Scene 3: Sabotage~!

5.3K 51 6
                                    

Sorry kung natagalan sa UD. Pasensya na talaga. Hope you enjoy reading. ^^

-x-x-x-x-x

Dedicated to Ate Mae. Namiss po kasi niya ang UD ko. Hehehe Loveyou 'te. <3

 Picture nga pala ni Ami sa side :"">     EEE

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AISHT! Nakakapressure naman oh! Ahh basta, kahit anong mangyari dapat manalo ako. Bwiset kasi yung mayabang na Sui na yun! Malay ko ba na siya pala ang school chairman at representative ng Section A. Siya ang may kasalanan nito eh! Let’s settle this in a civilize way, civilize niya mukha niya! Ang akala ko pa naman mag-uusap lang kami tapos magsosorry yung babae na nang away kay Geli, yun pala hindi. Mali ako ng akala! Alam niyo ba kung anong pinagsasabi ko? Malamang hindi kaya rewind muna tayo ng konti..

FLASHBACK

“Tara sa chairman’s room at dun natin pag-usapan ang problema” utos ni Yabang.

Kala mo kung sino eh! Nako kung hindi lang bawal, matagal ko na yang inupakan eh! Pasalamat siya.. (a/n: kalma lang drei, ang puso mo. Padaan readers^^,)

Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami sa chairman’s room. Unang pumasok ang misters at yung girl na taga Section A rin.

Ano pa nga bang magagawa ko? Sumunod na lang ako kahit alam kong hindi ko matitiis ang mayabang na yun! Pagkapasok ko nakaupo na sila, kaya umupo rin ako alangan naman na tumayo ako. Ano sila sinuswerte?!

“So?” panimula ni Yabang habang nakatingin sa akin. Akala niya siguro hindi ko siya titingnan ng diretso! Pwes! Mali ang akala niya. Tiningnan ko siya ng walang pagaalinlangan.

“Oh?!” galit kong sagot sa kanya.

Aba’t! Nagsmirk ang mayabang!

“hindi ka ba hihingi ng sorry?”

Teka! Nagkakamali ata ako ng rinig..

“Nani? Ang ibig kong sabihin ano?”

Naramdaman kong tumingin sa akin yung isa sa mga misters.. si Jun. Patay! Baka nakikilala niya ako! Tsk.

“Ang sabi ko hindi ka ba magsosorry?”

Bakit naman ko naman gagawin yun?! Eh nasisiraan na pala ‘to ng ulo! Yabang!

“At bakit naman ako magsosorry?! Are you out of your mind?!” inuubos talaga ng yabang na ‘to ang pasensya ko! Napansin ko yung tatlong misters nakangiti habang nakatingin sa amin ni yabang. Hindi ko alam kung ano bang ibig sabihin ng ngiti na yan!

“Interesting. Hindi ka ba natatakot sa pwedeng mangyari sayo pag di ka humingi ng sorry?”

Ako ba’y tinatakot ng yabang na ‘to?!

“At bakit naman ako matatakot? Listen, if this is your civilize way of fixing things then i better get going! You are insane! You are asking me to ask absolution when the mere fact is that I didn’t even violate any rule!!”

My Secret : Ms. Palaban vs. Mr. Perfect || Fin. ||Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang