Chapter 33

56 11 1
                                    

Xyra's Pov



Lumabas ako ng bahay ni riston at inilagay doon sa taxi ang kanyang backpack. Nakasunod siya sakin dala ang isang maleta na sakto sa isang linggo niya roon. Kagabi ay tinulungan ko siyang magimpake kaya naman sigurado akong wala siyang maiiwan na importanteng bagay.

Pumasok kami sa sasakyan at nagpahatid na sa airport. Nagaantay na daw roon si roxanne. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa kanyang labi upang halikan.

Nakatulog si riston sa byahe papunta sa airport. Agad ko siyang ginising nang makarating na kami roon. Chineck kong muli sa bag ang passport at wallet niya at iba pang importanteng bagay. Nang masiguro ay ipinasabit ko na rin iyon sa balikat niya.

"Sigurado ka bang wala ka nang naiwan na importanteng bagay?" Tanong ko sa kanya

Umihip ang malakas na hangin. Sumabay sa sayaw nito ang kanyang buhok habang nakatitig sa akin ng malalim.

"Meron. Ikaw." Napatawa ako.

"Isang linggo ka lang naman doon e. Kaya mo yan."

Ngumiti ito at nagpaalam na. Dahan dahan itong tumalikod at naglakad ngunit muli itong humarap sa akin at humakbang ng malalaki at sabay hatal sakin upang mayakap.

"I love you." He said before he entered the airport.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang si ariyah iyon. Nakita ko ang mensahe na paparating na daw sila ni eidi kaya naman pagtalikod ko palang ay agad akong napangiti ng makita ang kulay pink na sasakyan.

Pumasok ako agad at nakitang naiirita si eidi na nakaupo sa passenger seat dahil naiirita daw siya sa amoy ng sasakyan. Strawberry daw kasi iyon at nahihilo siya sa amoy. Bukod sa ayaw niya sa kulay pink ayaw niya rin sa strawberry at matatamis na pagkain.

Puro reklamo ni eidi at matinis na boses ni ariyah ang nagpaingay ng byahe naming tatlo. Papunta kami ngayon sa apartment ko.

Nang makarating ay pinapasok ko sila agad at hinandaan ng pagkain. Iniwan ko muna sila saglit upang magpalit sa kwarto. Naghahanap ako ng maayos na tshirt at nakita ang paborito kong tshirt ay hinatak ko to dahil nasa kailaliman ito ng damitan ko. Pagkahatak ko rito ay nagulat ako nang may lumipad na kulay puti at bumagsak iyon sa harap ko.

Pinulot ko ang papel na iyon at itinabi at nagpalit ng damit. Bumaba ako dala iyon umupo ako sa harap nilang dalawa. Naisip ko na magumpisa na ngunit naasiwa ako sa pagkain na naroon sa lamesa at ang kalat roon.

Agad ko munang itinabi ang nasa lamesa na pagkain at pinunasan ang basa roon. Dala ang mga kalat papuntang kusina napatigil ako nang marinig ang nabasag na baso sa sala.

Agad akong kumaripas ng takbo at nakita ang mga bubog na galing sa baso. Akmang magtatanong ako kung anong nangyari nang makita ko si ariyah na hawak ang papel na itinabi ko kanina. Nakatingin siya doon at tulala.

"B-bakit? Ariyah?"

Unti unting umangat ang mata niya sa akin hanggang sa magtama iyon.

"W-wala po ate..."

"A-ano ba yan? Pinapakaba mo ako. Pwede mo bang basahin sa akin?"

Pumikit ito at nanginginig. Natatakot. Nangangamba at nalulungkot.

"It says that...y-you have an Anterograde A-amnesia.."

"It says that...y-you have an Anterograde A-amnesia.."

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now