Chapter 45 part 2

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Don't mind him ate." nakaingos na sabi ni Emer. Kinakabahan din siya na baka malaman ng kanyang ate ang sekretong tinatago.

Samantalang si Emily naman ay nagkahinala na siya na ito ang sinasabi ng kanilang mama na pinakasalan ni Emer. Hindi niya palalampasin ang araw na ito na hindi niya makakausap ang lalaki para sa ikatatahimik ng kapatid.

"Hmmm, I smell something sis." natatawang sabi ni Emer. 

"Papa, tingnan mo si ate nang-aasar na naman." nakalabing sumbong ni Emer.

"Kausapin mo nga yang lalaking yan, ayaw ko rin ang mga tingin nyan." utos ni Gerardo sa bunsong anak.

Umiling na lang si Emer, dahil hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ito. Naiinis si Emer sa sarili dahil hindi niya maiwasan na hindi tingnan ang asawa. Alam din naman niyang nagpupumilit itong makipag-usap sa kanya pero hindi niya pa kayang makaharap ito dahil nasisiguro niyang magiging traydor ang puso niya. 

"Sis, ang sama ng tingin ni fafa Dennis baka naman uuwi akong sira ang beauty ko." bulong ni Toffer kay Emer. "But in fairness he's still handsome." parang kinikilig na dugtong pa nito.

"Ano ka ba? baka may makarinig sa iyo. Ikaw rin marereveal na ang secret mo." pananakot ni Emer sa kaibigan.

Lalong naningkit ang mga mata ni Dennis, kitang kita niya ang pagbubulungan ng asawa at ng lalaking katabi nito.  Kung hind lamang siya nahihiya sa kaibigan ay baka kanina pa siya nag back out dahil sa nakikitang sweetness ng dalawa. 

Ilang sandali pa ang lumipas at nagsimula na rin ang seremonya. Laking pasasalamat ni Dennis dahil ang ibig sabihin nito ay ilang minuto na lamang ay makakaalis na siya sa lugar na yun. 

Nang matapos ang kasal ay walang lingon likod na umalis na si Dennis, tatawagan na lamang niya sina Gabriel at Althea para batiin ang mga ito at para magpaliwanag na rin kung bakit hindi na siya nakapagpaalam. 

"Mr. Almonte can I talk to you?" 

Natigilan si Dennis ng akmang sasakay na sa kanyang kotse. Hindi niya inaasahan na lalapitan siya nitong babaeng ito. 

"Tungkol saan?" balik tanong ni Dennis sa babae.

"I think it's not proper to talk to you here. Pwedeng sa bahay tayo mag-usap." seryoso pa rin ito.

"Okay." pagpayag ni Dennis.

"Convoy na lang tayo and I know alam mo naman ang way papuntang rancho." nginitian na ni Emily ang lalaki.

Wala pang twenty minutes ay papasok na ang mga sasakyan nila sa rancho ng mga Ignacio. Nang makababa sila sa sasakyan ay iginiya siya ni Emily sa terrace kung saan matatanaw ang kabuuan ng kanilang hardin. Gusto rin niyang ma relax ang pakiramdam ng lalaki para pagkatiwalaan siya nito. 

Nang makaupo sila ay hindi na nagpaligoy ligoy pa si Emily. 

"Nasabi sa akin ni Mama ang tungkol sa inyo ni Emer." simula ni Emily. "Hindi ko inaasahan na gagawin ito ng kapatid ko." napabuntong hininga ito.

" I was trying to talk to your sister but she's avoiding me. I'm willing to work out our marriage but I think she already found someone that's why she wanted an annulment." paliwanag ni Dennis.

Napakunot ang noo ni Emily sa narinig. "She found someone? What do you mean?" 

"She's happy with that man. Kaya napag-isip isip ko kanina to let her go." nahihirapang sabihin ni Dennis ang huling kataga.

Nahulaan na ni Emily kung sino ang tinutukoy ni Dennis at hindi niya napigilan ang matawa. 

Parang gusto ng mapikon ni Dennis, pagtatawanan lang pala siya nito kaya gusto siyang makausap. Daig pa ang sinampal siya ng mga sandaling yun.

"Don't be jealous with Toffer, magkaibigan lang sila ni Emer." muling sabi ni Emily. "Do you love my sister? or she's just one of your flings?" diretsong tanong niya kay Dennis.

"I love her at hindi totoo ang mga natanggap niyang balita when I was in Singapore." pakiramdam ni Dennis ay nakakaroon siya ng pag-asa, umaasa rin siya na paniwalaan siya ng kaharap dahil alam niyang malaki ang impluwensiya nito sa kapatid. 

"Then be a man, you should prove it that you really love her. The first step is to talk to our father. Kaya mo ba yun?" paghahamon ni Emily dito.

Alam ni Emily na mahal ng kanyang kapatid ang lalaking ito kahit hindi nito sabihin. Yung katunayan na lakas loob itong nagpakasal ng hindi nila nalalaman lalo ng kanilang papa ay tanda lamang ng pagmamahal niya rito. 

_______________________________

A.N.

Pasensiya na po sa UD ko ngayon ^_______^ medyo busy lang po.

Please don't forget to vote and leave your comments :)

Playful HeartNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