Chapter 28

57 13 3
                                    

Xyra's Pov



Bumalik na kami sa bahay nila eidi ngunit saglit lang kami doon at di na nagtagal. Napagalitan pa kami ng eidi dahil basang basa kaming dalawa.

Now we're on our way to his house. We're both silent. No one dared to talk.

Bumaba na ako sa sasakyan at sumunod sa kanya sa pagpasok sa loob. Ngayon ko lamang napansin ang bawat detalye na nasa loob ng bahay niya kumpara sa huling punta ko rito.



Pagpasok ng sala simple lang ito ngunit halatang matataas ang presyo ng bawat gamit nito. Napatingin ako sa isang sulok kung saan naroon ang isang cabinet na elegante ngunit halatang pinaglumaan na ng panahon. Kulay puti ito at walang laman ang loob.


Narinig kong may sinabi si riston ngunit hindi ko iyon naintindihan o pumasok man lang sa utak ko dahil titig na titig ako sa cabinet na iyon. May kung anong pakiramdam na nag-uudyok sakin na lapitan iyon. Lalapit sana ako roon ng biglang tumikhim si riston kaya napatingin ako sa kanya.

"Akyat na muna ako, sasama ka ba?" Aniya habang naka-angat ang sulok ng kanyang labi. Agad namang umangat ang kilay ko sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin.

Umiling lang ito at umakyat sa taas papunta sa kwarto niya.

Nang masigurado ko na naka-akyat na siya ay lumapit ako sa cabinet na iyon. Meron itong tig-tatlong drawer sa kaliwa't kanan sa bandang baba at mayroon din na drawer sa gitna.


Pinakiramdaman ko muna kung darating ba si riston at nang masigurado, ay dahan dahan kong binuksan ang gitnang drawer nito at natagpuan ang napakaraming litrato doon.


Ngunit dalawang litrato lang ang naka-agaw ng aking pansin. Bigla akong nakaramdam ng pananakit ng ulo agad na hinawakan iyon at medyo sinabunutan ang buhok, patuloy itong sumasakit ngunit ikinalma ko ang sarili at nilalabanan ito.


Lumingon agad ako nang marinig ko na ang mga yapak ni riston. Sa paglingon ko dito ay parang may naramdaman akong nalaglag sa akin at mahina lang ang tunog. Saktong pagyuko ko ay nakita ang dalawang litrato sa sahig kaya naman agad kong dinampot ang dalawang litrato at agad iyon nilagay sa bag ko at nagpanggap ako na may hinahanap sa sahig.


"Hey, what are you doing?"

"A-ah nahulog, ano, pakaw ng hikaw ko."

Biglang mabilis na tumutok ang kanyang mga mata sa tenga ko. Nabahala ako roon.

"N-naiihi ako at ano magpapalit na din ako ng damit." I excused.

"Okay." He said and gave me the towel and other things.


Naiilang ako sa mga tingin niya kaya naman hawak ko ang tenga habang papunta sa restroom. Pagsarang-pagsara ko palang ng pinto ay napahawak ako sa dibdib ko kung saan nararamdaman ko ang bilis ng tibok nito sa kaba.

I feel like i'm a criminal.

Napatingin ako sa salamin at nanlalaki ang mata ng makitang wala nga ang pakaw ng isang tenga ko.

What's happening?! Coincindence?

Am i that lucky?

Pero kinuha ko yung picture na nandoon ng walang pasabi!.

Napatalon ako sa gulat ng biglang kumatok sa pinto at narinig ang boses ni riston sa labas.


"Are you done? Xyra? Nakita ko na yung pakaw ng hikaw mo."

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now