Chapter 18

77 13 1
                                    

Xyra's Pov





Agad akong napatakip ng tainga ko dahil pagkalabas na paglakabas ng huling guro naming ay biglang nagsitilian ang mga kaklase kong babae.

"OMG! OH! MY! GOSH! RISTON BABE IS HERE!"

"AAaaaaaAaa RISTON!!"

"KUYA RISTON AKIN KA NALANG!!"

Nagulat ako sa sigaw ni Ariyah. Nanlalaki tuloy ang mga mata kong napatingin sa kanya. Di ko siya makapaniwalang tinignan, baliw na 'tong babae na 'to! akala ko ba si Vester crush niya?!

Tinignan ko naman kung saan sila nakatingin at nakita ko namang naka-abang na si Riston sa labas ng pinto at diretsong nakatingin sa akin ng may matipid na ngiti sa labi. Matagal ko siyang tinitigan hanggang sa napasimangot ako.

Ang totoo niyan ay naalala ko nanaman ang mga inisip ko kagabi at si Riston lang naman ang dahilan kung bakit ako walang tulog! Pinagisipan ko kasi ng mabuti ang mga sinabi niya sa akin kahapon. Kaya naman ay nagkaroon ako ng kutob na dahil sa pagiging magaling niyang stalker ay may alam na siyang hindi ko alam sa sarili ko.

'Praning na ko kung praning! Pero hindi naman ako tanga na hindi marunong makiramdam!'

Tumayo ako at binitbit ang aking bag. Nakasimangot parin akong lumabas at siya naman ay mas lumawak ang ngiti nang salubungin ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad na salubong kong tanong sa kanya. Nakita ko namang bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

"Ah...Sinusundo kita?"

"Sus! Anong kailangan mo ha?!"

Ang malawak na ngiti niya ay unti-unting lumiit. Bumalik ito sa matipid na ngiti ngunit nararamdaman kong pinipilit niya lang iyon.

Inis ko siyang tinalikuran at saka nagpaunang maglakad sa kanya.

"S-sandali!" Narinig kong sigaw niya.

Ngunit huminto lang ako ng dumating na ko sa harap ng kotse niya dito sa parking lot. Nilingon ko siya at nakita ko siyang naglalakad ng walang gana ngunit nakatingin parin sa aking mga mata at ayun nanaman ang mga pekeng ngiti niya!

Iniwas ko ang tingin dahil nababadtrip akong makita iyon.

"M-may problema ba?" Tanong niya ng makalapit siya sa akin.

Mabilis ko siyang tinignan dahil sa tanong niya. Agad na umangat ang kilay ko at ibinalik ang tanong sa kanya.

"Ikaw? May problema ka ba?" Kalmado ngunit nakakunot-noo kong tanong sa kanya.

Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata at agad niyang iniwas sa akin iyon, nanatili siya ng ganon sa loob ng isang minuto atsaka ibinalik sa akin ang kanyang tingin ngunit nakangiti na siya ng pagkatamis tamis!

Lalo akong nabad-trip sa ipinakita niya! Lalong nagsalubong ang mga kilay ko at hindi na maiwasan ang mairita!

"Pwede ba?!" Iritado kong sabi sa kany.

"H-huh? Pwedeng a-ano?" Nakangiting sabi niya ulit sa akin.

"Itigil mo nga yan!"

"H-huh? I-itigil ang alin?" Nakangiti parin niyang sabi.

"Itigil mo na ang pagpapanggap mo!" aniya at nanlalaki naman ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi na siyan nakapagsalita pang muli kaya naman ay dinugtungan ko na ang sinabi ko.

"Isa pang ngiti ng ganyan! Pupuk-pukan kita ng bato sa ulo!"

Unti unting nawala ang pagka-gulat sa kanya at napa-iwas ng tingin.

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now