Chapter 19

64 14 1
                                    

Xyra's Pov




"Hoy! Tara na! Malalate na tayo!" Sigaw ko kay Riston dahil bigla nalang siyang dinumog ng mga babae dito sa mall.

'Bwisit! Famous ba to?! Dinaig pa artista!'

Bumili pa kasi ako ng libro para may babasahin ulit ako, sabi ko nga mauna na siya sa cafe kasi kaya ko naman na pumunta dito magisa pero sabi niya sasama nalang daw siya. At ayun! Dinumog ng kababaihan letse! Nababadtrip pa ako sa pagiging waitress niya! Kanina pa ako nababanas dahil walang katapusan na dumadagsa yung mga babae para magpapicture sa kanya.

"Hoy! Riston! Ano ba?!" Lalo akong nabadtrip dahil ni hindi man lang siya tumingin sakin. Lumapit ako ng kaunti kaso hindi ko siya mahatak dahil marami nagpapapicture sa kanya at saka ayoko naman maging bastos. May naisip akong idea para makaalis na kami pero alam ko ang magiging kapalit nito kapag ginawa ko tong binabalak ko. Huminga muna ako ng malalim para ihanda ang sarili sa sasabihin.

"Babe tara na."

Nagulat ako dahil lahat sila nakatingin sa akin pati yung mga babae na nagpapapicture sa kanya.

I saw his lips rose up a bit.

'Ah so ganito ang gusto mong hayop ka?'

"Boyfriend mo?" tanong ng babaeng na nakahawak sa t-shirt ni Riston.
hindi ako nagsalita pero tumango nalang ako.

"Talaga? Bakit? Wala nga kayong picture sa instagram. You liar!" Sagot nung isang babae na nakahawak sa balikat ni Riston.

Bakit? Kailangan ba talaga nagpopost ng mga picture yung magjowa para mapatunayan na magjowa sila?! I mean oo! Di ko naman siya jowa.

Umangat ang kilay ko at pinasadahan ng tingin mula paa hanggang ulo at nang matignan ko ang mukha niya ay ngumiwi ako. Agad kong inilipat ang tingin kay Riston ng marinig ko ang hinang tawa niya.

'Sige lang! Sige kang talaga...Tumawa ka ng tumawa diyan! Ubusin mo nay an at mamaya ay talagang hindi ka na makakatawa sa harap ko.' Sabi ko sa isip at ibinalik ang tingin sa mga babae.

"Eh pano kung napatunayan ko sayong boyfriend ko yang hinahawakan mo?"

"Hah! As if! Feelingera ka lang kasi girl!"

Lalong umangat ang kilay ko. Inihagis ko ang paper bag sa harap nilang lahat lalo dun sa babaeng nakakairita peke naman yung pilikmata.

'Y-yung libro ko pala dun sa paper bag...bwisit! S-sana maayos parin...'

Dinampot ni Riston yung paper bag at naglakad papalapit sakin at saka medyo nagulat ako dahil biglang hinawakan niya ko sa bewang. Hindi ko inaasahan iyon.

"Let's go babe." He said.

"Hala so boyfriend niya nga?!"

"Haynako! Baka naman fling lang?!"

"Oo nga! Flingera." Ani ng mga ito at saka nagtawanan pa.

Tumalikod si Riston at tinanggal ko muna ang pagkakahawak niya sa bewang ko para sabihin ang gusto kong sabihin sa kaniya at kanila.

Naiirita na talaga ako sa pagmumukha nila.

"Sinong feelingera?" Tanong ko sa kanya pero hindi ito sumagot.

"Bago ka magsalita tignan mo muna pilik mata mo. Nalalaglag na."

Tatalikod na sana ako ng may mapansin pa ako sa mukha niya.

"Pati kilay mo nalulusaw na." Kinindatan ko siya at ngumisi at tinalikuran ang mga ito.

'Alam kong harsh masyado pero iyon ang totoo. Ganda pa naman ng make-up! Ganda niya rin sana kaso lang ay mukhang walang nakakapansin.'

