Scene 38: 愛してる

3.8K 53 5
                                    

Scene 38: 愛して

 Enjoy! Sorry kung matagal ulit ang UD. Nawalan lang ng net connection. Pagpasensyahan! :D <3 God Bless! 


~*~*~*~

-Drei’s POV-

“Here we are.” Pagkasabi ni Mr. Lei, agad na huminto ang sasakyan sa isang lumang mansyon.

Oo, luma dahil hindi siya gaya ng mansyon namin na modern ang design. Para siyang haunted house o mas magandang sabihin na lumang bahay ng mga Spaniards. Bumaba na ako nung pinagbuksan ako ni Mr. Lei ng pintuan. Pagpasok namin, dalawang maid at isang butler lang ang bumati. Kahit mukhang haunted house siya sa labas, ang ganda naman sa loob dahil sobrang linis at maraming antique vases.

Dinala naman kami agad sa living room kung saan naabutan kong nakaupo si Kuya Ryuu kasama si Mr. Pattinson, ang lawyer ni Papa. Pinaupo naman ako agad ni Mr. Lei sa itim na couch, katabi ni Kuya Ryuu.

“Tapos na ba ang challenge ko kaya niyo ako pinapunta dito?” tanong ko sa kanila.

Umiling naman si Kuya Ryuu at walang nagsalita. Inaangat ni Kuya Ryuu ang ulo niya na kanina pa nakayuko at tumingin sa akin. Sht! Bakit umiiyak si Kuya?!

“He passed away this morning.” Niyakap ako ng mahigpit ni Kuya Ryuu. Naramdaman ko naman ang mga luha sa balikat ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin. Nakatulala lang ako sa kawalan dahil hindi ko matanggap ang nangyari. Walang luha ang namuo sa mga mata ko. Parang katulad lang noon. Parang patay na rin ako dahil sa narinig ko. Ilang sandali pa ay kumalas na si Kuya mula sa pagkakayakap sa akin. Pagkatapos ay may ipinakita sa amin si Mr. Lei na isang maliit na CD.

“Let’s go to the family room.” Sabi ni Mr. Lei at naunang tumayo. Sumunod na rin si Kuya Ryuu.

Ako? Hindi ko magawang tumayo o kumilos man lang. Wala na akong lakas. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umiyak. Gusto kong umiyak at magwala pero bakit .. bakit ‘di ko magawa?

“Let’s go Aia.” Hinila na ni Kuya ang kamay ko at inakbayan.

Umakyat kami sa pangalawang palapag ng bahay. Pagpasok namin sa family room, isang malaking flat screen TV ang bumungad sa amin. In-on ni Mr. Lei ang TV at DVD player saka pinasok ang CD. Ilang sandali ay naging kulay puti na ang screen. Umupo lang kami ni Kuya sa malaking couch sa harap ng TV. Napansin kong tahimik na umalis si Mr. Lei sa family room.

Biglang may nagcount dwon sa screen pagkatapos, nakita namin si Papa na nakaupo sa swivel chair ng opisina niya.

“Ready?” Isang boses ang narinig namin pero hindi ito boses ni Papa.

Tumango naman si Papa at inayos pa ang kurbata niya.

“Ryuu, Aia ... Well, now that you’re watching this, I must be dead right now.”

Sandaling tumahimik ang paligid pati na rin ang video. “Uunahin na kita Aia.” Ngumiti sa akin si Papa na para bang nakikita niya rin ako. “Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sayo. Ako ang dahilan kung bakit ka nagbago. Can you forgive me, my little princess?”

My Secret : Ms. Palaban vs. Mr. Perfect || Fin. ||Where stories live. Discover now