Chapter 10

94 16 0
                                    

Xyra's Pov



Nandito ako ngayon sa kusina at nag-aasikaso ng kakainin, kakatapos lang maligo at magtatanghalian na.

Habang naghahanda ako ng makakain ay hindi ko mapaigilang mapa-isip sa nangyari kanina.

Kung paano tuwang-tuwa na makita ni Nanay Delia nang tanungin niya kung si Riston ba talaga ang kasama ko kanina, atsaka isa pa, magkakilala ba talaga silang dalawa? Dahil kanina pa nag-k-kwentuhan ang dalawa.

Napailing ako at muling napa-isip at nagtaka kung bakit nandito Nanay Deliah, May inutos nanaman ba kaya sa kanya ang daddy at mommy?
Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong baso dahil sa gulat, kinalabit ako ni Nanay Deliah na kakapasok lamang ng kusina.

"Bakit po nay?" Tanong ko.

"Hindi na ako magpapaligaw ligaw pa..." aniya at tinaasan ako ng kilay. Agad naman akong napakunot ng noo dahil sa pagtataka sa inaasta niya.


"Boyfriend mo na si Riston?"

"Ha?!Syempre hindi! Ano ba ang sinabi sayo ng baliw na iyon?! Atsaka anong boyfriend ko na po nay?!"

"Ah hindi ba? Edi manliligaw mo?" Pagpipilit niya pa.

"Po?! Hindi po nay!" Muli kong tanggi.

"Kaibigan? Bestfriend? O baka asawa mo na yan ah?"

"Ho? Eh hindi ko nga kilala yung tao na yan eh." natigil ang pagsasalita ko ng may nagsalita sa bukana ng kusina


"Nanay D! Kailangan ko na pong mauna, may p-praktis pa ho ako ng basketball..."

Nanay d ka jan?!

Atsaka anong sabi niya?! Basketball? Sinasabi ko na nga bang siya ang nagbato sa akin nung araw na iyon eh!

Inirapan ko siya at kinuha ang tatlong plato at nilagay sa lamesa. Kumuha rin ako ng mga kubyertos at inihanda iyon roon.

"Kumain ka muna bago umalis."

"Saka nalang... kailangan ko na talagang umalis. Bawi ka sakin bukas ha? Bye po nanay! Bye Xyra."

Bumuntong hininga ako at hinayaan nalang siyang lumabas ng bahay, hindi ko na siya ihahatid papalabas atsaka magtutuos pa kami ng usapan dahil alam niya pala ang bahay ko. Umiling ako ng marinig na ang tunog ng pag-alis ng kanyang kotse at saka tumingin agad kay nanay.

"Nay...ano po ba ang ipununta niyo?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

Naghinatay ako ng kanyang sasabihib ngunit natigil ako sa paghahain at tinignan siya, nagulat naman ako ng makitang siyang naluluha at parang nahihirapan sa paghinga.

"Anak...patawad..iyong perang ibinigay sakin ng mommy mo ay..."

Nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata kaya naman pinaupo ko siya at inabutan ng tubig.

"Ay...nagastos ko anak.... patawarin mo ang nanay...kailangan kasi ng pera para.. mapagamot ko si jojo..na dengue kasi siya anak kaya-"

"Shhhh. Okay lang po nay. Kamusta na po si jojo?"

"Nasa maayos na siyang kalagayan pero hindi ko alam pano ko sasabihin sa mommy mo na nagastos ko yung pera-." aniya at umiiyak.

"Nanay Deliah, ang perang iyon ay sainyo po. Nandito po ba kayo para manghiram ng pera sa akin nay?"

Tumango naman siya at agad naman akong napasimangot sa kanya.

"Naku nay! Dapat ay hindi ka nalang pumunta rito atsaka sana ay tumawag nalang kayo sa akin para sana ako na iyong pumunta."

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now