Chapter 16

86 14 2
                                    

Xyra's Pov




"Okay na po ba siya doc?" Tanong ko sa doktor nang matapos siya at lumabas galing sa loob.

"Yes miss."

"bakit po nahimatay?"

"Hindi pa kasi siya natutulog ng sunod sunod na tatlong araw at walang maayos na kain kaya ayan." Tumango ako sa doctor at pumasok sa loob.

Nagulat ako roon at napatingin sa kanya. Nakita ko siyang nakapikit at alam kong natutulog siya. Napabuntong hininga nalang ako. Nakokonsensiya tuloy ako sa mga ginagawa ko sa kanya. Kasi inaalagaan niya ako tapos iba pa yung pakikitungo ko sa kanya. Napatingin ako sa mukha niya at doon ko talagang napansin yung eyebags niya at maputla niyang labi.

"Don't stare." napatalon ako sa gulat kaya naman pagtingin ko sa kanya ay nakangiti na itong nakatingin sakin.

"G-gising ka na pala?"

"Yeah."

"Kanina pa? Nakikinig ka ba sa usapan naming ng doctor?" Tanong ko sa kanya habang naka-angat ang kilay. Tumango naman siya bilang sagot sa akin.

"Tsk! Bakit kasi hindi ka man lang natulog sa loob ng tatlong araw?! Wala ka bang balak matulog at pinabyaan mo ang sarili mo?!" Inis kong pinagalitan siya.

"I-I was just busy...I'm sorry, pinag-alala ba kita?" At ayon na, lumabas na ang kanyang ngiti, inirapan ko siya, mukhang okay na siya, ayan nanaman siya sa pangangasar niya kahit nakangiti lang naman.

"Okay ka na ba?" Tanong ko nalang sa kanya atsaka para na rin maiwasan ang kanyang tanong.

Ayaw kong umamin dahil grabe talaga ang pag-aalala ko kanina, ayaw ko sabihin dahil...dahil ayaw ko, bakit ba?!

"Nagusap na kayo?" Kumunot ang noo ko dahil sinagot niya ng tanong yung tanong ko kaya naman napataas ang kilay ko.

"Tss. Fine...i'm okay..i guess?" He said when he tried to sit kaya naman inalalayan ko din siya.

"Do you need anything?" i asked.

Napatingin siya sakin at bumaba ang tingin sa labi ko.

Tinakpan ko iyon at umatras agad, hindi pa ako nagsisipilyo!

Hindi naman sa gusto ko siyang halikan. Alerto lang ako atsaka nahihiya ako...

'Eh bakit naman kasi ako mahihiya?! Anong pakielam ko kung mabaho na ang hininga ko?!'

Lintek talaga, delikado na to at kinakausap ko na ang sarili ko ah?

Tumawa siya sakin at tumayo na doon sa kama sinundan ko siya dahil baka mapano siya, yun pala ay isasara niya lang ang pinto at agad naman akong nagtaka, nang babalik na sana ako sa kinatatayuan ko kanina nang hinatak niya ako at hinawakan sa bewang.

"You said anything right?" He said while staring at my lips.

No.

Hindi.

Not now.

Hindi sabi ngayon!

Napapikit ako ng mariin ng ilapit niya yung mukha niya sakin kaya lang ilang segundo ang lumipas ay walang nangyari.

"Gusto ko dalawa tayong magpapahinga sa room na to."

Napadilat ako ng mapansin kong halos isang metro na pala ang layo niya sakin.

"Y-yun lang?"

"What?" Natatawa niyang sabi.

"Namumula nanaman yung ilong mo. Baka may sipon ka ah ayoko mahawa."

Inis akong lumapit sa kanya at hinampas siya sa braso tumalikod ako at lumabas, nagsabi sa isang nurse na kung pwedeng dito narin ako para sa isang kwarto nalang. Nagrequest din ako na dagdagan ng kama para hindi kami magtabi sa isa.

Hayop! Sobrang lakas ng tibok ng puso ko hanggang ngayon dahil sa ginawa niya! Nagkanda-utal-utal pa ako roon sa kausap kong nurse!

'Narinig niya kaya tibok ng puso ko?'

Naghihintay ako para dun sa kama ng biglang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na babae na dirediretso sa isang kwarto. Sinilip ko ang loob at nakitang natutulog si Riston sa kama kaya naman dahan dahan akong naglakad papunta roon sa pinasukan ng babae kanina. Hahawakan ko na sana yung door knob ng may humawak sa balikat ko kaya agad akong lumingon.

"What are you doing? Anong gagawin mo diyan?" He said while looking at me.

"A-ah w-wala y-yung ano kase. Yung nurse na hiningian ko kanina para sa kama pumasok dito kaya ano...tawagin ko sana antagal e..." sabi ko habang nakayuko.
Ayoko tumingin sa kanya baka kasi maalaman niya na nagsisinungaling ako.

Tumango lang siya at hinatak ako at naglakad ulit kami papasok sa kwarto. Ngunit laking gulat ko ng pagpasok ko dahil ang higaan na dapat dalawa ay naging isang malaking kama.

"Bakit isang kama lang yan?!" Naghihisteryang sigaw ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin dahil pinagmamasdan niya ang pag-aayos ng kama na malaki.

"Hoy! Sumagot ka-"

"Para tabi tayo." Aniya at nilingon ako. "Bakit? Ayaw mo?"

"Oo ayaw ko! Tatanong ka pa ng bakit ha?!"

"Bakit? Natatakot ka?" Sabi niya at tumawa.

"Oo! Mamaya manyakin mo ko!" Lalo akong nagulat dahil lumakas ang tawa neto.

"Ikaw lang naman talaga ang mamanyakin ko."

Agad akong tumakbo papunta sa kama at kumuha ng unan at hinagis sa kanya nang iwasan niya ito at biglang bumukas yung pinutuan at pumasok ang isang nurse kaya natamaan ito sa ulo.

Natumba ito at agad na tinulungan ni riston ang nurse pinagpagan pa ni Riston yung balikat niya at likod nito. Nakaramdam ako ng inis nang makita ang kamay ni Riston kung paano dumapo sa balikat ng babae. Napa-angat ang kilay ko ng mapansing painda inda yung babae at nagiinarte.


"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo miss?"

"Anong masakit don? unan lang yon ah?" Naka-angat na kilay kong sabi.

"H-hindi po okay lang po. A-ah pinapasabi lang po ni Doc na pwede na po kayo umuwi bukas."

"Sige labas na." Sabi ko rito.

Tumingin sakin si Riston at inangatan ko lang rin ito ng kilay.

Pumasok ako sa cr at nagsipilyo at naghilamos ng mukha paglabas ay nakita ko si Riston na nakahiga na sa kama. Humiga ako sa kanang bahagi ng kama. Pagkahiga ko ay pinakaramdaman ko siya, naramdaman ko ang paglalim ng hininga niya kaya bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko ng may sinabi siya ngunit hindi naging klaro sa pandinig ko.

"Saysay goodnight. Mahal na mahal kita."


"Pano pag nalaman ng daddy mo saysay?"

"Hindi naman nila malalaman iyon, tsaka lagi silang busy."

"Sige paglaki mo liligawan kita."

"Sabi mo yan ah? aantayin ko yan."

"Saysay ipangako mo sakin na hindi mo ko makakalimutan ah?"











\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now