Scene 22: Who's that girl?

4.9K 48 5
                                    

Scene 22: Who’s that girl?

 Enjoy! God Bless! XD NOTE: Filler lang ang chapter na 'to. XD

Lovingly yours,

Eit *O*

~ ~ ~ ~ ~

-Drei’s POV-

Pagkatapos kong pumunta ng Chairman’s Office, dumiretso na ako ng cafeteria. Lunch time kasi at bibili pa kami ng pagkain.

“Drei! Binili ka na namin ng melon bread!” tawag sa akin ni Jack.

“Thanks!” sabi ko.

Umupo na kami sa bandang dulo at nagsimulang kumain. Simula kasi nung matalo ko ang Misters, nabawasan na ang pang-aapi nila sa Section C at pwede na kaming kumain sa cafeteria ng matiwasay.

“Ami, natapos mo na ba ‘yung project natin sa Physics?” tanong ni Jill habang kumakain ng doughnut.

“Yup. Gusto mo tulungan kita?” pag-aalok ni Ami kay Jill.

Biglang kuminang ang mga mata ni Jill *O*~. “Talaga? Yiiee! Thank you Ami!”

“Sus! Dapat sa akin ka na lang nagpatulong. Tss,” singit ni Jack.

PAKK~!!

Ayon! Nabatukan tuloy ni Jill. Hahaha! Ito talagang dalawa. Naging sila lang ‘eh mas naging brutal.

“Aray! Masakit ‘ha! Pasalamat ka mahal kita...” banat ni Jack.

“Yiieee!!” Kantyaw namin sa dalawa.

“Tse! Tumigil nga kayo!” Inis na sabi ni Jill. “Ikaw Drei, tapos mo na ba ang project sa Physics?”

Hala! Anong sasabihin ko? Sa next Friday pa kasi yung deadline nung akin samantalang sa kanila sa Monday na.

“Mmm, malapit na. Hehehe!” alanganing sagot ko.

“Ahh. ‘Eh ikaw Gel?” tanong ni Jill.

Nakatulala lang si Geli. ‘Tch. Dapat kasi hindi muna siya pumasok.

“Geli...” mahinang sabi ko sabay tapik sa kamay niya.

“Huh? May sinasabi ka Jill?” tanong niya kay Jill ng wala sa sarili.

“Geli, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Ami.

Ngumiti siya. “Siyempre naman! Puyat lang ako dahil sa project natin sa Physics.”

“Hindi ka nag-iisa Gel! Kami rin naman! Hahaha!” Kumento ni Phil.

My Secret : Ms. Palaban vs. Mr. Perfect || Fin. ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon