Scene 40: Nothing Like Us

3.9K 62 14
                                    

Scene 40: Nothing Like Us

~*~*~*~

-Drei’s POV-

“I love you, really love you. And it’s not because your strong, beautiful, and smart though that’s already given but I love you because my life is not complete without you. You’re my Yin and I’m your Yang. We’re meant for each other.”

“I love you, really love you. And it’s not because your strong, beautiful, and smart though that’s already given but I love you because my life is not complete without you. You’re my Yin and I’m your Yang. We’re meant for each other.”

“I love you, really love you. And it’s not because your strong, beautiful, and smart though that’s already given but I love you because my life is not complete without you. You’re my Yin and I’m your Yang. We’re meant for each other.”

Nakahalumbaba lang ako sa office table ko habang nakatulala sa bracelet ko na bigay niya at paulit-ulit na pinipindot ang  play button. Nagpalit na ako ng cellphone, sim card at lahat-lahat pero itinago ko pa rin ang memory card ng luma kong cellphone dahil nakasave rito ang isang importanteng bagay – ang mga salitang binitawan ni Sui bago ako umalis. Ito na lang kasi ang tanging bagay na kumukumpleto ng araw ko.

Limang taon na nga pala. Limang taon na ang nakalipas simula nung huli ko siyang nakita sa Japan. Pagkatapos no’n, hindi ko na siya muling nakita pa. Mabuti na rin ‘yun. Hindi pa ako handa na harapin siya sa kabila ng mahabang panahon.

Tumayo ako at naglakad papunta sa gilid ng opisina ko. Tiningnan ko lang mula dito sa kinatatayuan ko ang buong tanawin ng Tokyo. Twenty two years old na ako. Grumaduate na ako ng Suma Cum Laude sa kursong kinuha ko at nakakuha na ako ng master’s degree. Kung tutuusin nga ay nagawa ko na ang lahat ng gusto kong gawin. Nakumpleto ko na ang responsibilidad ko. Nagawa ko na ang pangako ko kay Papa. Pero kahit gan’on, may kulang pa rin ‘eh.

Dapat nga ay maging masaya na ako ngayon kasi isa na akong successful business woman. Lahat ng project na hinawakan ko sa kompanya ay successful. Kitang-kita rin ang pagtaas ng gross income ng kompanya simula nung ako ang humawak nito. Pero sa kabila ng achievements ko, may kulang pa rin. May kung anong empty space dito sa puso ko. Empty space na tanging isang tao lang ang pwedeng mag-occupy.

May kumatok sa pintuan ng opisina ko kaya napahinto ako sa pag-iisip.

“Miss Aia, tumawag po si Sir Ryuu at ang sabi ay dadaan siya dito.” Sabi ng secretary kong si Joanne.

Pamangkin siya ni Nanay Edith at matanda lang siya sa akin ng isang taon. Siya ang kinuha kong secretary dahil palagay ang loob ko sa kanya at alam kong mapagkakatiwalaan siya. Bukod do’n ay matalino rin siya. Siguradong makalipas ang isang taon ay tataas ang position niya dito sa kompanya. And I’ll make sure of it.

“Okay.” Sagot ko.

“Gusto niyo ng tsaa?” Tanong niya sa akin.

“Please.” Umupo na ako sa swivel chair ko. Pagkaupo ko, bigla namang nag-ring ang iPhone ko. “Tita Yumi?” Medyo kumunot naman ang noo ko.

Ano naman kaya ang kailangan ni Tita Yumi ngayon? Don’t tell me? Argh!

 

“Tita naman! Sinabihan ko na kayo ‘di ba na ayaw ko nga sa idea mong ‘yan!” Medyo inis na sabi ko at nakita ko namang ngumiti si Joanne.

My Secret : Ms. Palaban vs. Mr. Perfect || Fin. ||Where stories live. Discover now