Scene 23: That Should Be Me

5.1K 46 3
                                    

Scene 23: That Should Be Me

#S.A. Sports Fest

Una sa lahat, filler lang ito. Don't expect too much in this chapter. Mian. TT^TT~ Superrr late UD.

(_ _") I'm really sorryyyyy. JaeLi moments muna tayo. JaeLi nga ba? HurrhurrXD

xoxo,

Eit *O*

~ ~ ~ ~ ~

-Eit’s POV-

Friday na. Walang klase ang Standford Academy dahil preparation exercise ng mga students. Sa madaling salita, warm-up and all lang ang gagawin nila Drei para sa darating na sports fest sa Monday. Friday morning, nasa back field sina Drei at ang barkada habang naglalaro ng volleyball. Desididong manalo si Drei sa sports fest dahil One all ang kasalukuyang score nila ngayon ni Sui. Hindi pa siya nakakabawi mula sa pagkatalo niya nung S.A. festival.

“Drei Spike na!!” Sigaw ni Phil habang tinoss ang bola papunta sa pwesto ni Drei.

Walang alinlangang tumalon si Drei ng mataas at malakas na nagspike kaya ang resulta – panalo na naman ang Team Drei. Pangalawang game na nila ‘to at wala pa ring makatalo sa team nila Drei.

“Halimaw ka Drei!” Kumento ni Jack sabay high five kay Drei.

“Wala talaga tayong laban kay Drei.” Dagdag ni Jill.

Natuwa naman si Drei sa sinabi ng mga kaibigan niya. Matagal na rin nung huli siyang maglaro ng kahit anong sports maliban na lang kung i-coconsider mong sports ang underground fights. Nagpapasalamat si Drei at hindi pa niya nakakalimutan maglaro ng volleyball.

“Kayo talaga! Hahaha!” Umupo si Drei sa may damuhan at nagpahinga saglit.

“Mabuti naman at pinayagan ka niya,” Sabi ni Ami kay Drei at umupo sa tabi nito habang inaayos naman ni Drei ang benda sa paa niya.

“Pahirapan pa bago niya ako payagan maglaro ‘no. Malay ko ba d’yan sa kaibigan mo! Ayaw niya lang talaga akong maglaro dahil takot siyang matalo. Hahaha!” Napa-iling si Ami sa sinabi ng kaibigan.

Hindi maintindihan ni Ami kung bakit insensitive ang kaibigan niya pagdating sa mga ganitong bagay. Napangiti na lang siya ng malalang walang karanasan si Drei pagdating sa ‘love’ kaya naeexcite na siya sa mga gagawin ni Sui.

“Ami...” tawag ni Drei sa kaibigan.

“Ano?” sagot ni Ami.

“Paano mo malalaman na tunay ang pagmamahal sa iyo ng isang tao?”

Nagulat si Ami sa tanong ni Drei. Hindi niya ito inaasahan lalo na’t nagmula pa ito kay Drei. Tiningnan niya ng mabuti si Drei na nakapatong ang ulo sa may tuhod at pinaglalaruan ang mga damo.

“Bakit mo natanong?” tanong ni Ami sa kaibigan. Hinihintay niya ang sagot ni Drei.

My Secret : Ms. Palaban vs. Mr. Perfect || Fin. ||Where stories live. Discover now