Chapter 12

74 12 0
                                    

Xyra's Pov




Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko ngunit agad ding napakunot ang noo ko nang maramdaman kong mabigat ang hita ko kaya naman ay imunulat ko ang mga mata ko at agad na tumingin sa kung ano man iyon. Ngunit agad na nanlalaki ang mata ko nang makitang si Riston iyon.

OO! SI RISTON ANG LANGYA GINAWA NANAMAN AKONG UNAN!

Imbis na sumigaw ay inis akong tumayo sa sofa. Dahil sa pagkatayo ko ay bumagsak siya sa sahig kaya naman nagising si Riston. Ngunit imbis na tulungan siya sa pagkabagsak sa sahig ay nagpakawala pa ako ng malakas na tawa.

"Ang harsh mo naman pwede mo naman akong tapikin." Aniya habang nakabusangot ang mukha, napairap naman ako at ngumisi.

"Bakit pa kita tatapikin eh gising ka naman!"

"Huh?! Bat mo alam?"

"Baliw! yung mata mo may panginig-nginig effect pa! Pa-check mo na yan pasmado eh!"

Sigaw ko sa kanya habang papasok ng kwarto. Naligo ako at naghanap ng maayos na damit. Kailangan kong maghanap ng trabaho ngayon palang para pansalo na rin sa araw-araw kong pagkain. Ayokong pumunta at sumama pa sa magulang ko dahil parang ngayon ko lang talaga naramdaman ang pagiging malaya siguro dahil ilang taon na rin akong walang malay sa ospital noon...

Pagkababa ko ay ngayon ko lang napansin na maayos pala yung sala at parang walang bakas ng pinag-kainan namin kahapon. Pumunta ako sa kusina at nakitang wala na rin pala akong stock ng grocery. Kailangan ko na rin palang mag-grocery ngayon dahil busy nanaman ako bukas.

Bumalik ako sa kwarto at nagpalit ng maayos at disenteng damit. Pagkababa ko at punta sa sala ay may napansin ko ang isang note sa mesa kaya naman nilapitan ko ito.

'Hey, Wait me please. Sama ako sayo ha? Babalik ako ligo lang ako give me 30 minutes'-Riston

"Pano nalaman neto na aalis ako?"

Kahit na gusto kong umalis magisa ay talagang inantay ko parin siya, tatlumputpitong minuto na ang lumipas ngunit wala paring Riston na dumarating.

"Hindi kaya't pinag-tripan ako non?!" kausap ko sa sarili ko.

Pwede naman akong umalis agad kanina diba?

Napagpasyahan kong huwag na siyang antayin at baka matulad nanaman ang nangyari katulad ng samin ni Vester nung nakaraan kung kialan ay ilang minuto akong pinag-antay. Kinuha ko ang puting sling bag at doon inilagay ang cellphone ko at pera, nagsuot ako ng rubber shoes.

Siguro ay mag-b-bike nalang ako para makatipid at hindi na mamasahe pa. Ngunit nang pagkalabas ko ay ang pagdating ni Riston.

"Sorry I'm late." He said.

"Tara na sa kotse..."

Kumunot ang noo ko at sumama ang tingin sa kanya.

"Ayoko, mag-bibisekleta ako." Ani ko at tumalikod at akmang pupunta roon sa aking bike. Ngunit kinuha niya ang kamay ko at hinatak ako agad na pinapasok sa kanyang kotse. Agad naman ako nagreklamo.

Nagtalo agad kami sa loob ng kotse niya dahil nga sa kakuparan niyang kumilos kaso daw namisplace niya yung importanteng bagay sa kanya kaya siya natagalan dahil hinanap niya pa ito

"Ano ba?! Ang kulit mo naman eh! Sabing mag-b-bike ako!" Bungad ko agad sa kanya pagkapasok niya sa loob ng sarili niyang kotse.

"I'm sorry na, masyado ka bang nag-antay ng matagal?" Aniya at dama ko naman ang tono niya na may pag-sisi doon. Hindi naman ako nakasagot agad kaya nagsalita siya ulit.

"Sorry, nakalimutan ko kasi kung saan ko nailagay ang cellphone ko pag-uwi kaya hinanap ko pa, marami kasi akong iniisip eh." hindi nalang ako nakipagtalo pa dahil natatanaw ko na ang destinasyon namin.

Atsaka isa pa, nakaka-guilty ah?!

Ano naman kaya ang tumatakbo sa isip niya dahil parati nalang niyang nalilimutan ang mga wallet o di kaya ay cellphone niya?!

NAGLALAKAD kami ngayon ni Riston papasok sa grocery store sinusundan ko lang siya dahil feeling ko siya talaga yung may kailangan ng grocery eh.

"Kailangan mo to."

"Pati eto."

"Ayan. Hmmmmm san ba yun."

"Ayan! Okay na! Punta tayo sa soap products"

Kaya susunod ako ng sunod ng sunod sa kanya tutal mas magaling naman siya mamili eh. Habang naglalakad ay pinagtitinginan kami ng mga tao babae,lalake,lolo,lola ultimo nga mga sanggol ay nakatingin rin eh. Kaya naman di ko na maiwasang Pagmasdan dahil nasa una ko naman siyang naglalakad.


Napansin ko na nakasimpleng white shirt lang siya at naka khaki shorts tapos nike na tsinelas. Wala namang espesyal, wala siyang suot na mga kwintas o kaya relo so bakit pinagtitinginan to?

Napansin ko na rin sa sarili ko na masyado ko siya tinitignan kaya iniwas ko ang tingin sa kanya.

Habang tumitingin ako nahagip ng mata ko si Vester na may tinutulungang babae para abutin yung tissue roll sa itaas. Bahagyang yumuko yung babae sa kay Vester habang tinalikuran lang siya ni Vester papunta sa gawi ko nang magtama ang mata naming dalawa.

"1,485 po lahat."

Nagiwas ako ng tingin at nanginginig na hinahanap ang wallet ko sa bulsa ng pants ko pero huli na ang lahat dahil binayaran na ni Riston iyon.

Nanatiling tahimik si Riston sa tabi ko habang papunta kami sa parking lot.

"Are you-"

"Mommy naman! ayoko na nga mag-groceries eh!"

Naagaw ng pansin ko ang babaeng may buhat buhat na apat na plastik na punong puno ng groceries. Ibinaba niya ang pinamili at pinatay ang cellphone at nilagay ito sa sling bag niya.

Nagsimula akong maglakad dito at kinuha sa kanya yung plastic na tatlo.

"San ilalagay?" Tanong ko.

Nanlalaki ang mata niya pero nginuso niya yung sasakyan na kulay pink. Tapos....punong puno siya ng stickers. Pupusta ako isang daan, puro pink den sa loob niyan.

"Ate ganda! Dito nalang po" nagulat ako sa pagtawag niya sakin pero lumapit eto sakin tas mahinhing tinulak ako papunta sa sasakyan at nilagay ko nalang yung tatlong plastic na punong puno doon.

"Thankyou po ate ganda! Ako si Ariyah but you can call me Ariyah nalang po. Kayo po ano name niyo?" Napaangat ang dalawang kilay ko.

"Xy-" "Faerie...her name is Faerie." Sabat ni riston.

"Woahhhhh. Ampogi mo kuya! Tas ate ang ganda mo! Bagay po kayo!-"

"Faerie..let's talk"

'Vester'









\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon