Scene 37: I Love You, Yabs!

4.8K 52 7
                                    

Scene 37:  I Love You, Yabs!

~*~*~*~

-Drei’s POV-

“Yosh!” Masayang sabi ko sabay suntok sa ere. Makalipas ang dalawang linggong pagiging disabled, sa wakas at natanggal na rin ang cast ko!

“Don’t get your hopes too high Drei.” Sabi ng mayabang na ‘to.

Ang KJ talaga nito minsan. ~!!> 3<!!~ Nasa hospital nga pala kami ngayon nila Sander. Nag-absent talaga ako ngayon para lang matanggal na ang cast ko.

“At bakit?” taas kilay na tanong ko.

“Kahit na wala na ang cast mo, babantayan pa rin kita.” Seryosong sabi niya at naunang bumaba papuntang parking lot.

Tumakbo ako para habulin siya. “Lagi naman ‘eh kaya sanay na ako.” nakangiting sabi ko at inunahan siya sa paglalakad.

Nasa loob na kami ng kotse. Nag-drive na siya. Kung noon ay laging awkward sa tuwing nasa loob kami ng kotse, ngayon ay feel at home na ako. Simula kasi nung mangyari ang aksidente, lagi na akong hinahatid ni Sui sa bahay. Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at tahimik na pinagmasdan ang mga building na nadadaanan namin. Mahangin. December na nga talaga. Ilang months na lang at mag-iisang taon na rin ako dito sa Pilipinas. Biruin mo ‘yun, nagtagal ako dito. Ilang buwan na lang at matatapos na ang challenge ni Papa.

“Labs ...” tawag sa akin ni Sui habang nagdadrive.

“Mmm?” sagot ko habang nakatingin pa rin sa bintana.

“This coming Saturday, Ahmm, p-pupunta tayo sa resort nila Jun.”

Was it my imagination o talagang nagstammer si Sui? ‘Tch. Pati ba naman simpleng bagay ay napapansin ko.

“Labs ...” tawag niya ulit sa akin.

“Oh?” sagot ko.

“Wala ka man lang sasabihin?” tanong niya sa akin at nahuli ko siyang nagpout.

“Ahh, okay. Sa Blue Pearl Resort ba?” tanong ko sa kanya.

“Yeah. Paano mo nalaman?” medyo gulat na tanong niya.

“Part owner kasi ako ng resort na ‘yun.” Simpeng sagot ko at bumalik na sa pagtingin ng mga building.

Bigla namang huminto ang kotse. Phew! Mabuti na lang at uso sa akin ang seatbelt. “Yabs! Problema?”

“Ibig sabihin nakapunta ka na sa resort na ‘yun?” Bakas sa mukha niya ang disappointment. ‘Oh? Bakit parang nalugi ang facial expression niya? Bipolar nga talaga.

“Kahit na part owner ako ng resort na ‘yun, ni minsan ay hindi ko pa ‘yun napuntahan.” Narinig ko naman siyang bumuntong hininga. “Ayusin mo nga ang pagmamaneho. Maaaksidente tayo nito ‘eh.”

My Secret : Ms. Palaban vs. Mr. Perfect || Fin. ||Onde as histórias ganham vida. Descobre agora