Chapter 23

55 14 4
                                    

Xyra's Pov




Nandito na kami ngayon sa room at napakatahimik ng lahat at agad naman akong kinabahan dahil biglang pumasok si Ma'am Zueldo at talagang diretso ang tingin sakin. Lalo tuloy akong kinabahan!

'Hindi ko naman sinasadya na lumipad yung sapatos ko eh. Kasi naman bakit pa kasi siya nandon? Ayan tuloy nagkamali ako.'

"Ms. Nesra." Aniya at agad naman akong sumagot.

"P-po ma'am?." Sabi ko agad sabay tayo.

"Ikaw ang may pinakamababang score. Naiintindihan mo? Alam mo naman siguro ang dahilan diba?"

Pano ba naman kasi pagkalipad ng sapatos ko tumama pa sa ulo ko kaya nagtawanan lahat ng tao na nanonood.

'Nakakahiya talaga iyon atsaka isa pa nakita ni- nilang lahat!'

Tumango lang ako at pumikit.

Naramdaman ko naman ang paglapit ng presensiya ng isang tao kaya naman nilingon ko ito.

'Okay lang yon ate' aniya at ngumiti.

Ngumiti ako pabalik kay Ariyah at sinenyasang okay lang ako.

Lumabas na si Ma'am kaya naman nakahinga na kami ng maluwag. Ang mga lalake ay titingin sakin at tatawa habang ang mga babae naman ay iirapan ako at bubulong ng lampa.

"Ayan kasi puro landi nadamay pa tuloy tayo sa kapalpakan niya." sabi ni sherma.

"Arte kala mo naman kung sinong maganda!" Sabi ni meya.

'Bobo rin pala to eh, lalapitan ba ako ni Riston ng KUSA kung hindi ako maganda?! Mga inggetera! Palibhasa hindi napapansin kaya nagpapapansin!'

Umirap na lamang ako sa ere at hindi pinansin ang sinasabi nila.

"Kaya nga. Porket bet siya ni Riston ano? Di ba siya aware na playboy yon? Can't wait na makita kang luhaan." Sabi ni Sherma

"Kaya nga. Paepal kasi kala mo naman talaga-"

"Anak ng! Ano ba?! Ingay niyo natutulog ako!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Eidi at nakapameywang na sa harap ni Sherma at Meya.

"La?! Bida bida ka?" Ani ni Sherma.

"Oo bakit? Gaya ka? Pwede naman eh." Sabi ni Eidi kaya naman bahagya kaming natawa ns mga nakikinig.

"Ano? Papansin kasi kulang sa pansin?" si Meya.

"Aba lintek sasabat ka pa!" Kinuha ni Eidi ang takong na suot niya at akmang ibabato kila sherma at meya buti nalang ay nandoon si Prio malapit sa kanya kaya naman naawat ito.

"Eh siya kasi! Ang ingay ingay!-"

"Hayaan mo na..maingay ka rin naman." Nagulat naman ako sa inasta ni Prio kay Eidi.

Si Prio ay tahimik at mailap. Hindi humahawak kung kani-kanino. Nabubully rin ito. Kaya iniiwasan ko siya dahil nagging isa ako sa dahilan kung bakit siya na-b-bully. Umiiwas ako ng kusa para hindi na mabully ito.

"Ate bagay silang dalawa no?" Biglang sulpot ni Ariyah sa tabi ko.

"Pwede may spark." natatawang sabi ko kay Ariyah.

Iniligpit ko na ang gamit sa mesa ko at agad na tumayo para makakain na kami ng lunch sa canteen. Nang mayroong kumalabit sakin at paglingon ko ay nakita ko si Eidi.

"Sabay ako." Aniya.

Talagang nagulat ako sa sinasabi ngayon ni Eidi sa harap ko. Pakiramdam ko ay nasapian siya! Bakit ang bait naman niya ngayon?! Kanina siya pa ang nakipagsagutan roon...

Nagkatinginan muna kami Ariyah tapos tumingin kami ulit kay Eidi na ngayon ay nakaangat na ang kilay.Umirap ito at nagsalita.


"Pwede niyo naman sabihing ayaw niyo." Aniya at tumalikod

"T-teka tara na sabay na tayo." Nauutal na sabi ko.

Naglakad kaming tatlo papunta sa canteen at napanganga sa nakita.

"Hala andaming tao!" Sabi ni Ariyah.

"Ay hindi yan tao Ariyah hayop yan." Sagot ko sa kanya.

"Shet ang hot ko na nga kakain pa tayo sa mainit na lugar." ani ni Eidi.

"Eh hindi ba't dapat ay sanay ka na?" Pambabara naman ni Ariyah na ikinagulat naming dalawa ni Eidi.

"Oo! Sanay na ako! Bakit? Gusto mo ring masanay?!" Nanlalaking mata na sabi ni Eidi kay Ariyah ngunit tinawanan lang siya nito kaya naman ay natawa na rin ako.

"Tara may alam akong kainan. Pwede naman na ata tayong lumabas." Sagot ni Ariyah.

"Syempre uwian na pwede na talaga tayo lumabas duh." Ani ni Eidi.

Sinundan namin si Ariyah at naglakad lang kami dahil ang sabi niya alam niya daw yung daan eh kaso halos magkakalahating minuto na kaming naglalakad wala parin kami sa pupuntahan.

"Ano? Ariyah alam mo ba talaga?" Tanong ni Eidi sa kanya.

"A-ah s-sorry nandun lang yon dati oh!" Turo niya sa isang bakanteng lote.

"A-ano?! Hoy! Yung totoo?!" Si Eidi.

"S-sorry na hehe nagkamali pala tayo ng nilikuan." Aniya at nagpeace sign.

"Langya gutom na ako" ani ko.

"Tara tara! May nadaanan naman tayong tapsilogan dun nalang tayo kain." Si Eidi.

"What's tapsilogan?" Ani ni Ariyah kaya naman napatigil kami ni Eidi sa paglalakad at nagkatinginan.

"Ay gaga anak mayaman ka nga basta tara na!" Ani ni Eidi at inakbayan kaming dalawa.

Pagkarating namin doon ay umupo kami sa may malapit na electric fan dahil init na init na kaming tatlo sa kakalakad na hindi naman pala alam kung saan.

"Ate ambaho naman dito." Ani ni Ariyah at sumisinghot pa.

"Gaga! Wala naman ah?" Sabi ko kay Ariyah.

"Oo nga. Wala naman. Wag ka mag alala ganyan din kuya ko parehas kayong ilong mayaman." Ani ni Eidi kaya naman ay napatingin agad ako sa kanya.

"May kuya ka?" Tanong ko kay Eidi at nakitang natigilan siya at umiwas ng tingin.

Tumango lang siya at nagtawag na ng tao para makaorder nang bigla namang tumunog ang cellphone ko at bahagya pang nagulat ngunit tinignan ko naman agad iyon.

From: Riston
Tapos na april babe sana MAY tayo na.
👉😚😚😚❤❤❤😚😚😚👈

"Uy ate sino nagchat sayo? Ang emoji warrior ah?" Ani ni Ariyah kaya napatingin ako sa kanya bago kay Eidi na ngayon ay nakatingin din sakin at nakaangat ang kilay.

Nagulat ako ng hablutin ni Ariyah yung cellphone ko at agad na lumapit kay Eidi. Nagtawanan silang dalawa ng mabasa iyon. Nagring ang cellphone ko kaya tumili si Ariyah.

"Atihhhh yung bebe mo hihi natawag!"

Nanlalaki ang mata ko kaya hinablot iyong cellphone ko.

'Sasagutin ko ba?'

'Okay wala namang mawawala diba?'

Pipindutin ko na sana yung call ng magsalita si eidi.

"Faerie.. do you know who is rex?"







\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now