Chapter 6

107 17 4
                                    

Xyra's Pov




Agad akong napatigil sa paglalakad at nilingon siya. Nakita ko siyang nakatingin sa akin habang hawak ang kanyang ilong. Tumingin ako sa kanyang mga mata at saka nakita roon ang emosyon niyang parang may inaasahan.

Umirap ako at nagsalita sa kanya.

"Ano? Diyan ka nalang talaga?"

"H-ha? S-sabi ko ako si Riston."

Bumuntong hininga ako atsaka napahilamos sa aking mukha.

"Oo na, ikaw nga si Riston, wala naman akong pake sa pangalan mo, ang ibig kong sabihin ay sumunod ka sa akin at gagamutin kita sa clinic!" Mahaba kong litany.

Nanatili akong nakamasid sa kanya at muli ko nanamang inangat ang tingin ko sa kanyang mata, at nakita ang unti-unting paglaho ng pag-asa sa kanyang mga mata, pagkatapos ay bumagsak ang balikat niya. Tumalikod ito sa akin.

"San ka pupunta?! Hoy!" sigaw ko sa kanya.

Ngunit tila wala itong narinig at pili na nagbibingi-bingi-an. Bumuntong hininga ako atsaka itinakbo ang distansiya naming dalawa. Nang makarating ako sa harap niya ay hinawakan ko siya sa kamay atsaka hinila papuntang clinic.

Nang makarating sa clinic ay napansin kong madaming inaasikaso ang nurse kaya naman nagpaalam ako na kung pwedeng hiramin ang mga gamit sa pag-gamot ay pumayag siya.

Ang walanghiyang Riston na to ay napaka-suwerte nga naman, ni hindi ko pa nga nahahawakan ang mukha o di kaya ay nagagamot man lang ni isang beses ang bestfriend kong si Vester.

Lumapit ako sa kanya at pinaupo siya sa harap ko.

Pinatanggal ko ang kanyang kamay na nakahawak sa kanyang ilong, pinunasan ko ang ilong niya. Napakunot ang noo ko nang may mapansin na sugat sa kanyang ilong may dugo rin iyon bukod pa sa dugo na lumalabas mismo sa butas ng ilong niya.

Sumama ang tingin ko sa kanya ng may matanto.

Diniinan ko na ang pagpunas sa kanyang ilong kaya naman ay nagsimula na rin siyang uminda at umaray-aray sa sakit.

"Aray!"

"M-masakit, dahan dahan naman-"

"Aray ko! Ano ba ginagamot mo ba talaga ako?"

"Masakit sabi! G-galit ka ba-"

Nilagyan ko na ng gamot at tinapalan ko rin ng band aid ang sugat o di kaya ay balat na natuklap sa kanyang ilong. Nameywang ako sa kanyang harapan at tinignan at inabangan pa kung may lalabas pa na dugo sa kanyang butas ng ilong. Ibinigay ko rin ang hot pack sa kanya.

"Sinadya mong mangyari 'to ano?" Tanong ko sa kanya na siya namang nagpalaki agad ng mata niya.

"Hindi ah! Naglalakd lang ako papunta sayo para sana ay sundin at salubungin ka pero malay ko bang pinto niyo pala ang sasalubong sa akin!" Paliwanang niya na hindi ko naman pinaliwanaan agad agad.

"Eh bakit naman may sugat yang ilong mo?"

"Kasi nga ihaharang ko sana kamay ko kaso lang nakalmot ko sarili ko at naumpog pa ang ilong ko sa pinto tapos-" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita.

"Andami mo nang kasalanan sakin ah?! Tignan mo at ako pa ang hindi nakakain! Konsensiya ko pa katangahan mo bwiset ka! Bakit ba kasi nandito ka? Diba college ka na? Bakit ka napapadpad sa building namin ha?" panenermon ko sa kanya.

Nagulat ako ng makita ko tong nakatingin sa akin gamit ang mapanuksong tingin at pagtatago ng ngiti sa kanyang labi.

"Ikaw ha bat mo alam na college na ako?" Tinalikuran ko lang ito at hindi sinagot.

'eh hindi ba't kakasabi niya lang kanina?!'

