Chapter 9

105 17 0
                                    

Xyra's Pov




Nagising akong parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit, habol ko ang hininga habang nakatingin sa hindi pamilyar na kisame.

Inilibot ko ang tingin kung nasaan man ako ngayon at nasisiguro kong hindi ito ang kwarto ko, gumalaw ako ng kaunti ngunit napakunot ang noo ko ng may maramdaman akong parang nakadagan sa aking tiyan. Dahan dahan kong tinignan kung ano man iyon at agad akong napasigaw sa nakita.

"Puta! Manyak! Manyak! Tulong!" Malalakas na boses at mabilis kong sabi habang ang kamay ko ay pumupukpok sa kanyang ulo.

"Aray!"

"Hoy! punyeta ka! sino ang nagsabi sayo na pwede mong gawing unan ang tiyan ko?!" Malakas at nangigil na ani ko rito.

Kusot kusot niya pa ang kanyang mata dahil parang naalimpungatan siya sa aking ginawa, sumimangot ako sa kanya at tumayo sa kamang kinahihigaan ko kanina.

"Hoy! Ikaw! Kinidnap mo ko no?!"

"Hindi-"

"Anong hindi! Kinidnap mo ko eh!"

"Hindi nga sabi."

"Eh bakit ako nandito? Eh hindi ko naman bahay to! Atsaka isa pa bakit ako nandito?! At bakit ikaw ang kasama ko?!"

"Bukod sa ako ang kasama mo kahapon Xyra, Wala akong contact ng mga kaibigan mo atsaka di ko alam ang bahay mo." Aniya at nag-iwas tingin sabay lunok.

Natahimik ako roon sa kanyang sinabi at saglit na ring napaisip. Dahan dahan akong napaluhod sa kama, tama naman siya, hindi ba dapat ay magpasalamat ako sa kanya?

Natulala ako roon at hindi ko man lang siya naramdamang gumalaw at umalis sa harapan ko, napatalon at natauhan nalamang ako nang marinig ko ang mahinhing pag-sara ng pinto.

Nang makalabas siya ay agad na hinagilap nang mata ko yung bag ko at tinignan ang wallet ko at cellphone sa loob no'n.

Binuksan ang cellphone ko at agad na pumunta sa message at ganon na lamang ang panlalaki ng mata ko sabay sa matinding kaba ng makita ang pangalan ni Nanay Deliah sa message ko.

Kung minamalas ka nga naman oo.

Nagmadali ako at nang buksan ko ang pinto ay sumalubong sakin si Riston na may dalang agahan. Salubong ang kilay niya dahil sa kanyang naabutan, bitbit ko na kasi ang aking mga gamit at handa na akong lumabas.

"San ka pupunta?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Uuwi bakit?"

"Wala ka pang agahan."

"Ayoko kumain, kailangan kong umuwi."

Sabi ko at nilagpasan siya,agad naman siyang sumunod sa akin pababa ng hagdan.

"Hindi ka ba talaga kakain?" Muli niyang tanong ng nasa sala na kami, bitbit niya parin ang kanyang hinanda.

"Hindi nga sabi."

"Ahh, ganun ba?" Aniya sabay tingin sa kanyang hawak.

Pinagmasdan ko siyang kagatin ang kanyang labi atsaka humugot ng malalim na hininga bago ngumiti at tumingin sa akin.

"Saglit lang, ihahatid na kita."

Aniya at mabilis na naglakad at pumasok sa kusina.

Pumikit ako at pinilit ang sarili na wag magpalamon sa konsensiya, ngunit tuwing naiisip ko ang kanyang pagsisikap para maluto iyon ay nanghihinayang ako.

Iling-iling ako sa sarili na naglakad patungo sa kusina niya atsaka nakita kong ilalagay niya na sana sa refrigerator ang mga pagkain kaya naman ay lumapit ako sa kanyang gilid at pinigilan siya.

Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay na may lamang hotdog,bacon,itlog at iba pa. Agad naman siyang napatingin sa akin at nagtatakang nagtanong.

"B-bakit?"

"Akin na yan. Kakainin ko."

"H-ha? Nako wag na, di mo naman kailangang pilitin ang sarili mo kapag hindi ka talaga gutom-"

Natahimik siya sa pagsasalita nang marinig siya ang tunong ng bakulaw kong alaga.

"Sabi ko nga kakain ka." Aniya at inilapag sa mesa ang mga pagkain.

Sinenyasahan niya akong umupo at sinunod ko naman iyon total ay gutom na rin naman ako, Pinagmasdan ko siya kung paano niya ako sinandukan ng sinangag na kanin at nilagyan pa ng hotdog ang plato ko. Pagkatapos no'n ay tumayo siya at nagtimpla ng hot chocolate coffee.

"Eto oh, paborito mo." Aniya.

Mabilis na dumapo ang tingin ko sa kaniya, at mabilis din siyang nag-iwas tingin.

Ngumisi ako at tinanggap ang inumin na inalok niya, umiling iling ako.

"Hindi pala stalker ha?"

"Hindi talaga ako stalker..."

Humalakhak lamang ako at nagumpisa ng kumain.

"Okay, patunayan mo yan ha?"

"Oo naman." Proud niya pang sabi.

"Sige, kalian nga birthday ko?"

"April 28-"

"Aysus! Hindi raw stalker!-"

Natigil ang pag-uusap namin nang marinig ko ang cellphone ko na nagriring. Napatingin muna ako roon at bumaling ulit sa kanya.

Sinenyasan niya ako na sagutin ko to kaya naman agad akong kumilos para lapitan ito.

Nanay deliah calling....

Sumulyap ako kay Riston at sinagot ang tawag.


"Jusko namang bata ka?! asan ka ha?! nandirito ako sa apartment mo pero di ka pa nauwi! Haynako! aatakihin na ako sa puso nang dahil sayo! hindi mo ba kayang magreply man lang ng k poh nay di ako makakauwi now ganyan?"

"Nanay pasensiya na po... kasi po na- ahm ano po ako... ahm"

"Ano?! ano nangyare sayo iha?! may nangyari bang masama?! gusto mo tumawag na ako ng pulis-"

"Nay! Kumalma po kayo ayos lang ako. Uuwi narin po ako mamaya." Sabi ko at agad na pinutol ang tawag.

Huminga ako nang malalim atsaka tumingin kay Riston. Tumayo na siya kaya naman ay tumayo na rin ako.

Habang nasa byahe kami papuntang bahay ay walang tigil kaming nagtatapunan ng asaran at kakatalak.

Pagkalipas ng labing limang minuto ay nakarating na kami sa tapat ng apartment.

Huli ko naman na napansin na hindi man lang nagtanong sa akin si Riston kung saan ang daan patungo sa bahay ko, kaya pala ay napakadaldal niya sa byahe kanina ah?! Balak ko sana siyang pagalitan ngunit mayroong biglang nagbukas ng pinto ng kotse at agad akong hinatak papalabas.

"Jusko namang bata ka bakit ganito ang ayos mo ha?! Wala man lang suklay suklay anak?! Sino ba ang kasama mo nang mapagalitan ko ha?!"

"Mamaya ko nalang po ikukuwento nay-"

Napatingin ako kay Nanay Deliah na nakatulala kay Riston sabay tingin ulet sakin tas sabay kay Riston tas sakin ulet.

Ano ba talaga?

"Ikaw ba si..Riston iho?"








\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now