Chapter 1

349 24 21
                                    

Xyra's Pov



Kinginang lamok na to. Bwisit.


Muli kong binugaw ang lamok na dumapo sa aking braso ngunit ng bumalik ito ay pinatay ko na gamit ang aking kamay. Napabuntong hininga ako at tinignan ang paligid at nagbaka-sakali na may humintong sasakyan sa harap ko at lalabas ang kaibigan ko pero wala.


Antagal naman ni vester..


30 minutes na ako dito sa waiting shed.


May usapan kasi kami ng bestfriend ko na ihahatid niya ako ngayon sa pagdedeliveran ko ng cupcake pero 7:40 AM na.


10 minutes nalang late na ako


Halos isang linggo narin ang nakalipas sa huli naming pagkikita dahil may inasikaso daw siya. Pero sabi niya ay babawi siya ngayon kaya eto nanaman ako naghihintay sa kanya, Sa isipan ko palang na makakasama siya ulit ay nakakaramdam ako ng saya.


Wala pa namang masakyan dito kahit jeep or taxi. Kaya naman matiyaga ko pa rin siyang hinihintay.


Pero lumipas na ang huling sampung minuto pero ni anino man lang ni vester ay hindi ko nakita at dumating dito. Nang tuluyan na talaga akong mawalan ng pagasa ay tinext ko nalang ang coffee shop na hindi ako makakapunta ngayon dahil may emergency.


Malakas na humampas ang hangin at agad akong nakaramdam ng nginig, Napatingin ako sa langit at napansing nangungulimlim na nga ito. Napabuntong hininga ako.


Sumabay sa malakas na hangin at lamig ang nararamdaman kong lungkot, Dahil ito ang unang pagkakataon ko na maibenta ang cupcakes ko sa isang coffee shop pero...


Mukhang minamalas ako ngayon, sa susunod na pagkakataon nalang siguro.


Nahahabag man, muli kong tinignan ang apat na naglalakihang box na dala ko.


'Sayang...'


Napatingin ako sa cellphone ko dahil tumunog iyon, Akala ko ay si vester kaya naman mabilis ko itong binuksan pero nabigo lamang ako ng makitang reply iyon ng may-ari ng coffee shop.



Tumayo na ako at naglakad dala dala ang mga cupcakes ko. Hiniling ko nasa ay wag muna bumuhos ang ulan dahil talagang masasayang ang dala dala ko. Nasa gitna ako ng paglalakad ng makita ko ang mga bata nag-aagawan sa pagkain. Pinagmasdan ko sila.


Napatingin ako sa mga cupcakes na dala dala ko, Lalapitan ko sana sila kaso lang ay napaatras ako dahil muntik ng mag-away ang dalawa. At isa pa nag-aalinlangan akong lapitan ang mga ito dahil hindi naman ako palakaibigan.


Pero gutom na sila wala namang masama kung susubukan kong lumapit diba?.Dahan dahan akong lumapit pero nag-iwan parin ako ng malaking distansiya. Lumapit lang ako kung saan nila ako mapapansin at maririnig.

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now