakit wala parin akong alam? Bakit puro nalang ako tanong?


Ano bang pakialam ko ngayong mayroon na siyang karelasyon? Hindi ba't dapat ay maging masaya ako sa kanya? Pero bakit pakiramdam ko na simula ngayon ay palagi niya na akong babalewalain?


Bakit hindi nalang kasi ako umamin? Na gusto ko siya.


Sana nga ay madali lang umamin, siya lang kasi ang nag-iisa kong kaibigan, mahirap ng magsisi pa ako kung aamin ako.


Kaya eto ako ngayon at nakatayo lamang at basang basa na sa ulan habang pinagmamasdan sila.


Inalalayan niya ang babae na pumasok sa kanyang kotse.


Napahawak ako sa aking dibdib ng makaramdam ng kirot dito. Nasasaktan na ako pero hindi ko parin kayang iiwas ang mga mata ko sa kanila.



Nangilid ang luha ko, naluluha ako para sa sarili ko. Kung sana ay nagsabi siya na busy siya ngayon, hindi ko naman siya gagambalain pa.


Iritado kong pinalis ang namumuong luha sa aking mga mata.


Kumalma ka Xyra, Hindi mo naman kilala ang kasama niya. Tahan ko sa sarili ko.


Walang gana akong naglakad patungo sa aking tahanan, alintana ko ang malamig na hangin at malakas na buhos na ulan.


Pagkapasok ko sa gate ng bahay ay napatitig muna ako sa aking bike na nakaparada, napatitig ako doon ng walang rason kaya naman hindi ko rin alam na pinapaandar ko na pala ito at nagb-bike sa kung saan mang lugar. Habang nagbibisekleta ako sa lugar na iyon ay pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko kaya naman ay huminto ako sa pagb-bike at bumalik na sa bahay.


Dire-diretso akong umakyat at pumasok sa aking kwarto, dumampot ng damit at agad na pumasok sa banyo. Ngunit bigla akong lumingon sa salamin at nakita ko ang sarili ko.


"Tsk! Kaawa-awang Faerie, Kinalimutan lang naman ng bestfriend niya."


Tulala ako maging sa pagligo ko at pagbihis, tulala rin akong bumaba at dumiretso sa kusina at di ko namamalayang nakapag-bake pa ako ng cookies.


"Argh! What the hell?" napa-iling ako sa sarili.


Ang putanginang lalaking iyon? Aba napakalas naman pala ng epekto mo sa akin?


Ngunit hindi ko rin matukoy kung dahil ba talaga kay vester o doon sa lugar na napuntahan ko kaya lalong bumigat ang pakiramdam ko.

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now