Chapter 21

65 15 2
                                    

Xyra's Pov




Kanina ko pa ramdam ang paglingon lingon sakin ni Riston habang nagmamaneho siya. And yes he was smiling like an idiot! Kanina pa yan nakangiti habang nagd-drive. Inirapan ko nalang siya at tumingin sa bintana.

Ang totoo niyan ay pinag-iisipan ko parin ang mga pinagsasabi niya kanina sa harap ko. Malalim akong huminga at dahan dahang ibinuga iyon. Hanggang ngayon kasi ay malakas parin ang kabog ng dibdib ko.

"Xyra? B-babe? antahimik mo ata?" Aniya at tinignan ko lang siya ng nakakunot ang nook o.

'Maka-babe to?!'

"Ano ka ba? Okay ka lang ba? hindi ka talaga magsasalita?" aniya nanaman.

"Kung hindi ka magsasalita ay papaungulin kita dito?" Agad akong lumingon sa kanya at kinuha ang plastic bottle sa dash board at agad na hinampas ito sa kanya kaya naman itinigil niya ang sasakyan sa gilid.

"Alam mo yang bibig mo nakakadiri!" Naiiritang sabi ko rito.

"Anong nakakadiri? Sabi mo nga lasang kape to eh!"

Nanlalaki ang mata ko. "N-narinig mo y-yon?"

Humagalpak siya ng tawa habang nakahawak sa tiyan ang isang kamay at nakaturo sakin ang isa. Badtrip kong binuksan ang pinto ng saksakyan at nagumpisa nang maglakad.

"Hoy babe joke lang! Tara na! Pa-gabi na oh?!"

'Ano nanaman kaya ang trip netong lalaki na to?! Nakakainis! Ni hindi mo malaman kung kalian seryoso at kung kalian nagbibiro! At nakuha niya pa talagang magbiro kung kalian namang nanahimik na ako?!'

"Punyeta ka!" Sabi ko sabay pinakyu siya at nagsimula ng maglakad.

Naramdaman ko ang pagsunod ng kotse niya at nagulat nalang ako ng may humatak sa kaliwang braso ko at na-corner gamit ang dalawang braso na nakasandal sa kotse.

Aangalan ko sana siya kaso agad akong napatahimik ng makitang gano siya kaseryoso.

"Pano mo natutunan yan?" Sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa mata ko.

"A-ang alin?"

"Alam mo ba ibig sabihin pag namakyu ka ng isang tao?" Tanong niya.

"O-oo...." tumaas ang kilay niya. "h-hindi pala... ano ba ibig sabihin?"

"Ibig sabihin gusto mo ng parusa." Aniya.

'PARUSA?'

"P-parusa? Anong parusa? Ikukulong ako? Ipoposas?"

"Hmmm. Pwede rin naman babe. Ako naman magpaparusa sayo." Aniya sa mababang boses at agad naman akong nailang!

Agad na nag-init ang mukha ko nang maintindihan ang sinabi niya. Mabilis kong tinanggal ang kanang kamay niya nakaharang sa daraanan ko.

"Alam mo? Puro ka kalokohan!" Sigaw ko sa kanya.

"N-nagbibiro lang naman ako-" pinutol ko agad ang pagsasalita niya.

"Pero hindi ako natutuwa sa mga biro mo! Hindi mo ko makukuha sa pa-korner korner na yan!" Asar-talo kong banat sa kanya.

"S-sorry na, K-kasi naman kasi...h-hindi ka nagsasalita eh..." utal at halatang kabado siyang sumasagot sa akin.

"Dahil nag-iisip ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Sino namang iniisip mo?" Nanlalaki ang kanyang mga mata habang itinanong sa akin iyon.

'Ikaw! Letse!'

"S-sino agad?! Hindi ba pwedeng a-ano muna bago ang s-sino?!" Kabadong sabi ko agad.

'Malamang ay ayaw kong ipaalam na ikaw ang laman ng isip ko!'

"Pwede naman..."

"Oh?! Pwede naman pala eh!"

Parehas kaming nakatingin lang sa isa't-isa. Parehas din kaming humihinga ng malalim.

"Nagugutom ka siguro..." Nakangisi nanamang aniya sa akin.

"H-hoy! H-hindi ah!" Nanlalaking butas na ilong kong tanggi.

"Talaga?" Nakangiti at nang-aasar nanaman niyang sabi sa akin.

"Bwisit! Ayan ka nanaman eh!" Inis kong sigaw sa kanya.

Nagpatuloy ang pagtatalo namin ni Riston sa sasakyan hanggang sa makarating kami sa isang kainan. Pumasok kami sa loob at napansin ko agad na marami rami ang taong kumakain dito. Naupo kami sa pandalawahang tao na lamesa.

"Dito ka lang ako na kukuha ng makakain." Tumango ako sa kanya at napapitlag ng halikan niya ako sa noo.

'Aatakihin ata ako sa puso ngayon...'

Pinanood ko siyang kumuha ng isang tray at dalawang plato, dalawang kutsara at tinidor at nagsabi sa tindera ng kung ano man.

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang hindi mapansin kung gaano siya ka-asikaso. Kung gaano lang siya kasimpleng tao. Hindi siya maarte. And aside from being handsome and naughty, i kinda feel like i already know him.

That's why i also let him. Because there's something familiar. I want to find what's missing. Why i can't understand something that they understand. I keep questioning myself. But whenever my eyes found his.

I know that. There's an answer in his eyes. Maybe in his soul. Maybe in his mind. Or maybe...in his heart.

"Hey are you okay? Bakit ka natutulala diyan?" Halata ang pag-aalala sa kanyang mata nang itanong niya sa akin iyon.

Hindi ko kailan man ito naramdaman kay Vester. Simula rin ng magising ako mula sa coma ay wala na akong maalala pang iba. Ang mga salita lamang ni Vester, Mommy at Daddy ang siyang pinaniwalaan ko at pinanghahawakan ko noon. At dahil nga wala rin akong maalala sila rin ang pinagkatiwalaan kong tatlo. Dahil sila lamang ang nandoon simula ng magising ako...

'Hanggang sa dumating ka Riston, May mga bagay akong tinatanong sa isipan ko na kalian man ay hindi ko inilabas, na hanggang ngayon ay kinikimkim ko pa rin ito at alam kong hindi iyon masasagot ng kung sino man, hanggang sa nakita kita at nagpakilala ka...'

"I'm okay. May naisip lang." Ngumiti siya at nanunuksong tumingin sa akin.

"Kung may binabalak kang masama pwedeng sa kama nalang natin gawin?" Tumawa ako ng malakas at binato sa kanya ang tissue.

'Ang gusto ko ay ikaw ang sumagot- hindi, ang totoo ay gusto kong ikaw lamang ang sagot at gusto ko ring ikaw lang ang sasagot, dahil sa palagay ko hindi ko na kakayanin pang tanggapin iyon kung hindi ikaw.'

'You're not just my home, you're the answer to my question.'









\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now