Chapter 46

56 8 1
                                    

Xyra's Pov




5 years later...


Muli akong tumingin sa salamin at tinignan ang kabuuhan ko. Napangiti ako sa aking itsura at suot.


Mula ng gumalaw ang kanyang daliri sa mga naglipas na taon, ay hindi na muling naulit iyon. Napabuntong hininga ako.


"Faerie dalian mo na at bumaba ka na!" Narinig kong sigaw ni nanay deliah galing sa baba.


Tatlong taon ang nakaraan nalaman kong nabili ulit ni daddy ang dati naming bahay kaya naman sobrang tuwa ko non si nanay deliah ay hindi nag atubiling na bumalik rito ngunit kasama na niya ang kanyang pamilya. Ang bahay naman nila vester ay balak daw niyang muling buhayin. Si daddy at magaling na rin. Si mommy ay masaya na rin.


"Pababa na nay!" Sigaw ko sa kanya.

Muli kong tinignan ang aking suot at napatingin sa aking kamay.

May kulang.

Binuksan ko ang drawer ko at nakita roon ang bracelet na hinahanap ko. Sinuot ko iyon at tumingin muli sa harap ng salamin.


Ngumiti ako sa sarili at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ay nakita ko sila jojo, nanay deliah at ang asawa nito, si mommy at daddy, pati na rin si eidi at vester.

Ngumiti ako sa kanila.


"Wala pa si ariyah?" Tanong ko nang makalapit kay eidi. Sumulyap muna ito kay vester na nasa gilid niya at nakikipagusap kay daddy.

"Mamaya at susunod siya. Kakagising lang niya." Nagulat ako nang si vester ang sumagot sa aking tanong ganon rin si eidi.


Nagkibit balikat nalang ako.

Sama sama kami papunta sa school gamit ang van na asawa ni nanay deliah ang may dala. Pagkababa ay nagulat ako nang makita rebo at kumakaway na nagaabang sa akin.


"Uy! Rebo! Di mo naman ako kailangan puntahan dito!" Natatawang biro ko sa kanya.

"At sino namang nagsabi na ikaw ang pinunta ko dito ha?! Ga-graduate rin ang kapatid ko! Feeling ka!" Aniya at sabay kaming tumawa.

"Susssss. Kunwari ka pa! Kung ganon ay bat ka nagaabang dito ah?!" Natatawang sagot ko sa kanya.

"Haynako! Sige na nga! Talo nanaman ako sayo!" Aniya at malakas na tumawa.


Humarap ako sa aking pamilya at ipinakilala si rebo sa kanila. Maliban kay eidi at vester kilala nila ito dahil madalas din nila akong sinasamahan sa pagbantay. Samantalang nasa ibang bansa naman sila mommy at daddy at sila nanay deliah ay nasa kanilang lugar.


"Hoy! eleidi ke aga aga nakabusangot ang mukha mo!"

"Ha? Hatdog! Sinong di bubusangot ang mukha kung ikaw ang makakasalubong! Saka tabi tabi! Amoy ospital ka pa! Naligo ka ba talaga ha?!" Mahaba ngunit malditang sagot ni eidi.

"H-hoy sumosobra ka na ah?! D-di pa nga ako naliligo-"

"Aysos! Ayan! Tas didikit dikit ka kay Xyra!" Napailing nalang ako sa kanilang kabaliwan.


Iba talaga pag nagsama ang may sapak at maldita. Haynako.

"Mommy kailangan na pong pumasok sa loob." Paalam ko.

Kaya naman ay agad siyang lumapit sa akin at tinulungan ako sa pagsuot ng toga.

"Faerie Xyra Leña Nesra." Tawag sa akin at nagumpisa na akong maglakad sa stage.

Fall of us (Falling Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora