Scene 39: Be Alright

4K 53 9
                                    

Scene 39: Be Alright



~*~*~*~

-Sui’s POV-

“Sui, let’s go.” Tumayo na ako at naunang maglakad papasok sa sasakyan.

“Are you ready for your speech?” Tumango lang ako kay Ate Kamille bilang sagot.

Graduation na. Tatlong buwan na ang nakalipas simula noong umalis siya. Tatlong buwan ko na ring pinipilit na maging okay. Hindi naman ako galit sa kanya o naiinis. Kahit na hindi niya tinupad ang pangako niya sa akin, alam ko namang may malalim siyang dahilan kung bakit niya ‘yun nagawa, at tama naman ang hinala ko.

Ang masakit lang sa akin ay ang mga huling salita niya. Sinabi niya nga na mahal ko siya pero may pahabol pang, ‘Don’t look for me’. Gag* lang. Wala akong magawa kundi ang sundin siya. Siya na mismo ang nagsabi, hindi niya ako kailangan kaya ‘wag ko na siyang hanapin.

Nung nakarating na kami sa Hyacinth Hotel kung saan gagawin ang graduation, bumaba na ako at iniwan si Ate Kamille. Last week ko lang nalaman na nauna na pala siyang grumaduate sa amin. Last month pa niya nakuha ang diploma niya. Ang totoo niyan, inutos ko kay Mr. Park na bantayan si Drei to make sure that she’s okay. Wala naman siyang sinabi na bawal ko siyang bantayan.

“Sui!” Tawag sa akin ni Jun at Lance.

“Oh?” Bati ko sa kanila. Simula kasi nung umalis siya, wala na akong ganang ngumiti at magpakasaya.

“Tara na nga.” Kinamot pa ni Lance ang ulo niya.

“Mainit na naman ang ulo mo.” Sabi sa akin ni Jun.

Umupo na kami. Apat na oras akong nagtiis sa  pagtayo sa stage, pagkuha ang awards at pagngiti ng peke sa camera. Kanina ko pa gustong umalis pero andyan kasi sina Mom at Dad, ayaw ko naman sila mapahiya. Kaya kahit gusto ko ng umalis, naghintay pa rin ako hanggang sa dumating ang oras na ako na ang magsasalita.

“Congatulations graduates!” Bumababa na ako ng stage habang iniinda ang maingay na palakpakan.

“Nice speech son.” Sabi sa akin ni Dad nung lumapit ako sa kanila.

“Thanks.” Niyakap ko sila ni Mom.

“Si Ate Kamille mo, naunang umalis. Ang sabi niya sa akin sunduin mo siya sa kompanya.” Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mom.

“Bakit ako? ‘Di ba dapat siya ang sumundo sa atin?” tanong ko.

“She didn’t brought her car. At isa pa, may meeting siya ngayon.”

Nauna silang umalis dahil may business meeting pa silang kailangan puntahan. Pagkaalis nila, nilapitan naman ako nila Jun.

“May celebration mamaya sa Angel’s Café.” Sabi sa akin ni Jun.

My Secret : Ms. Palaban vs. Mr. Perfect || Fin. ||Where stories live. Discover now