Chapter 29

50 10 3
                                    

Xyra's Pov





Nakadilat at hindi gumagalaw habang siya ay nakita kong nakapikit. Unti unti kong naramdaman ang pag galaw ng kanyang labi at ako ay napapikit na.

His lips were touching mine. His lips were gentle and soft. As i closed my eyes i found myself kissing him back.


Suddenly, the butterflies danced around me.

Bigla niyang inilayo ang mukha niya kaya naman para akong baliw na naghabol sa labi niya.

He was panting for breath. He stares into my eyes deeply.

"Be mine."

It wasn't even a question but i nodded. He smiled and kissed me again but this time it was deeper.

He held my waist and pulled me closer. I stand up on my tiptoes and slowly sliding my hands around his neck.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang si nanay deliah ang tumatawag. Agad akong tumingin kay riston at nakita itong nakatingin rin sa cellphone ko.

"E-excuse me." Tumingin siya sa akin at agad na binitawan ang bewang ko.

Pumasok ako sa cr at hiyang hiya sa nakita sa sariling mukha. My face was red and also my nose. My lips were swollen.

'Damn you riston.'

Naghilamos ako ng mukha at leeg upang kumalma ako. Nagring sa pangalawang beses ang cellphone ko at agad ko iyong tinignan. Nang makitang si nanay deliah iyon ay huminga muna ako ng malalim at sinagot ito.

"H-hello nay.."

"N-ngayon ba nailibing si olivia anak?"


Napatigil ako saglit at inalala kung sino ang pamilyar na pangalan na iyon. Nang maalala na ang nanay pala ni eidi ang pinuntahan namin kanina.

"O-opo nay. Bakit ho?"

"Maaari mo ba akong samahan sa susunod na linggo at bisitahin siya?"

Napakunot ako ng noo ngunit agad ring sinagot siya.

"Sige po nay."

Nagtaka ako dahil biglang namatay ang linya. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at pumunta na uli sa kusina.


Lumapit ako papunta sa ref at kumuha ng inumin. Umupo nalang ako sa harap ni riston at pinanood siyang haluin ang mga sangkap ng ibabake niya.

Bigla akong nakaramdam ng antok dahil siguro ay wala pa akong tulog. Pumangalumbaba ako at unti unting pinikit ang mga mata.

Nagising ako at nakitang nasa sala ako ni riston. Napansin ko ang papel na nakadikit sa noo ko kaya agad ko itong tinanggal at binasa.


'May bibilhin rin ako babalik ako agad babe.' -babe.mo.ako.


Umirap ako at ngumiti hanggang sa napadpad ang aking paningin sa cellphone ko at binuksan iyon.

Nakita ko ang isang message na galing kay riston at binuksan iyon.

Riston

Babe, mukhang matatagalan ako at aabutin ng mahigit dalawang oras, kainin mo nalang yung cupcake jan ah? Bye babe mwah!


Tumayo ako at pumunta sa kusina at pumunta na sa sala dala dala ang cupcake at inumin, inilapag ko iyon sa tapat ko na lamesa at kinuha ang remote control at binuksan ang TV.


Fall of us (Falling Series #1)On viuen les histories. Descobreix ara