Narinig ko ang bulungan at hagikgikan ng mga babaeng kanina lang na kala mo susugurin din ako. Punyeta mga plastik.

Pagkaharap ko kay Riston ay agad niya akong hinawakan sa bewang pero nang makarating kami sa parking lot at inis kong itinaggal 'yon at sinamaan siya ng tingin.

"B-bakit?!" Natatawang aniya.

"Anong bakit?! Eh kaya naman pala gusto mong sumama ditto sakin sa mall eh! Dahil alam mong pagp-piyestahan ka!"

"Hindi ah!" Aniya pero napakalaki ng ngiti.

"Naiirita pa ako! At ipapaalala ko sayo na ako ang mag-w-waiter ngayon dahil mamaya ay pagpipiyestahan ka nanaman!"

Hindi naman siya umimik kaya naman ay nilingon ko siya. Nakangisi siyang nagd-drive.

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?!"

"Bakit? Bawal ba ngumisi ang 'boyfriend' mo?!" Aniya at diniinan pa ang salitang boyfriend.

"Ulul! Pakyu! Gago!" Sigaw ko at agad na bumaba ng kotse pagkaparada niya.

Nakarating na kami sa cafe at ako na ngayon ang waiter. Naalibadbaran ako kapag siya yung waiter feeling ko ang landi landi niya tse!

"Hi welcome po!" " Hello welcome maam!"
Sabay na bati namin.


"Oh hi Mr.pogi" bati nito sa lalaking nasa likuran ko kaya naman sinamaan ko to ng tingin habang naglalakad papunta sa isa sa mga upuan.

Pairap kong kinuha yung menu para kunin ang order niya.

"Hello po maam-"

"Oh asan si Mr.pogi?"

'Watdahek! Pisteng mr.pogi ano to eat bulaga?!'

"A-ahm-"

"Bakit ikaw yung nandito? Are you new here?"

"Ah opo-"

"Then, gusto kong si Mr. Pogi ang kumuha ng order ko."

'BAKIT?! KAHAPON LANG DIN NAMAN YUN NAGSTART AH?!'

Masama ang mood ko na bumalik sa counter at inihampas sa dibdib niya ang menu.

"What?" aniya.

Nginuso ko yung babae para sabihing siya nalang ang kumuha ng order.

Nang biglang nanlaki ang mata ko dahil naramdaman ko yung labi niya sa labi ko.

Itinulak ko siya agad at sinamaan ng tingin.

"Baliw ka ba?! Sabi ko ikaw kumuha ng order dun sa babae bat mo ko hinalikan?!"Sabi ko ngunit agad kong naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko! Malapit na ata sumabog!

"A-ahh y-yun ba? K-kala ko kasi g-gusto mo ng kiss-"

"Baliw! H-huwag mo ko madaan-daan sa ganyan ah?! At isa p-pa! M-may sinabi ba akong halikan mo ako ha?! Wala diba?! Wala!"

"Eh kasi n-ngumuso ka k-kaya kala ko g-gusto m-mo ng halik k-ko."

Aniya at hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretso. Dahil ramdam ko ang hiya sa pagitan naming dalawa atsaka pakiramdam ko ay sasabog na ako sa pagkapula.

"U-umalis ka na ditto at kunin mo ang order nung babaitang yon!" Tumingin muna siya sa akin atsaka umalis sa harap ko.

Pansin kong namumula ang tenga niya habang kinakamot ang ulo papunta dun sa babae.

"Para-paraan! L-letse!" Bulong ko sa aking sarili ngunit natigilan ako at wala sa sariling dinilaan ang ibabang labi ko.

'Saglit lang naman nagdikit ang labi naming dalawa ah?! B-bakit may nalalasahan ako!'

Nagtataka ngunit dinilaan ko ulit ang ibaba kong labi at nilasahan ulit iyon.

"B-bat lasang kape?"









\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon