Chapter 13

85 15 1
                                    

Xyra's Pov




Agad akong naglakad papunta sa room nang maiparada ko ang bike ko. Nakita ko na iilan palang ang tao sa room kaya naman umupo ako sa upuan. Lumipas ang limang minuto at kumpleto na rin kami. Dumating si Vester at Eidi habang nagannounce si Earl para sa praktis namin mamaya nang biglang pumasok si Maa'm Zueldo kasunod ang isang babae.

"Okay class may bago kayong classmate. Please introduce yourself"

"Hello! I'm Ariyah Amayre Mateo Cabren. Nice meeting you all." Masagnang bati niya sa aming lahat

"Okay please take a seat." Si Ma'am

At dahil wala namang ibang bakanteng upuan ay umusog ako pakaliwa at ngayon ay nasa harap ko na si Vester naaamoy ang pabango nito. Habang papalapit ang babaeng transferee ay namumukhaan ko ito at naalalang siya yung babaeng purong pink ang kulay ng sasakyan. Medyo nagulat ako nang kaunti dahil ang babaeng iyon ang tinulungan ni Vester kahapon na siya ring tinulungan ko sa pagbitbit ng mga groceries niya. Nang makita ko siya ay bigla ko tuloy naalala yung nangyari kahapon.

"Ate faerie...ikaw pala yan! Hala! Grabe! Classmates tayo!"

Tumikhim si Ma'am Zueldo at sinenyasan ko siya na mamaya nalang kami magusap. Habang nagk-klase si maam kapag tinitignan ko si Vester o kaya ang katabi kong si Ariyah ay naalala ko ang nangyari kahapon.

"Faerie..let's talk" Nakaramdam agad ako ng takot ngunit pilit ko iyong tinatabunan ng ngiti. Sasagot sana ako ng magsalita si riston.

"Hey babe late na tayo maghahanap pa tayo ng trabaho diba?" sabi niya at gumapang ang mga kamay sa bewang ko. Nilingon ko siya at nagbigay ng nagtatanong na tingin nang bigla niyang ilapit ang mukha at bumulong sa tainga ko, napasinghap ako.

"let's go Xyra nanginginig ka na." tumango ako at lumingon kay Vester

"I'm sorry vester... but we can't. Wag ngayon. Sorry." Pagkatapos non ay tumalikod na kami ni Riston pero hindi nakatakas sa mata ko ang expresyon ng mukha niya.

Naiilang tuloy akong makipag-usap kay Riston sa oras ng byhae namin. Kaya naman tumikhim ako at tinawag ko na rin siya ng mahkaroon ng lakas ng loob.

"R-riston..."

"Hmm?" sagot niya.

"K-kanina..."

"Kanina?" Nagtatakang tanong niya.

'kanina, maraming salamat dun sa ginawa mo at iniwas mo k okay Vester.' Please sabihin mo nang dire-diretso self.

"K-kanina ano...k-kanina magkano yung sa grocery? B-bayaran ko kasi.."

'ang tanga mo Faerie Xyra!'

Napa-angat ang kilay niya bago humalakhak ng malakas. Napaiwas ako ng tingin dahil nakakasilaw ang kumpleto't mapuputi niyang ngipin.

"Bakit? May ipambabayad ka ba? Hindi ba't wala ka pang trabaho at maghahanap ka palang?" Angat kilay niyang tanong.

Napaisip naman ako agad.

"Oo nga pala ano?!" sabi ko ngunit agad ding napahinto at nagtatakang tumingin sa kanya. "Teka nga! Bakit mo alam ha?! Stalker ka talaga!"

"Hindi ah?!" depensa niya sa sarili. "N-nab-banggit mo kasi kagabi habang tulog ka."

Kumunot ang noo ko. "Talaga?"

"Oo..."

"Singungaling ka eh!" sabi ko ulit.

"A-ano ba Saysay wag mo ko hampasin baka mabangga tayo.."

Nagulat at pareho kaming natigilan sa pangalan na nabanggit niya.

Bigla along napatalon ng marinig ang bell.

Ang bilis ng oras.

"Ate! Ate! Ate! Sabay tayo sa canteen! Dali."

Dahil wala naman siyang ibang kakilala dito ay tumayo ako at sinamahan siya sa canteen. Nang makarating kami doon ay nagusap kami saglit ng makita ko sila Eidi at Vester na pumasok sa canteen kaya naman nagpaalam muna ako saglit kay Ariyah na mag-ccr ako pero ang totoo ay tatakasan ko siya.

'I'm sorry Ariyah babawi nalang ako.'

Nakalabas na ako ng canteen ng biglang may humablot sa braso ko. Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi doon kaya naman agad kong nilingon kung sino yon.

"Mag-uusap tayo." Madiing pabulong niyang sabi at bigla akong hinatak papunta kung saan.

Nakarating kami sa likod ng pinakalumang building sa school kung saan walang masyadong tao.

"Pwede ka nang bumitaw. Wala ng tao-"

Agad akong napahawak sa pisngi ko ng makatanggap ako ng sampal sa kanya.

"Malandi ka!! Ang kapal ng mukha mo!"

"Ano bang problema mo eidi-"

"Ikaw! ikaw ang problema ko!"

"Wala akong ginagawa sayo"

"Anong wala?! Talagang ang kapal din ng mukha mo ano?!"

"Diba dapat ikaw yung mas makapal ang mukha dahil sinusugod mo ko ng walang dahilan?"

"Hayop ka! iniwan lang naman ako ni vester kahapon dahil nakita ka niya!"

"Nakita saan?-"

"Bullshit! wag ka na magmaang-maangan pa dahil halata namang sinusundan mo kaming dalawa!" napakunot ang aking noo.

"Ako? Susunod? Sainyo?"

Inangat niya ang kanang kamay niya upang sampalin ulit ako pero sinalo ko iyon at sinakal siya at idiniin sa pader.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, wala rin akong pakielam kung magkasama kayo." unti unting nag init ang ang gilid ng aking mata.

Ngunit ang totoo ay malaki ang pakielam ko! At hinihiling ko nalang sana ay maglaho yon!

Biglang kumilos ang kaliwang kamay niya at nakalmot ako sa mukha nang bigla akong nakarinig ng sigaw at may tumulak sakin ng pagkalakas lakas at tumama ang ulo ko sa isang bagay at naramamdaman ko na lang ang pagdapa ng katawan ko sa lupa.

"Ate...ate... ate faerie.."

Nakita ko ang pamilyar na bulto na binuhat ang babaeng may gawa nito sakin kahit na nanlalabo ang mata ko nakilala ko iyon kung sino.

'Bakit siya yung tinulungan? Bakit hindi ako?'

'Bestfriend mo ko diba?'

'Kahit tumingin ka lang'

Pero hindi niya ginawa...

Wag...

Wag mo ko iwan...

Wag...

Wag ka tumalikod sakin...

Vester...

"Ang daya mo..." Mahinang bulong ko sa sarili ko bagko ako tuluyang mawlan ng malay.








\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now