Chapter 7

102 17 0
                                    

Xyra's Pov



Hindi ko alam kung bakit ako binato ng lalaking iyon, para saan naman?

Hindi ko alam at matukoy kung ano ba talaga ang tunay na pakay niya sa akin, ngunit kung ano man iyon ay dapat at nasisiguro kong kailangan ko itong iwasan lalo pa't muli nanaman akong nanaginip ng isang hindi pamilyar na pangyayari.

Wala akong sabi sabing tinalikuran silang lahat doon at naglakad na parang basang sisiw papunta sa room.

Nang makarating ako sa harapan ng pinto ng classroom ay bumuntong hininga ako atsaka binuksan iyon.

Pagbukas ko ng pinto ay siyang pagtahimik ng lahat napansin kong natingin sila sa likuran ko kaya lumingon ako at nakita ang tinitignan ng mga kaklase ko.

Hinagod ko ng tingin si Vester dahil naka-tshirt lamang siya. Hinanap ko sa kanyang katawan ang kanyang polo ngunit bigo ako makita iyon sa kanya, kaya naman nang inilipat ko ang tingin sa babaeng nasa tabi niya na si Eidi ay doon ko nakita ang polo ni Vester ay nakapatong sa balikat ni Eidi.

Hindi ko maiwasan ang pait na nararamdaman ko at hindi ko rin maiwasang ikumpara ang sarili kay Eidi, Hindi ba't mas basa ako kasya sa kanya?

Nagtagal ang titig ko sa kanila at hindi ko na napansing nakaharang pala ako sa daraanan nila kaya naman nang pumasok sila at alam kong sadyang binangga ni Vester ang balikat ko.

Umiling ako sa sarili at naglakad papunta sa aking silya na sakto ring pagpasok at pagdating ng guro naming sa Filipino.

Pagkapasok ko palang ay alam ko ang mata ng lahat ay nakatingin at nakamasid sa akin kaya naman hindi na rin ako magtataka kung pati ang guro naming ay may alam na rin. Hiniling ko rin na sa ay hindi niya na ito banggitin pa sa harap ng mga kaklase ko. Dahil bukod sa narito ang dalawa, ayokong gumawa ng gulo.

Nagsimulang magklase ang guro at hindi ko na rin maiwasan ang pagsama ng pakiramdam ko, kaya naman kahit anong gusto ko at pilit ko na makinig sa kanyang itinuturo ay natutulala ako at walang pumapasok sa utak at tainga ko.

Bigla na lamang akong nagulat at napatalon sa sariling upuan ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Riston.

'Tch! Ang gago.'

Dirediretso itong pumasok at agad ring dumiretso papunta sa lugar kung nasaan ako. Bigla niyang hinawakan ang nook o pagkatapos ay ang palapulsuhan ko naman ngunit galit kong binawi iyon sa kanya.

"Ano ba? Tanga ka ba? Nakikita mong may klase ako diba?"

"Sasama ka lang sakin Xyra."

"Ayoko." Tanggi ko.

"Pero gusto ko lang naman malaman kung ayos lang ang pakiramdam mo-"

"Ayoko sabi!"

Humugot siya ng malakas na hininga atsaka umiling pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa akin.

"Dito na nga lang."

Pagkasabi niya no'n ay inilapag niya sa harap ko ang isang boteng mineral water at ang gamot. Pagkatapos ay mayroon siyang dinukot sa bulsa at nakita kong panyo ito, pinunas niya iyon sa parting basa pa sa aking ulo at mukha. Pagkatapos ay bigla niyang itinanggal ang jacket at isinuot pa sa akin, bahagya pa akong napatalon dahil sa kanyang ginawa.

Habang ginagawa niya ang mga iyon ay pinagmamasdan ko ang sugat na natamo ng pisngi niya kanina.

"Are you guilt tripping me?" Mababang boses kong tanong.

Saglit siyang tumigil at tumingin sa mata ko bago sumagot

"No..." sabi niya at nagpatuloy sa ginagawang pagpunas

"Why are...you doing this then?" Nalilito kong tanong sa kanya kong tanong sa kanya

"Because there's no need for you to know me." He said.

Pagkatapos non ay tumalikod siya at umalis nang room. Naiwan akong nalulunod sa sariling isipan at naguguluhan. Hindi ko siya maintindihan!

Tumikhim lang an gaming guro at nagpatuloy sa kanyang pagtuturo habang ako ay hindi alam kung saan napadpad ang utak.

Tapos na ang klase at iyon lang ata ang magandang nangyari sa araw na ito, nagsilabasan na ang mga kaklase ko at iilan nalang din ang natira. Hinang hina akong tumayo at tamad na tamad ding maglakad. Pakiramdam ko nga ay lalagnatin ako dahil nararamdaman ko ang init ng katawan ko. Napabuntong hininga na lamang ako.

Napatalon ako sa gulat nang makita kong nag-aabang si Riston sa tapat ng room habang diretsong nakitingin sa suot ko.

Nang lalapit sana siya ay bigla akong nabahing.

Mukha ngang tuluyan na akong lalagnatin sa lagay kong ito.

Muli nanaman akong nagulat dahil lumapit siya sakin at nilagay ang palad sa noo ko, pinagmasdan ko kung pano kumunot ang noo niya nang bigla siyang tumingin sa mata ko.

Wala ako sa tulirong nagpalunod sa kanyang mga mata. Dahil ang kanyang mga mata ay parang isang bitag, kapag tumingin ka roon, hindi ka na makaka-iwas at makakawala sa kanyang tingin.

"Tara na kasiiii, sige na hehe ligo tayo sa ulan pleaseeeeee." pagmamakaawa ko

"Hindi nga pwede saysay baka kasi lagnatin tayong dalawa"

"Laaaaah! Kasi naman eh! Isang beses lang! Tas pag nilagnat ako pagtapos non di na tayo uulit plsssssss."

"Hind-"

"Bahala ka jan ah?! Ako maliligo magisa tse!!!"


Sabi ko sabay takbo sa labas at naligo sa ulan. Nagulat naman ako na nasa likod ko na siya at basang basa na rin kaya naman naglaro kami sa ulan

Pagkatapos naming maligo ay pumasok na kami sa loob para magbanlaw kaso masama ang tingin niya sakin dahil kanina pa akong bahing ng bahing .


Nilagay niya ang palad niya sa noo ko.


"Ayan tuloy! Sabi ko kasi sayo magkakasakit ka e, Tignan mo Antaas ng lagnat mo!"

"Oh ano naman? Aalagaan mo naman ako diba?"

"Oo. Pero alagaan mo sarili mo tignan mo mukha ka nang reindeer sa pula ng ilong mo"

"Nakakainis ka naman eh! Balakajan ah.Di tayo bati ble."


Sabi ko at tinalikuran siya.









\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon