Scene 35: Secrets

4.3K 54 16
                                    

Scene 35: Secrets

~*~*~*~

“I guess it’s flight after all...”

BANGG~!!

“Dreiii!!!!!!” Mabilis na tumakbo sina Lance at Sander sa lugar kung saan nakahandusay ang nanghihinang si Drei. Natatakpan ng dugo ang damit ni Drei at halos hindi mo na makita ang kulay lavender dahil sa dugong patuloy na umaagoos sa binti, ulo at balikat ni Drei.

Habang abala si Sander sa paunang lunas na ginagawa niya kay Drei, si Sui naman ay isa-isang pinapabagsak ang limang lalaki. Si Toshiro naman ay nakaluhod at namimilipit sa sakit dahil sa tama ng baril sa kanyang hita na kagagawan ni Sui. Tinalian naman ni Jun ang mga kamay ni Toshiro upang hindi ito makatakas. Kinuha rin ni Jun ang dalawang baril at isang maliit na kutsilyo ni Toshiro upang hindi na makasakit.

“So my hunch was right,” naglakad si Sui papalapit sa direksyon ni Toshiro. Hindi naman maiwasang hindi kabahan ng tatlo sa ipinapakitang asal ni Sui. Ang Mr. Perfect at Chairman ng Standford Academy na kilala sa pagiging tahimik at kalmado, ngayon ay tila ba handang pumatay at sinaniban ng demonyo.

 

“You are the one who made that accident in Capital months ago. You’re also the one who tried to kill her using a poisonous kunai but you didn’t succeed because I was the one who took it.” Sa sobrang galit na bumubugso kay Sui, hindi niya naiwasang hindi sipain sa tiyan si Toshiro. “The copper head snakes in the garden and the shootout that happened last week were all part your assassination but all that failed so now, using her friends as bait is your last resort.”

Itinutok ni Sui ang hawak niyang baril sa mismong mukha ni Toshiro. Walang bahid ng pag-aalinlangan ang mababakas sa mga mata ni Sui.

“Shoot it.” May halong pang-aasar na wika ni Toshiro dahilan upang mag-init lalo ang ulo ni Sui. Malakas na tinapakan ni Sui ang dibdib ni Toshiro kaya nahirapan ang lalaki sa paghinga. Imbis na magpakita ng kahinaan si Toshiro, mas lalo pang lumawak ang ngiti nito.

Walang pag-aalinlangang kwinleyuhan ni Sui si Toshiro at inangat pagkatapos ay sinuntok sa panga gamit ang baril. Parang sinapian ng demonyo si Sui sa kanyang ginagawa kay Toshiro. Halos maligo na sa dugo ang mukha ni Toshiro dahil sa pambubugbog sa kanya si Sui.

“Sui!” Mabilis na ginapos ni Jun at Lance si Sui sa kanilang mga bisig.

“Let me go.” Malamig na wika ni Sui.

“Sui, we need to take her to the hospital!” sigaw ni Sander habang ginagamot si Drei. “She’s unconcious.”

Bumalik sa katinuan si Sui nang makita niya kung gaano kalala ang lagay ni Drei. Mabilis niya itong binuhat at dinala sa sasakyan. Naiwan si Lance upang asikasuhin si Toshiro samantalang si Jun naman ay patuloy na hinanap sina Geli at Ami. Sinabihan na rin ni Jun ang mag-asawang Standford tungkol sa kaguluhang nangyari.

“Calm down.” Hinawakan ni Sander ang balikat ni Sui at pinaupo ito. Nasa harapan sila ng operating room at mag-iisang oras na nung dinala si Drei sa hospital. Nakaupo lang ang dalawa, si Sander na kahit ay kinakabahan, sinisikap pa ring maging mahinahon samantalang si Sui naman ay nakasandal sa upuan at tahimik na nagdarasal sa Diyos.

My Secret : Ms. Palaban vs. Mr. Perfect || Fin. ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon