Chapter 31

45 10 2
                                    

Xyra's Pov



Dirediretso akong bumaba ng hagdan kahit naririnig ko ang tawag niya sa akin, hanggang nasa gitna na kami ng daan ay patuloy parin ako sa paglalakad.


"Xyra!"

Nakita kong tumakbo na siya kaya naman agad na rin akong tumakbo para hindu niya maabutan. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante ngunit hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Xyra!"

Bigla akong napatid at nadapa sa isang bato kaya naman sumubsob ako sa lupa at napasigaw sa sakit dahil sa paa ko.

"Xyra!"

Nakita kong malapit na siya sakin kaya naman agad akong tumayo ngunit muli akong napaupo at napasigaw sa sakit dahil hindi ako makatayo. Agad siyang lumapit sa akin ngunit pinigilan ko siya agad.

"Diyan ka lang!"

"Baby.."

Agad na tumaad ang init ng ulo ko at tinignan siya lalo ng masama.

"Ngayon baby na?! Kanina xyra lang ah?!"

Hindi siya nakapagsalita at kumamot lang ng ulo. Umupo ito upang magpantay kami ngunit sadyang matangkad siya kaya naman medyo nakatingala parin ako sa kanya.

"Hoy mondello! Child abuse ka!" Sigaw ng isang lalaki na nakasuot pa ng apron.

Ibabato ko sana ang nadampot ko doon sa lalaki ngunit agad akong napigilan ni riston kaya naman agad ko siyang tinignan ng masama.

Inilapit niya ang mukha sa akin at bumulong sa tainga ko.

"B-bakit ka ba nagagalit? M-meron ka ba ngayon?"

Agad ko siyang itinulak at hinampas sa balikat.

"Bat ako nagagalit?! Bat ba ako nagagalit?!"

Nakita ko na sina eidi at ariyah na paparating kaya naman sinenyasan ko ang mga ito na lumapit sakin upang matulungan ako.

Nang makalapit sila ay humawak ako sa dalawang kamay nila at nagpaalalay sa kanila.

"Dalhin ka namin sa clinic?" Tanong ni eidi kaya naman tumango nalang ako sa kanya bilang sagot.

Biglang may humawak sa kaliwang kamay ko at nang makitang si riston iyon ay sisigawan ko sana siya ng malakas na tumili si ariyah.

"Kayo na! Kayo na!" Sigaw ni ariyah habang tinuturo ang kamay naming dalawa ni riston na magkahawak habang niyuyugyog si eidi na nakatingin rin sa kamay namin.

Unti unting umangat ang tingin sakin ni eidi at ngumisi ng todo.

"Sabi ko na eh. Di ka naman mahilig sa alahas kaya nagtaka ako kung bat naisipan mong bumili bigla ng bracelet." Aniya at tumawa ng malakas.

"Osiya osiya ikaw na bahala sa mahal naming prinsesa kuya riston. Magkakalat lang kami ng balita paalam!" Ani ni ariyah bago umalis at tumalon talon silang dalawa na naglalakad paalis.

Nakangiti ko silang pinagmamasdan kaya lang nang mapadpad ang tingin ko sa lalaking nasa kaliwa ko napapikit ako dahil naalala kong muli ang paghaharutan nila ng dalawang babaeng iyon.

Narinig ko siyang tumawa kaya naman idinilat ko ang mata at tumingin sa kanya ng masama.

"What?" He asked.

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now