Scene 36: Closer To You

4K 44 8
                                    

Scene 36: Closer To You

~*~*~*~

-Drei’s POV-

Umaambon. Sana naman hindi lumakas ang ulan. Nakaupo lang ako dito sa kama, ngayon kasi ako lalabas ng hospital. One week din akong tambay dito kaya naman medyo excited akong lumabas. Nakakasawa na rin kasi dito sa hospital. Boring kasi wala akong magawa. Ang tanging trabaho ko lang ay humiga at kumain. Boring din kasi wala akong kasama sa umaga dahil nasa school sila, sa tanghali naman si Sui ang nagbabantay sa akin. Okay naman kasama si Sui ‘eh kaso O.A lang kung minsan. Kung makabantay kasi sa akin akala mo naman mamamatay na ako.

“Labs ...” Speaking of the devil, andito na ang bodyguard ko este si Sui. Hahaha.

“Mmm?” sagot ko pero nakatingin pa rin ako sa bintana.

“Aalis na tayo.” Hinawakan niya ang balikat ko kaya naman nilingon ko siya.

“Gano’n ba? Let’s go.” Tumayo na ako. Nga pala, ‘di ko na kailangang gumamit ng saklay ngayon dahil okay na ang binti ko. Hindi naman kasi ‘yun nabalian, nadaplisan lang ng bala kaya kailangang lagyan ng cast para hindi magalaw ang tahi.

Nasa loob na kami ng elevator, 9th floor pa lang. Ito namang kasama ko tahimik pa rin. Simula kahapon ganyan na ‘yan. Napag-usapan ulit kasi namin yung tungkol kay Toshiro. Payag naman siya kaso mukhang napilitan. Simula nung aksidente, pansin ko lang medyo naging protective na siya sa akin.

“Yabs ...” tawag ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin. “Ano kasi ... okay ka lang?” pag-aalala ko.

Ngumiti naman siya. “Yeah.” Ginulo niya pa ang buhok.

“’Eh yung tungkol kay Toshiro, okay lang ba?” tanong ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Sasagot na sana siya kaso biglang bumukas ang pintuan ng elevator at may pumasok na tatlong nurse at mga pasyente kaya nahinto ang pag-uusap namin. Hanggang sa makarating kami ng parking lot, tahimik pa rin kaming dalawa. Nasa loob na kami ng kotse. In-on ko na lang ang stereo para naman mawala ang awkward atmosphere. Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang bigla siyang nagsalita.

“Nag-aalala lang ako. Hindi naman sa ayaw kong makipag-usap ka sa kanya pero ang akin lang ...” Huminto siya saglit. “Natatakot akong saktan ka niya ulit.”

‘Tch. Kahit kailan talaga ang galing niyang magpabilis ng rhythmn ni heart. Oo na. Masaya ako sa sinabi niya pero kahit gan’on kailangan ko pa ring kausapin si Toshiro ng ako lang.

“Sana maintindihan mo. Kailangan ko ‘tong gawin dahil gusto kong maayos na ang lahat. Ayaw ko na ng gulo.” Pakiusap ko sa kanya.

“I’m okay with. It’s just ...”

“You’re just plain scared that he might hurt me again.” Ngumiti ako sa kanya. “Don’t worry, I’ll be okay. I promise you that.”

My Secret : Ms. Palaban vs. Mr. Perfect || Fin. ||Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu