Chapter 25

51 13 5
                                    

Xyra's Pov




Isang linggo ang nakalipas ng mangyari iyon ngunit wala paring Riston ang nagpapakita. At isang lingo na rin akong nababaliw kakahanap sa kanya at parang tangang lilingon agad kapag narinig kong nabanggit ang pangalan niya.

Bago pumasok ng cafe nagdadasal ako na sana ay nandiyan na siya.

'Gusto ko na siya makita.'

Napatingin ako sa upuan na nasa harapan ko. Si Vester at eidi din ay halos isang linggo nang ring hindi pumapasok.

Nagring na ang bell kaya naman uwian na. Sabay kaming lumabas ni Ariyah nang natigilan ako ng makita ko si Riston na nag=aabang sa labas ng classroom.

"Hi..."

"Ariyah-" nagulat ako ng wala na si ariyah sa tabi ko at tumatakbo na paalis.

Bumuntong hininga ako at nagsimulang maglakad. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ay may humatak sa braso ko.

Parang kanina lang, kahapon, at nitong mga nakaraang araw nagdarasal ako na makita siya ngayon namang nandito siya parang ang gusto ko nalang gawin ay tumakbo at magtago nalang bigla basta yung hindi niya na ko makikita.

"I...i'm sorry..." otomatikong umangat ang kilay ko at nakita ang bulaklak na hawak niya.

"I'm sorry. Wag...wag ka na magalit..mag=eexplain ako.." nakatingin lang ako sa kanya pero naghihintay ako ng sasabihin niya.

"Mali yung nakita mo...hindi ko naman sinasadya na yakapin siya- i mean oo sinadya ko pero kasi kailangan niya ako."

Sinubukan niya pang iexplain ng maayos pero sadyang hindi ako makapagsalita dahil napatitig ako sa mukha niya.

Wala siyang makuhang sagot sakin dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko.

Sa totoo lang wala akong maisagot dahil gusto ko ring malaman yung sagot kung bakit di ako makasagot.

Ewan, ang gulo.

Habang tinitignan ko siyang nagpapaliwanag mas lalong naging klaro ang itsura niya ngayon sa paningin ko. Agad ko nanamang napansin ang eye bags niya! Malamang ay kulang nanaman siya sa tulog at panay ang pag-papagod.

'At ano naman ang dahilan para mapagod ka?'

"Tsk! Let's go." Nagulat nalang ako ng hinatak niya ako muntik pa akong mapadausdos sa hagdan kaya naman hinatak ko yung kamay ko sa kanya.

"Bakit ako sasama sayo ha? Pagkatapos mo mawala ng isang linggo kakaladkarin mo nalang ako?!" Nagrereklamo at sunod-sunod kong sabi sa kanya habang hinawakan ako muli sa pulso at hinatak nanaman ako.

"Sasama ka sakin." Sabi nanaman niya kaya naman iritado akong bumaling sa kanya.

"Bakit nga?!"

"Para malaman mo yung katotohanan." aniya at agad naman akong nagtaka sa kanyang sinabi.

'W-weirdo!'

"A-anong katotohanan? Hah! Sinasabi ko na nga ba! Magjowa kayo ni Eidi ano nalang mararamdaman ni Vester-"

"Vester nanaman." Aniya at umirap pa!

"At ikaw ay Eidi nanaman- hoy! Ibaba mo ako!" Reklamo ko dahil bigla niya nalang akong binuhat at ipinasok ako sa kotse at sinuotan agad seatbelt.

"Ano ba?! Yung bike ko nanaman maiiwan!"

"Stop talking!" Sigaw niya sa akin at talagang nagulat ako doon at medyo na-offend.

Napatigil pa ako dahil nakita ko ang mukha niyang iritang irita na parang may gusto siyang sabihin pero di niya masabi. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

"I'm sorry... but can you please stop talking? Even for a minute please?." Kumirot ang puso ko pero ginawa ko ang gusto niya.

'Ano ba ang problema nito? At bakit parang pagod na pagod ka? Anong nangyari? Anong meron? Bakit ramdam na ramdam ko ang pagod mo sa tono ng boses mo? Bakit?!'

Ang totoo niyan ay gusto kong magtanong at mangulit, ngunit itinikom ko nalang ang bibig ko at nanatiling tahimik.

Tumutok nalang ako sa mga dinadaanan namin hanggang sa mapansin ko na parang papasok kami sa isang lugar na delikado dahil kahit saan ako lumingon ay puro lalakeng tambay ang nakikita ko.

Huminto ang sasakyan at akmang lalabas si Riston.

"Huwag ka lalabas!" Sigaw ko sa kanya.

"Huh? Why?"

"Bakit tayo nandito?"

"Dahil nandito ang katotohanan, nandito ang sagot sa nakita mo noong nakaraan.." Aniya at natigilan naman ako. Magsasalita sana ako ngunit lumabas siya at umikot sa kabila upang pagbuksan ako ng pinto.

"Come out."

"A-ayoko delikado.."

"Tss. It's not. You're with me."

Lumabas na ako ng sasakyan at pilit ibinababa ang palda ko kahit hanggang ibabaw ng tuhod ko ito.

Pumasok kami sa isang katamtamang eskinita at mapapansin mo agad ang isang bahay na pinakamaayos sa eskinitang ito.

Papasok na sana kami ng bahay na iyon nang napa-atras ako dahil may narinig akong sigaw at basag ng bote. Nilingon naman ako ni Riston pero di ko siya pinansin at nakinig sa sigawan.

"Kasalanan mo tong bata ka! Kung hindi mo sana pinang-aral yung pera na binigay sayo ng kuya mo. E'di sana ay magaling na ang nanay mo! At wala siya diyan ngayon! E'di-"

"Can you just stop? What do you want? Money?! Here! Now get the fuck out!" Nanlalaki ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Prio sa loob.

"A-anong ginagawa-" naputol ang pagtatanong ko nang hinatak ako ni Riston
papunta sa likod niya at doon ko nakita ang lalaking puno ng drawing sa katawan at kalbo ito, napansin kong tumingin muna siya kay Riston bago ito tuluyang umalis.

Pumasok na kami ni Riston sa loob at agad na dumapo ang mata ko sa dalawang tao na nagtutulungan na maglinis ng basag na bote. Nakita kong si Ariyah iyon at Vester ngunit napatingin ako kila Eidi at Prio.

"E-eidi..P-prio?.."Nangtatakang tanong ko sa kanilang dalawa.

Mabilis na tumingin sakin si Eidi at agad tumakbo sakin at sinalubong ng yakap. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"I'm sorry...hindi ko sinasadya."

"A-ah! Ano ka ba! O-okay lang yon tsaka privacy niyo 'yon dahil magkasintahan kayo-"

"Anong magkasintahan?! Magpinsan kami niyan!"







\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now