Chapter 8

101 19 2
                                    

Xyra's Pov



Lumipas ang mga araw at naramdaman ko ang tuluyang pag lamig at pag-iwas sa akin ni Vester. At sa mga panahong iyon ay naiisipan ko na ring bitawan at itapon o di kaya ay kalimutan na lamang ng tuluyan ang nararamdaman ko sa kanya.


At isa pa ilang araw ko na ring hindi nakikita ang Riston na iyon. Mas mabuti nga at wala siya sa paligid ligid ko ay nakakapag-isip ako ng matino.

Kaso lang ay sa pag-iwas ni Vester sa akin ay may natauhan ako sa aking sarili.

Nag-iisa ako.

Bukod sa kababata kong si Vester ay wala na akong nagging kaibigan pang iba.

Napatalon ako sa gulat ng biglang sumigaw si Earl dahil mag-aannounce daw siya, hindi ko na lamang siya pinansin dahil wala rin naman akong ka-gana gana ngayon.

Hinintay lang naming matapos ang sasabihin ni Earl at saktong tumunog ang bell at agad namang mabilisang nagsitayuan ang mga kaklase ko.

Wala ng tao sa room kaya naman naisipan kong tumayo at pumunta na rin sa canteen, ito siguro muli ang unang pagkakataon na pupunta ako roon pagkatapos ang nangyari noong nkaraang araw.

"Ate Naling isa nga pong order ng cheese burger tas C2 narin po." Sabi ko sa kaclose kong tindera roon.

"Aba? Isang order lang? Nakakapagtaka na ilang araw na kayong hindi magkasama ni Vester ah? Tsaka may kasama siya laging babae...nag...break ba kayo?" Sunod sunod niyang tanong kaya naman ako ay malakas na bumuntong hininga.

Alam kong alam ni Ate Naling ang nararamdaman ko kaya naman kahit di ko sabihin ay nababasa niya raw ako. Ganon daw talaga ang mga nanay.


"Ate Naling una po sa lahat hindi kami ni Vester okay? Atsaka malay ko ba sa kasama niya wala na akong pake." Inilingan ako ni ate naling at inabot sakin ang burger at agad kinain ito.

"Alam mo Faerie mas maganda sigurong aminin mo na yang nararamdaman mo. Ilang taon mo nang tinatago yan."

Bumagal ang pagkain ko at natigilan.

Lumingon ako kila vester at nakita siyang masayang masaya kasama si eidi.

Aaminin ko ba? O talagang ibabaon ko na to sa kinailalim-laliman ng lupa?

Sa matagal na panahon na pinagsamahan naming ni Vester ay masasabi kong saying talaga iyon, pero anong magagawa ko diba?

And I think that confessing my feelings to him will never change a thing.

And if I did that? I just wasted my time.

May biglang nagpunas ng mukha ko kaya napatingin ako sa gumawa noon.

"Gusto mo?"

Alok niya sakin ng chocolate drink.

Dahil sa gulat, agad kong naitulak ang kanyang kamay papalayo sa aking mukha, ngunit bigla nalang tumalsik ang chocolate na hawak niya at natapon lang sa lapag. Gulat akong nakatingin roon pero hindi agad ako nakapagsalita o di kaya ay gumalaw.

Dahan dahan siyang naglakad patungo roon pagkatapos ay dinampot iyon.

"I'm sorry, i-I thought that you will like it, but I guess, y-you don't." aniya habang nakatalikod sa akin.

Ramdam ko mula sa kinatatayuan ko ang sakit at lungkot sa kanyang sinabi, kaya naman nagulat ako ng humarap siya sa akin ng nakangiti, dahan dahan siyang naglakad sa akin at tinap-tap ako sa balikat.

Fall of us (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon