"What do you mean?" Tanong ni Olivia.

"Nahulog sa hagdan ang nanay. Aksidente raw sabi ng mga pulis. Kasi nga naman, matanda na s'ya, sixty-five." Umiling ito, "Pero malakas pa ang nanay. Hindi 'yun basta-basta mahuhulog."

"Saan s'ya nahulog? Sa inyo?" Tanong naman ni Micky.

"Sa hagdan nung lumang ospital sa bayan. Isa pa 'yung nakakapagtaka. Kung bakit nandun si nanay. Sabi baka daw mangungutang, me lending office kasi dun...ahm, pasok muna ulit siguro kayo? Mainit dito, doon tayo sa lobby."

Maliit lang naman ang Valencia's kung ikukumpara sa ibang resorts. Pero paborito iyon sa kanila na pagdausan ng mga reception ng binyag, kasal. Pati na rin mga debut at team building seminars ng mga local na companies.

Ang lobby ay nakaharap na sa main swimming pool. Mayroon pang dalawa sa likuran, accessible sa pamamagitan ng footbridge na matatanaw buhat sa lobby. Sinilbihan muna sila ni Ma'am Ems ng iced tea at mammon bago ito naupo sa tabi nila.

"Bakit hindi ka naniniwala na naaksidente ang lola mo?" Tanong agad ni Olivia. Tinikman naman ni Micky ang iced tea.

"Kasi nga, malakas pa 'yon. Walang sakit. Walang rayuma. Maliit nga lang si lola at medyo payat kaya napapagkamalang mahina. Pero ganun talaga ang katawan nun kasi hindi s'ya kumakain ng madami."

"Accidents happen." Sabi ni Micky, "No offense ha."

Tumango si Ma'am Ems, "'yan rin sabi nila. Tatanggapin ko naman kung hindi lang may hawak-hawak na butones si nanay nung makita s'ya ng mga tao dun sa ibaba ng hagdan. Parang...nadakot n'ya an butones ng damit nung tumulak sa kanya---naniniwala ako na tinulak talaga s'ya. Sabi naman ng mga pulis, pwedeng hawak na talaga ni nanay 'yung butones bago pa s'ya mahulog. Walang witness, walang signs of struggle."

"Ano'ng klaseng butones?"

"Sa blouse siguro or dress. Pwede ring cardigan. Malaki, eh. Parang piso tapos green s'ya. Plastic. Walang ganung damit ni nanay. Maski ako or mga kapatid ko." Tumingin ito kay Micky, "Kaya naiintindihan ko na naisip mong hanapin si nanay at magbakasakali. Pag walang gustong makinig sa 'yo, ikaw na talaga mismo ang gagawa ng paraan, di ba?"

Tumango si Micky, "Obvious naman na murder ang nangyari sa mama ko. Kaso...wala namang nangyari sa imbestigasyon. Kinalimutan na nila . Kung may lilitaw raw na bagong lead, dun pa lang uli sila mag-iimbestiga. Madami daw kasing dapat unahin, hindi puwedeng ubusin ang panahon at manpower sa isa lang kaso."

"Ang natatandaan ko lang na kwento ni nanay tungkol sa mama mo is kilala n'ya 'yun. Dating estudyante sa Filomena. Naging janitress si nanay dun. Tanda n'ya raw ang mama mo kasi--" medyo nag-alanganin si Man Ems, "halata daw n'ya na buntis noon. Kasi nga, hilot s'ya. Alam na alam n'ya ang babae pag buntis."

Hindi na nagsalita si Micky, hinayaan na lang niyang magpatuloy ang babae,

"Eventually, huminto nga raw ang mama mo, hindi na n'ya nakita. Until that day na nandito sa resort 'yung mama mo kasi may meeting dito 'yung taga-bangko. Magla-launch sila ng SME program that time, nag-invite sila ng mga resource person para tanungin anu-ano ang kailangan para effective 'yung service..ano gusto ng mga clients pagdating sa loans, mga ganun. Invited ang mama mo kasi kakilala n'ya 'yung taga-bangko."

"Ano'ng bangko?" Napadukwang pa si Olivia.

"AgriCom...wala na 'yun ngayon, ang alam ko, nabili na ng CTB."

Nadakot ni Olivia ang braso ni Micky, "That's where she works. Si Marife."

"Sino 'yun?" Si Ma'am Ems.

"S-Stepmother to be n'ya." Sagot ni Micky. "May nabanggit pa ba ang lola mo tungkol sa mama ko noong araw na 'yon?"

"Trini...Trini ang pangalan ng mama mo, di ba?"

Tumango si Micky.

"Sabi ng nanay, pagpasok daw n'ya sa kwarto, nakaupo ang mama mo sa kama , may hawak na picture, tinitingnan. Picture ng damit. Nagulat daw si nanay kasi tanda n'ya rin 'yung damit. Nakita na daw n'ya 'yun. Sa prom. Suot ng isang estudyante. May pinakita raw class picture ang mama mo kay nanay, tinuro ni nanay kung sino dun ang mga suot nung damit. Binilugan pa daw nila ng ballpen."


note: Alam nyo ga gaano kahirap sulatin 'to? HAHAHAHA

dami kong nalagas na buhok sa nobelang ito at ako mismo, hindi ko alam paano ko nabuo eventually. Amazing yung moments na, everything just feel into place. I live for those moments, talaga as a writer. 'yun ang 'high'. Addictive s'ya, kaya i can't stop writing.


hindi laging smooth at plakado ang buhay, pero as long as, nakakasulat ako ng kwento, feeling ko naaayos rin ang buhay ko...or at least, there's something in my life na kaya kong ayusin.


'gang sa muli!

Time After TimeWhere stories live. Discover now