Chapter 15

80 13 1
                                    

Xyra's Pov




I was watching Riston preparing our food. Umalis na si Ariyah dahil may pupuntahan pa daw siya kaya naman naiwan kami dito ni Riston.

Nang magtama ang mata namin ay agad akong nagiwas ng tingin. Agad ko nanamang naramdaman ang kiliti sa aking katawan.

Nakita kong akmang iaangat niya ang kutsara tila ba akmang susubuan ako kaya naman ay agad akong umapela sa kanya.

"A-ano ba! Kaya ko naman kumain mag-isa e."

"No. Ako magpapakain sayo may sugat pa ang braso mo."

"Sugat lang iyon! Hindi bali ng buto." Sabi ko sa kanya at inirapan siya. Pasiring kong inalis ang tingin sa kanya ng ngumiti lang siya.

Inirapan ko nalang siya ulit at nang susubuan niya ako ay agad akong nahiya sa sarili at tinanong ito.

Nagtoothbrush na ba ako?

Mabaho ba hininga ko?

Baka maamoy niya?

Agad akong ngumanga at sinubuan niya naman ako nang magtama ang mata namin. Parang biglang naging mabagal ang takbo ng lahat ng bagay maging ang kanyang pagkurap ay naging mabagal. Sa kanyang pagkurap ay tila parang mayroong kislap iyon na may gustong sabihin. Nahihirapan akong huminga at sobrang bilis ng kabog sa aking puso.

Akmang magsasalita ako ng bigla akong mabulunan. Dali dali niya akong inabutan ng tubig nang magtama ang daliri namin ay muntik ko na mabitawan iyon kaya naman siya nalang ang humawak non.


Tinanong ko ang sarili. Bakit parang nanghihina ako ngayon? Dahil ba ito sa nangyari kahapon? O sadyang nakakapanghina lang ang taong nasa harapan ko ngayon?

Nakainom na ako ng tubig nang nahihiyang tinapunan ko siya ng tingin.

"Are you okay? You don't like the food?"

"O-okay lang. Gusto."

Kaso nang sinubuan niya ako ulit ay nabulunan ako at this time binitawan niya yung hawak niyang plato at kutsara nang magulat ako dahil bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Bakit namumula ilong mo? May sipon ka ba?" Napakunot pa ang noo ko dahil parang nang-aasar ang kanyang tono. Kaya umiling lang ako ngunit agad natigilan.

Sa malayuan ay hindi mo makikita ang kanyang eye bags ngunit gayong nakikita ko ito ng malapitan at klaro ay bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko.

'Bakit ganyan ang itsura mo?' Itatanong ko sana ngunit bigla nalang akong nagtaka dahil bigla siyang natawa at umiiling pa.

"So... some things never change huh?"

Napakunot ang noo ko ng may binulong niya sa sarili kaya naman tatanungin ko na sana siya nang nasa ganoong sitwasyon kami ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non ay si Vester na nakatingin samin habang nakaawang ang bibig.

Napunta ang mga mata ko sa hawak niyang bulaklak at ako naman ang napaawang ang bibig.

"I'll comeback later okay? usap muna kayo." Riston said and left us.

Gusto ko sanang umapela ngunit hinayaan ko na. Kailangan nga naming mag-usap na dalawa.

"Hi are you okay?" He said.

Tumango lang ako at pilit na iniiwas ang tingin sa kanya. Bigla nanamang nakaramdam ng kaba ang dibdib ko. Ngunit iba ito.. parang pamilyar..nakakatakot...

"I'm sorry.." this time ay agad akong napatingin ng diretso sa mata niya.

Mababasa mo roon na nagsisisi siya sa nagawa niya. Sa kabilang banda napahawak ako sa puso ko ng may maramdaman akong pagkirot doon.

"I'm sorry...nabigla lang kasi ako hindi ko alam na magagawa mo iyon... i mean she is my b-bestfriend-"

"But i'm your bestfriend too." Napayuko nang may maramdamang pagkabara sa lalamunan ko.

Tumikhim ako at nagpatuloy.

"You..you didn't even look at me...you... you just walked away with her..also..kung wala si Ariyah dun...pano ako?"

No, i can't take this anymore. Hindi ko na kaya, kaya kailangan ko ng ilabas yung nararamdaman ko.

Umagos ang mga luha ko at nakaramdam ng paghapdi sa mukha dahil may sugat pala ako don. Tumingin ako ng diretso sa kanya. At nakita kong bahagya siyang nagulat dahil nakita niyang umiiyak ako.

"Pano ako? iniwan mo ako doon-"

"No...kailangan niya kasi ako-"

"Pero kailangan din kita..." mahina kong sabi.

Nanatili siyang nakayuko at malalim ang paghinga.

"Antagal ko ng nagkikimkim sayo." i paused.


"Ni hindi ka man lang nga nagtanong kung bakit ako hindi naki-pagusap sayo no'n....you don't even know na hindi ko naipasa sa client ko yung cupcake proposal ko dati..."

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy kahit na nanlalabo ang mata ay tinignan parin siya.

"Sa tingin mo succesful yun? Hindi gago. Naka-ilang tawag ako sayo non. Wala ka man lang sagot." Natawa ako.

"Buti nalang hindi nasayang yung cupcake kasi may mga batang gutom binigay ko sa kanila. Diba? nagpakabait ko? Ni hindi nga ao marunong makipag-usap sa bata."

"Tapos kakatok ka kakamustahin cupcakes ko! , tapos binusan mo ko ng tubig para sa kanya tas pinahiya sa harap ng maraming tao! , tapos tinulak mo ko at iniwan mo ko!, wow ha?! bestfriend kita? we?" pinunasan ko ang mga luha at nagpatuloy sa pagsasalita

"Alam mo Vester..... kung hindi lang kita mahal." Agad akong napatigil sa sinabi ko dahil naramdaman kong nagulat siya pati ako ay nagulat sa sarili ko.

"K-kung di lang kita mahal bilang kaibigan...papabayaan din kita." Pagdugtong ko at iwas ng tingin.

Marahil mahal ko siya. Ngunit alam kong hindi na klaro iyon matulad ng dati. Mayroong mali. May kulang. Maraming kulang. At iyon yung mga nararamdaman ko noon na pilit kong iniiwasan. Dahil siguro siya palang ang nandiyan? Hindi ko alam...

Saka ko nalang sasabihin ang tunay na nararamdaman ko sa kanya kapag nahanap ko na talaga ang hinahanap ko. Dahil hindi ako tanga at alam kong may mali. Hindi lang sa akin ngunit pati rin sa kanila.

"I'm sorry...for everything...babawi ako." Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nang bigla akong mapatalon dahil biglang bumukas ang pinto at nakita si Ariyah.

"Ate! si Kuya Riston nahimatay!"







\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now