Chapter 42

35 10 5
                                    

Xyra's Pov




Pagkatapos nang nangyari kagabi ay hindi ko parin malimutan iyon. Kaya naman pag nagtatama ang mata namin ni riston ay ngingisi siya sa akin. Tila ba ay nangaasar.


Iritado ako sa kanya dahil katulad kaninang umagahan sa hapag ay hindi siya matigil sa kakabulong sakin kaya naman inapakan ko siya ngunit imbis na siya ang pagalitan ay ako pa ang napagalitan ni nanay deliah.


"Baby alam mo ba kagabi hindi ako makatulog-"


Inilayo ko ang mukha niya gamit ang aking hintuturo dahil masyado malapit. Dumidikit ang labi niya sa tenga ko.

Kung kami lang ay okay lang sa akin dahil maharot talaga itong hinayupak na ito ngunit may bata sa harap namin na nakatingin lang talaga sa aming dalawa.
Kaya naman nahihiya ako. Ako makakapagpigil pero ang kaharutan neto ay hindi.

"Wag mo nga akong itutulak... Itutulak kita mamaya sa kama-" aniya nanaman sa tenga ko.


Ngunit hindi pa siya natatapos sa kanyang sinabi at hindi na ako nakapagpigil dahil bukod sa kiliting bumalot sa aking katawan . Nakaramdam din ako ng kahihiyan dahil ngumiti pa ang bata sa harap namin.

Malakas kong inapakan ang kanyang paa sa tabi ng paa ko.

"A-ARAY!" nanlalaki ang mata niya sa akin.

"Bat mo ginawa yun?!"

"Eh napakalandi- napaka mo eh!" Lalo pang nanlalaki ang kanyang mga mata. Ngunit imbis na sagutin ako ay humarap siya kay nanay deliah.

"Nanay d! Si faerie oh! Inapakan ang paa ko."

'At talagang nagsumbong pa!'

"Nay-"

"Nako Xyra! Tigil tigilan mo iyan bat nagiging brutal ka na ha?! Ganyan ba ang itinuro ko sayo sa harap ng hapagkainan?!"

"A-ano-"

"Magtigil ka nalang diyan at tayo ay nakain!"

Inirapan ko nalang si riston at bumaling kay jojo na nakangiti parin na kumakain sa harap ko.

'Weird netong batang to. Pakagat kita ule sa dengue eh.'


Kaya naman ngayon ay ang katabi ko ay si ariyah, sila riston at vester ay nasa harap namin at ang dalawa naman na sina eidi at prio ay nasa likuran namin.

"Oh!" Abot ni riston sa akin ng chocolate.

Inirapan ko lang iyon at di naman niya iyon nakita dahil nakatalikod niyang inabot sakin iyon.

Ha! Chocolate pa talaga! Kala mo naman wala ko niyan! Kumuha ako ng chocolate sa aking bag at binuksan iyon.

"Xyra. Nangangalay na ako."

'Xyra mo mukha mo!'

Dahil sa inis ay lumuhod siya sa kanyang inuupuan at hinarap ako.

"Hoy..ano ba nangyayare sayo."

Hindi ko siya pinansin at inalok lang si ariyah ng chocolate. Napasimangot naman ako dahil kumuha talaga siya.

"Hoy..." aniya at inabot ang balikat ko upang makalabit ako.

"Hoy!"

"Ano ba?!" Napatigil naman siya nang makita niya ang busangot kong mukha.

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now