Chapter 37

40 9 2
                                    

Xyra's Pov




Hindi matanggal sa isipan ko ang nakita kahapon halos hindi ako makatulog sa nasaksihan at sa tuwing iniisip ko iyon ay naiinis ako sa sarili ko kung paano ko nasabi iyon kay yaya.


"Yaya..manok ka ba?"

"U-uy faerie! a-ah bakit?"

"Wala po. Dahan dahan lang po sa pagtuka ah?" Sabi ko at iniwan siyang tulala doon.


"Ambobo ko naman..patay talaga ako kay daddy pag narinig niya na sinabi ko iyon." I said to myself

Bumaba na ako sa bisekleta at tinanaw ang tree house napakunot ang noo ko nang makitang walang rex na nagaantay roon.

Nagkibit balikat ako at pumasok na sa loob nila binati ko si manong julyo at sumaludo bago umakyat sa itaas papunta sa kwarto ni rex.

Nang nasa tapat na ako non ay bubuksan ko na sana nang magulat ako sa pagbukas ng pinto sa likod ko.

Napatingin ako kay vester na masama ang tingin sa akin.

If you hate me, i hate you too. Kala mo ah?

Inismiran ko ito at hinawakan na ang door handle.

"Tulog pa siya." Sabat niya.

"Tinanong ko ba?" Ani ko sabay irap.

"Tss. Lasing yan baka may hangover pa."

Ano? Ala una na ah?

"Ano naman?" Tanong ko sa kanya.

Pinanlakihan ako neto ng mata at inirapan.

Argh! The nerve of this guy!

Binuksan ko ang pinto at nakita si rex na tulog pa sa kanyang kama. Lumapit ako roon at tinanaw ang kanyang mukha.

Magkasalubong ang kanyang makakapal na kilay. Bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong at pisngi niya mamulamula hanggang sa dumapo ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi.

Biglang pumasok sa isipan ko ang nakita kahapon. Naisip ko na ako iyon at si rex ngunit agad na nagtayuan ang balahibo ko sa naisipan.

Yaya yeyi kasi!

Muling tumingin ako roon at napapikit muli kaya naman tumalikod na ako at akmang lalabas nang marinig kong bumangon si rex kaya naman napatingin ako rito.

Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin kaya naman nakita ko ang pagkakapareho ng mata nilang dalawa ni vester. Pag nakakunot ang mata ni rex ay nagiging kamukha siya ni vester ngunit mas maamo lang ang awra ni rex at gusto ko iyon. Tumikhim ako at tumingin sa kanya.

"Hi"

May ininom siya sa ibabaw ng lamesa na katabi ng kama niya. Ininom niya iyon habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Bakit ka umalis agad kahapon?" Malamig nitong tanong.

Bakit nga ba ako umalis?


The image of that woman licking his neck flashed on my mind again. How did he let her do that to him? I scowled at him.


Nakita kong umangat ang dalawang kilay niya sa pagtataka. Tumayo ito at lumapit sa akin.

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now