Dumiretso na ako pababa at papuntang canteen. Pinunaspunasan ko ang sarili ko at pinaypayan pa dahil hanggang ngayon ay banas parin ako.

Kaya naman ay banas na pinasok ko yung canteen habang kinukuha ang tubig sa bag ko at bigla namang nang sumalubong sakin si Eidi, iyong kasama ni Vester.

"Psst....pwede ba tayo magusap?"

Napataas ang kilay ko dahil sa kanyang itinawag sa akin, hindi niya na ba naalala ang pangalan ko? Tinignan ko ang kabuohan niya at saka tumingin sa kanyang mga mata, nangunot ang tingin ko. Pamilyar ang mata niya sa akin.

'Ano bang meron sa mga mata ng tao sa paligid ko ngayon?'

"Di pa ba tayo naguusap?" Tanong ko sa kanya.

"Naguusap pero i mean uhm-"


Umiinom ako nang tubig habang nagsasalita siya nang biglang may tumama sa likod ko kaya nabulwak ko sa mukha ni Eidi ang tubig na nasa bunganga ko at saktong sakto naman ang pagdating ni Vester at nakita ang pagbuga ko ng tubig sa mukha ni Eidi.

"Sorry, sorry, sorry... sorry eidi" paulit ulit kong sabi habang pinupunasan yung mukha niya.

Tumalikod ako at nakita si Riston na siyang nagbato sakin. Napansin ko ang bola malapit sakin. Nakatingin ito sa akin at bakas ang pagaalala sa kanyang mukha hindi ko muna siya pinansin dahil inaalala ko ang nabugahan ko ng tubig.

Pero humarap ako muli kay Eidi ngunit si Vester ang tumambad sa harap ko.

"What did you do?" Hinawakan niya ang balikat ko at ramdam ko sa kamay niya ang panggigigil no'n dahil sa galit.

"WHAT THE FUCK DID YOU DO?!"Napapikit ako. Pero hindi ako nagsalita.


Napatingin ako sa kanyang mga mata at bakas roon ang galit na kahit kailan ay hindi niya pa ipinapakita sa akin. Sa aking pagkakaalala rin ay kahit kailan ay hindi mo pa ako pinagtaasan ng boses.

Dati rati ay parang babasaging bagay niya ako kung tratuhin, parang isang mamahaling bagay na kahit tignan mo ay hindi maari. Ang Vester na kilala ko ay hindi ganito, ang Vester na kilala ko ay inaalagaan ako hindi yung ganito. Hindi yung ganito na ilang segundo lang ay sasaktan niya na ako.


Bakit kahit palagi mo akong sinasaktan mahal parin kita? Ganito na ba ako katanga?

Tumalikod si vester at kinausap at inalo si Eidi.

"Ano bang nangyare ha?" Mahinhin na tanong ni vester kay eidi

"Hindi ko alam tinanong ko lang siya kung pwede kami magusap pero bigla niya akong binugahan ng tubig sa mukha." Aniya habang umiiyak

Kumilos si vester at kumuha ng dalawang baso ng tubig. Lumapit ito sakin at unti unti niyang ibinuhos ito sa akin sa harap ng maraming tao. Nakatingin siya sa akin ng diretso at ganun rin ako.

"Pagbibigyan kita ngayon faerie....di ko alam at inaasahang magagawa mo 'to." Malamig na sabi nito.

'Ako rin, hindi ko inaasahang gagawin mo to.'

Kumunot ang noo ko nang makitang nakatingin sakin si Eidi at nakangisi pa. Hindi ko na siya pinansin at ngumisi rin ako bago talikuran sila.


Ngunit nakita ko si Riston na nandun parin sa pwesto niya kanina at seryosong nakatingin sakin. Natigilan ako at may kung anong galit akong naramdaman. Kaya naman ay lumapit ako dito at hinawakan sa kwelyo at sinapak sa pisngi. Hindi siya gumalaw.

Rinig kong nagsigawan ang mga tao sa nangyari. Batid kong nakatitig sila sakin pero wala na akong pake pa.


"Alam kong ikaw ang nagbato sa akin." Ngumisi ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

Nanatili siya sa ganoong posisyon at bakas parin ang gulat sa kanyang mga mata.

"Wag kang mag-alala, kikilalanin kita."






\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon