Chapter 22

61 14 9
                                    

Xyra's Pov




Naka-bihis na kaming lahat.

Isang navy blue na palda na hanggang ibabaw ng tuhod. Longsleeve na white at pinatungan ng black vest tapos may red na necktie rin. Nakamahabang medyas kami at yung buhok ay tinali sa dalawa at nilagyan din ng ribon.

Ako naman ay hindi mapakali sa sapatos na suot dahil medyo maluwag ito sakin, hindi ko kasi mahanap yung sapatos ko kanina ayan tuloy yung lumang sapatos nalang isinuot ko dahil baka malate ako.

Biglaang pumasok si Ma'am Zueldo sa room kaya napatigil kaming lahat sa pagaayos ng kung ano ano.


Tumikhim muna ito bago nagsalita.
"Okay i have an announcement at biglaan lang ito, magkakaroon ng program mamayang 8 AM at iyon din ang oras ng performance niyo. I want you guys to perform okay?! Siguraduhin ninyong wala ni isa sa inyo ang magkakamali dahil pagnagkataon ay talagang mayayari! Naintindihan niyo ba?! May grade pa rin ito so don't worry and please do your best goodluck."

Nanlalaki ang mata ko sa kanyang sinabi kaya naman ay dali dali akong lumabas at tinawag si Maa'm Zueldo.

"M-ma'am pwede po magtanong kung sino sino yung manonood?"

"I really don't know Ms. Nesra"

'Isama niyo na po lahat, Wag lang muna si Riston.'

Tumango nalang ako sa kanya at bumalik na sa loob ng room.

Nanginginig tuloy ako sa kaba! Paniguradong malalaman iyon ni Riston at talagang pupunta iyon! Siguro naman at sana lang naman ay mayroon siyang klase!

Narinig na namin ang opening remarks kaya naman pumunta na kami sa likod ng stage para maghanda na.

"Earl tignan mo nga kung marami manonood." Utos ko sa presidente namin.

"Marami rami din." Aniya naman sa akin.

"Hala! May mga college?" Kabadong tanong ko sa kanya.

"Oo bakit?"

"A-ahh wala lang hehe."

Kinabahan ako ng matindi! Lalo pa't nakita ko ang mga iba't ibang year na estudyanteng nagpupunta sa covered court! Talagang inabangan ko kung daraan ba si Riston doon o hindi dahil kapag nakita ko siya ay papaalisin ko siya!

Hindi kasi ako sanay na may sisigaw doon at paniguradong kapag pinanood ako ni Riston ay sisigaw talaga yun!

'W-wag ka pumunta! Dahil kapag pumunta ka ipapabug-bog kita sa mga alagad ko!'

'W-wala pala akong alagad- meron! Si Ariyah! Hehe.'

Sinulyapan ko ang relo ko at nakitang halos sampung minuto nalang ay mag aalas otso na.Tinignan ko ang cellphone ko ng magvibrate ito. Nakita kong may message request sa akin kaya naman agad ko itong binuksan ng makitang si Riston iyon.

Riston:
Hi:) balita ko may program at magpeperform kayo try ko humabol huhu di pa tapos presentation namin sa pagluluto:( goodluck babe. 😔😅😘

Ako:

Huwag ka nalang pumunta. Okay lang talaga :)

Message sent.

Ako:
Salamat din. Tikim ako luto mo ah? Bye!

Message sent.

Riston:
Tatawag ako.

Pagkaring ng cellphone ko ay agad ko itong sinagot.

"O-oh?!"

"Nasaan kayo?"

"B-bakit mo naitanong?! P-punta ka ba?!H-hoy sinasabi ko s-sayo h-huwag ka ng pumunta!"

"H-hindi naman ako pupunta. May klase nga ako diba? Hehe."

"K-kahit na! Eh siraulo ka pa naman! Mamaya ay sumigaw ka pa roon at pagkasigaw mo doon ay magkamali ako! Kaya wag k-ka ng pumunta! N-naiintindihan mo ba?"

Bigla akong tinawag ni Earl kaya naman ay sa gulat aksidente kong napindot ang cellphone ko na siyang nagging dahilan kung bakit hindi ko narinig ang sagot ni Riston!

Baliw na ata ako dahil imbis na panglakasan ako ng loob kung sakaling manood siya pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin! Dahil kapag naroon talaga siya mamaya ay mawawala ang pokus ko sa performance at mapupunta lang sa kanya!

Saktong pagtabi ko ng cellphone ay tinawag na kami ng president naming si Earl. Hinahanap ko rin si Eidi sapagkat hindi ko ito makita. Nagkibit- balikat na lamang ako.

Nagpray muna kami bago magumpisa.

'Sana wag ako magkamali. Sana wag manood si Riston amen.'

Nakita ko si Ariyah tila kinakabahan dahil wala pa ang kanyang kapareha. Ang totoo ay nahirapan ito sa pagpili ng susuotin dahil wala daw siyang damit na akma rito kaya ayon nasa mall pa at bumili at naghanap ng damit.

Umakyat na kami at nagsimulang magperform una muna ang singing team sunod ang dancing team. Pagkatapos ng dancing team ay si Ariyah na. Marahan ko siyang itinulak at nginitian. Sakto namang dumating si Vester nang magsimula ang kanta.

Namangha ako sa ipinakita nilang dalawa. Biruin mo yon? Bakit ang bilis naman nilang nasaulo yon? Kung ako yun ay aabutin pa ako ng isang taon. Naging maayos ang performance nilang dalawa at talagang nakaka-proud na si Ariyah ang pinili kong papalit! Kaya naman ay hindi ko maiwasan ang pag-ngiti habang pinapanood sila.

'Bagay...'

Pagtapos nila Ariyah at Vester ay sunod sunod na rin kaming nagsipasukan.

Naging maayos ang performance naming mga dancing team at naghanda na kaming lahat para sa last part. Pumasok na ang singers at sumunod na kaming dancers para sa last part.

Tuloy sa pagbilis ng tibok ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

At upang tapusin na ang performance namin

Umikot ako pagkatapos ay at tumalon kasabay ng paglipad ng sapatos ko sa ere ang narinig kong pagsigaw ng-

"GO BABE! ANG GALING MO I LOVE YOU!"


Parang nag-slow motion lahat ang nangyari sa paligid ko! Nanatili akong nakatingin sa sapatos kong nasa ere. Unti unti akong nilamon ng hiya!

Nagpalakpakan ang iba at ang iba naman ay tawa ng tawa pero pumapalakpak parin. Hanggang sa nahagip ng aking mga mata si Ma'am Zueldo atsaka nakita ko siyang nakatingin sa akin ng masama at inilipat ko naman ang tingin ko sa ibang guro lahat sila ay nakangiting tumatawa at habang si Ma'am Zueldo ay nakatingin parin ng masama sa akin.

'Sorry na Ma'am! Nandiyan ang inspirasyon kaya nagkamali!'







\(^O^)/

Fall of us (Falling Series #1)Where stories live. Discover now