Chapter 4

141 20 8
                                    

Xyra's Pov



Huminga ako ng malalim atsaka pumasok na sa room, ihahanda ko na sana ang aking sarili para sa sermon ni Ms.Zueldo ngunit nanlalaki ang mga mata ko nang makitang wala pang katao-tao sa classroom.


Napakunot ang noo ko, hindi ba't late na ako kanina?


Mabilis kong kinuha ang aking cellphone sa bag at binuksan ito, napanganga ako bigla nang makitang mayroon pang 30 minutes bago mag-umpisa ang klase.


Hindi ko matanggap ang ginawa kong pagtakbo at pakikipag-argumento ko dahil sa pag-aakalang late na ako.


Walanghiyang orasan yun, mapalitan nga ng battery mamaya.


Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko, kinapa ko ang sarili at naramdaman parin ang sarili na may lagnat. Pumipintig pintig sa sakit ang aking ulo kaya naman para kumalma ako ay inilabas ko ang earphone ko atsaka isinalpak sa tainga, pagkatapos ay yumuko ako sa aking mesa.


Eksaktong pagyuko ko ay ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Vester, kasunod niya angkasama niyang babae kahapon. Naging malaks ang bulungan ng mga classmates ko na wala naman kanina dito.


"Uy hala ang cute ng couple sa room natin guys."

"Oo nga!"

"Pogi plus maganda! Ay pasabog."

"SUPER PERFECT!"


Mga talak ng hito sa paligid ko. Umirap ako at inangat ang ulo, ngunit pinagsisihan ko iyon dahil nahilo ako. Masusuka yata ako. Kaya naman ay tumayo ako at mabibigat ang paang naglakad papalabas ng classroom at pagkalabas ko ay tumakbo na ako sa pinakamalapit na restroom sa aming floor.


Nang matapos kong sumuka sa restroom ay napagdesisyonan kong wag munang bumalik sa classroom at pumunta nalang sa may garden ng school. Nagbabaka-sakaling gumaan ang pakiramdam ko.


Ngunit habang naglalakad ako ay pakiramdam ko ay mayroong nasunod sa akin. Huminto ako sa paglalakad at pinagmasdan ang paligid. Nag-kibit ako ng balikat ng makitang wala naman. Kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad. Pagkatapos ay humiga, ginamit ko ang dalawang kamay ko upang maging unan ko.


Ngunit napabalikwas ako ng bangon ng may naramdaman akong bumagsak malapit sa aking tabi galing sa itaas.


"Ikaw nanaman?!"


Seryoso niyang pinagpagan ang puting polo atsaka umupo sa tabi ko.


Biglang umangat ang kamay niya at akala ko naman ay hahampasin niya ako ngunit dumapo lamang iyon sa aking noo.


"Tsk! Ang tigas parin ng ulo mo, imbis na sa clinic ka pumunta ay dumiretso ka pa talaga dito."


Gusto ko sana siyang sagutin ngunit biglang sumakit ang ulo ko hanggang sa nakatulog ako sa kanyang tabi.

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now