Chapter 17

74 14 0
                                    

Xyra's Pov




Nakalabas na kami ng ospital, hinatid pa ko ni Riston kahit na tinanggihan ko yon at sinabing magpahinga na rin siya. Sinabihan niya pa akong wag munang pumasok kinabukasan dahil baka mabinat ako pero hindi ko siya sinagot doon.

Nagtatalo ang isip ko kagabi dahil hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Pero sa huli ay hindi ko sinunod ang sinabi ni Riston at di ko alam kung bakit ako nangangating pumasok ngayon.

Pagkaparada ko ng bike ko ay hindi agad ako nakaalis doon, napatigil pa kasi ako sa paglalakad at napatingin kung saan ko unang nakita at nakilala si Riston, Ang lokong stalker na iyon, akala ko ay magnanakaw nung una...

Bakit?! Magnanakaw naman talaga siya ah? Nagnanakaw ng impormasyon! Stalker talaga!

Habang kausap ko ang sarili ko ay hindi ko namamalayang nakangiti pala ako! Kaya naman ay dali dali kong binura iyon sa aking labi at pina-alalahanan ang sarili na si Vester ang taong gusto ko at mahal ko.

Sa pagpasok ko sa room ay napahinto ang lahat sa pag-uusap ngunit pagkatapos nila akong tignan ay bumalik na sila sa kanya kanya nilang gawa at ako naman ay napatungo nalang. Parang wala lang at hangin lang ako na dumaan.

Hindi na rin siguro napansin ni Vester at Ariyah ang pagpasok ko ngunit agad kong napansin na parang mas nagkalapit ang dalawa si Vester at Ariyah. Magkatabi pa sila ng upuan.

Maglalakd n asana ako papalapit sa kanila at babatiin sila ngunit laking gulat ko ng makita ang ginagawa ni Vester ngayon sa harapan ko.

Si Vester binigyan ng bulaklak si Ariyah.

Naguguluhan ako kaya naman ay napa-atras ako at saka agad na tumalikod. Tama yata si Riston mas mabuti yatang huwag muna akong papasok ngayon.

Tinignan ko ang cellphone ko atsaka tulirong hinanap si Riston sa contacts ko. Napakunot ang noo ko at nagtataka sa ginagawa.

'Bakit ko hinahanap ang number niya?! Tsk! Mukhang parang mas mabuti nga sanang siya nalang ang makasama ko kahit stalker siya! Atsaka hindi niya ako tina-tratong parang hangin lang! Baka nga ako ako pa ang tignan nun kahit nasa labas ako ng earth eh!'

Napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko nga sa contacts ko ang number niya!

'Hindi ko naman hiningi ang number niya ah?! Siya ba ang naglagay?! Malamang sa malamang!'

Napameywang ako at nagtaka sa sinabi sa sarili.

'Eh paano niya nalaman ang password ko?!'

Napaisip nanaman ako ngunit napairap nalang agad ng matanto muli ang sagot.

'Malamang! Stalker nga siya! Bahay ko nga alam niya password ko pa kaya sa cellphone!'

Inis at mabilis kong pinindot ang kanyang numero atsaka tinawagan ito.

'Anong sasabihin ko sa kanya?!'

"tanungin ko nalang siguro kung may nakita nab a siyang pwede kong pasukan na trabaho..." Bulong ko sa sarili.

Ngunit agad kong piñata ang pagtawag ko sa kanya.

'Kung si Vester ay dapat kong iwasan dapat ay siya rin!'

Papalabas na ako ng school ng may humawak sa braso ko at hinapit ako ng yakap.

Agad na natapos ang basketball game nila Vester kaya naman lalapit sana ako sa kanya ng biglang lumapit si Jade upang punasan siya ng pawis, napatingin na lamang ako sa tubig at tuwalyang hawak ko.

Fall of us (Falling Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant