Chapter 24

56 13 2
                                    

Xyra's Pov




Riston's calling.....

"Oh hello?"Tanong ko sa kanya ng masagot ko ang tawag niya.

"Asan ka?" Tanong niya sa akin.

Agad namang napakunot ang nook o dahil napansin ko agad ang kanyang boses. Tila ba hinihingal siya, parang kakagaling lang sa pagtakbo. Gayunman, sinagot ko parin ang kanyang tanong.

"Uhhh..." tinignan ko si Eidi at Ariyah na kain lang ng kain. "Kumakain."

"San kayo kumakain?" tanong niya uli.

Napakunot nanaman ang noo ko dahil ngayon ay mas hinihingal ang boses niya ng tanungin ako.

"Sa may tapsilogan."

"Maraming tapsilogan Xyra." Napalunok ako sa sariling laway ko dahil may kabang namumuo sa dibdib ko.

Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka ngunit isinantabi ko iyon dahil ramdam ko ang pagmamadali niya na malaman kung nasaan kami.

"S-sa tapsilogan na pinakamalapit sa school natin."

Bigla niyang binaba ang tawag kaya naman napuno ako ng pagtataka. Kumain nalang din ako katulad nila Ariyah at Eidi ngunit pagkaraan ng ilang minuto ay may lalaking biglang pumasok at hinatak si Eidi sa braso.

"A-anong meron?" Nagtatakang bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan sila Riston at Eidi.

"Come on. Let's go." Aniya habang hawak ang pulsuhan ni Eidi at hinatak papalabas.

"Ano ba Riston?! Ayoko nga sabi eh!." Piglas ni Eidi.

"Fuck! Wag mo ko ma-Riston Riston dahil i'm still older than you!"

"Riston-" sasabat na sana ako ng bigla nalang binuhat ni Riston si Eidi at sapilitang isinakay sa passenger seat at wala man lang lingon lingon na umalis.

Naiwan kami ni Ariyah doon na puno ng pagtataka at gulat. Tumikhim ako at ikinalma ang sarili dahil nararamdaman ko ang panghihina ko kasabay ng lakas ng tubok ng puso ko. Tumikhim ako dahil may unti-unting bumabara sa lalamunan ko.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko,pinagmasdan ko muna ang pangalan ni Riston doon at nanginginig ang kamay ko na tinawagan si Riston ngunit lalo lang akong nanghina dahil hindi niya ito sinasagot.

Alam kong tinatawag ako ni Ariyah pero ni hindi ko man lang magawang lumingon sa kanya dahil hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa akin.

Ilang sandali pa ay may pumaradang sasakyan sa harap namin at natatarantang lumabas si Vester roon at agad na lumapit sa amin.

"Hey Faerie? Are you okay?" Sabi niya at hinawakan pa ang pisngi ko.

Hindi ko alam pero otomatik akong lumingon ako kay Ariyah at nakitang nakaiwas siya ng tingin. Nang makita ko si Ariyah ay itinanggal ko ang kamay ni Vester sa aking mga pisngi.

"Puntahan natin si Riston...." sabi ko habang diretsong nakatingin sa mata niya. Nakita ko ang dumaang sakit doon ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon.

'I'm sorry Vester, hindi ako makapag-isip ng maayos, dahil ang laman lang ng isip ko ngayon ay si Riston. Si Riston na gusto kong puntahan ngayon...'

Unti-unting pumatak ang ambon hanggang sa palakas ito ng palakas at tuluyang bumuhos ang ulan kaya naman agad niya na akong hinatak para paupuin sa passenger seat at umikot siya para sumakay sa driver seat ng pigilian ko siya.

"Si Ariyah..." Nag-aalala kong sabi habang nakatingin sa kanya.

Malakas siyang bumuntong hininga at may kinuha sa likod ng sasakyan bago lumabas. Ilang sandali pa ay bumalik siya ng sasakyan ngunit wala parin si Ariyah.

"Asan na siya?" Nag-aalalang tanong ko okay Vester.

"Wala. Ayaw niya sumabay."

Ilang sandali akong tumahimik bago ako nagsalita.

"You're lying." Umangat ang kilay nito bago sumagot.

"Bakit naman ako magsisinungaling?"

Hindi ko nalang siya sinagot at tumingin nalang sa bintana.Habang nasa byahe papunta sa kung saan man si Riston ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano ano. Habang inaalala ang nangyari kanina at padagdag ng padagdag ang mga katanungan ko sa isipan ko.

Huminto na ang sasakyan sa isang ospital kung saan din ako dinala ni Riston. Nagtaka naman ako agad kung bakit kami naririto pero hindi na ako nagtanong. Lalabas na sana ako pero huminto muna ako saglit at tumingin kay Vester.

"I wish you can open your heart to someone."

I said and leave him there.

Pumasok ako sa elevator at naghintay. Napansin ko ang isang vendor kaya naman bumili ako ng tatlong tubig. Bumaling ako sa kanan ko at nakita ang isang pamilyar na nurse. Nilapitan ko naman ito agad atsaka nagtanong sa kanya.

"Nurse pwede pong magtanong? May patient po ba kayo n-na riston ang pangalan? Or eidi?"

"Naku ma'am wala po akong Riston na naalalang pasyente pero may dumadalaw po rito na Eidi ang pangalan. Diretso lang po kayo tapos po yung unang kanan liko po kayo dun, number 405 po yung room number."

Buti nalang at ibingay niya agad yung room number para di na ako magtanong pa. Nang kumanan ako ay hinanap ko agad ang 405. Nakita ko ang room number na hinahanap ko at nakitang hindi nakasara iyon ng maigi.

Nang nasa tapat na ako ng kwartong iyon ay tinitigan ko ang numerong naka-ukit sa pintong iyon, hindi ko alam pero lalo akong kinabahan. Dahan-dahan kong inialis ang mata ko sa numerong iyon at dahan-dahan ding sumilip sa siwang ng pinto.

Ngunit ganon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita silang dalawa.

Napakunot noo ako sa sariling nararamdaman.

'Bakit ako nasasaktan?'

'Bakit? G-gusto na ba kita? Dahil kung h-hindi, hindi dapat ganito ang nararamdaman ko sayo!'

Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko habang nakatngin sa kanila at sa pagsampal sa akin ng reyalidad na talagang gusto ko na siya...

Nangingig ang mga kamay ko kaya naman hindi ko na mahawakan ng maayos ang mga bote kong dala kaya naman ay hindi ko maiwasang magulat nang bigla kong nabitawan ang hawak na mga bote tumama iyon sa pinto na siyang naging dahilan kung pano bumukas iyon.

Ang paningin ko ay nasa boteng nalaglag ngunit dahan dahan kong inangat ang paningin ko sa kanila...

At saktong nagtama ang mata namin nang siyang sabay ng pagtulo ng luha ko.











\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now