Scene 34: The Unexpected Party

4.4K 54 14
                                    

Scene 34: The Unexpected Party

~*~*~*~

 

Nov. 23, 20XX

 

-Eit’s POV-

Yiieeh! Happy Birthday Sui! :D Haha. Excited na kayo sa party? Okayyy. Chill lang. Darating din tayo d’yan. But before that, let’s take a peek sa preparation na nagaganap.

|| Carven Apparel – House of Fashion ||

“Geliii! Na saan na kayo?” tanong ni Jill kay Geli sa cellphone.

“Wait lang. Hinihintay pa namin si Ami para sabay-sabay na kaming pupunta d’yan.” Pag-eexplain ni Geli mula sa kabilang linya.

“Okay, okay. Dalian niyo kasi andito na ang mga make-artist na mag-aayos sa atin.” Sabi ni Jill.

“Pasensya na. ‘Oh! Andito na si Ami. Going na kami. Babye!” At binaba na ni Geli ang cellphone.

Tok! Tok!

“Miss Carven, dumating na po ang gown na pinapautos niyo.” Sabi ng isa sa mga assistant ng nanay ni Jill.

“Thanks. Paki sabi kay Mom na ako na ang bahala sa kanila.” Nagbow naman ang assistant at umalis na ng kwarto.

Meanwhile, sa kotse nila Geli...

“Anong sabi ni Jill?” tanong ni Ami.

“Dalian na raw natin dahil nandoon na yung mga make-artist.” Sagot ni Geli habang nagtetext.

“’Oh, si Drei?” tanong ni Ami habang nililibot ng tingin ang buong kotse.

“Nasa backseat, tulog.” Sagot ni Geli at ngumiti.

“Puyat?” nagtatakang tanong ni Ami habang pinagmamasdan ang natutulog na si Drei.

“Yup. Nagbake kasi ng cookies para kay Chairman.” Sagot ni Geli.

“Mabuti naman at hindi sumabog ang kitchen niyo.” Sabi ni Ami at nagtawanan ang dalawa.

Makalipas ang kalahating oras ng  biyahe, nakarating na rin ang magkakaibigan sa Carven Apparel na pagmamay-ari ng pamilyang Carven, specifically, ni Jill.

“Drei, gising na...” tawag ni Geli kay Drei habang inaalog-alog pa ito.

“Mmm?” Dahan-dahang minulat ni Drei ang kanyang mga mata at nag-stretch ng braso.

“Andito na tayo.” Sabi ni Ami.

“Eii?!” Agad namang napabangon si Drei mula sa kanyang pagkakahiga.

My Secret : Ms. Palaban vs. Mr. Perfect || Fin. ||Where stories live. Discover now