Chapter 35

37 11 2
                                    

Xyra's Pov




Pagkatapos naming isulat ang mga gustong sabihin ay inilagay namin iyon sa isang matibay na lagayan.

Sabay naming hinukay ang lupa sa tapat ng puno at inilagay doon ang lagayan hanggang sa tinabunan ito ng lupa.



"Paglaki natin tayong dalawa ang maghuhukay nito." Aniya. Tumango ako.


Habang patuloy siya sa pagtatabon ng lupa ay kumuha ako ng isang matulis na bato at nagsimulang lagyan ng ukit nang pangalan namin ang puno.

"Saysay love Rex." Basa ko roon.

Biglang bumuhos ang ulan at agad niya akong pinapasok sa tree house. Napanguso ako dahil nakita kong nabasa narin ng unti ang ibabaw na damit ko.



"Rex ligo tayo sa ulan. Please."

"Hindi pwede saysay."

"Eh hindi pa ako nakakaligo sa ulan eh."

"Saka nalang saysay."

"Tara na kasiiii, sige na hehe ligo tayo sa ulan pleaseeeeee." pagmamakaawa ko

"Hindi nga pwede saysay baka kasi lagnatin tayong dalawa"

"Laaaaah! Kasi naman eh! Isang beses lang! Tas pag nilagnat ako pagtapos non di na ko uulit please."

"Hind-"

"Bahala ka jan ah?! Ako maliligo mag isa tse!"



Sabi ko sabay baba sa hagdan at takbo sa ulan. Nagulat naman ako na nasa likod ko na siya at basang basa na rin kaya naman naglaro kami sa ulan.

Pagkatapos naming maligo ay pumasok na kami sa loob nang bahay nila para magbanlaw kaso masama ang tingin niya sakin dahil kanina pa akong bahing ng bahing.

Nilagay niya ang palad niya sa noo ko.



"Ayan tuloy! Sabi ko kasi sayo magkakasakit ka e, Tignan mo nagkasinat ka na!"

"Oh ano naman? Aalagaan mo naman ako diba?"

"Oo. Pero alagaan mo sarili mo tignan mo mukha ka nang reindeer sa pula ng ilong mo."

"Nakakainis ka naman eh! Balakajan ah.Di tayo bati ble."


Sabi ko at tinalikuran siya.


"Mommy can i go outside na po?"

Pang apat na beses ko na itong tanong at pagpapaalam sa kanya ngunit hindi niya ako pinapayagan dahil may sinat pa ako.

Buti nalang ay agad akong pinainom ni nanay deliah ng gamot upang hindi magtanong si daddy kung bat ako nagkalagnat.


"Anak hindi pwede."


Sa huli ay sumuko ako. Hindi naman dapat ay palagi akong pagbibigyan at alam ko iyon.


Mahigit apat na araw akong hindi pinalabas ni mommy. At ngayon ay aalis siya. Tinignan niya ako bago tumalikod at lumabas ng pinto.

Nang makitang nakaalis na ang sasakyan niya ay agad kong kinuha ang bag ko sa kwarto at tumakas nang bahay. Dala ko ang bike at pumunta kila rex.

Pagkarating roon ay nakitang nakauniform pa ito at nagaabang sa tree house. Pagkalapit sa kanya ay nagtanong agad ako.

"Kakauwi mo lang?" Tumango ito at kinuha ang bag niya at kinuha ang chocolate roon pati anv paborito kong ubas ay binigay niya. Nagpasalamat ako at inilagay iyon sa bag ko.

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now