[MPG2>82 - Franchise]

Start from the beginning
                                    

Alam na ba ni Eri???

Nakoo..si Eri!!

————————-

(Earlier)

Si John:

"Ano bang nangyari sayo Uno?" Tanong ni Renn.

"Oo nga boss. Ano nang balita sa sakit mo?" Caleb

"Wala kong sakit. May mga kinailangan lang akong ayusin."

"Pero ang sabi mo dati.." Benj

"Kinailangan kong magsinungaling. Pasensya na."

"Alam na ba ni Eri na andito ka?" Cisco

Uminom ng alak si Uno.

"Nagkaroon ng gulo sa grupong hawak natin sa ibang bansa. May nakabangga silang part ng mga Yakuza. Hindi ko sila puedeng pabayaan at alam kong dalikado kapag sinama ko kayo o si Eri. Ako mismo, hindi ko alam kung makakaligtas ako."

Tumingin sa akin si Uno.

"Kaya binilin ko lahat kay John. Kung sakaling mawala ako siya na ang bahala sa grupo natin."

"Teka gulong gulo ako. May franchise pala tayo sa ibang bansa?" Caleb

Natawa kami at Binato namin ng yelo si Caleb.

"Ano ka ba! Sa dami ng naging galamay ni bossing nagtaka kapa!?!?"

Natawa lang si Uno at uminom nanaman ng alak.

"Kapag pinapatapon ako dati sa ibang bansa para tumino ay nagkakaroon ako ng tropa at grupo. Sana nasagot ko na yung tanong mo Caleb."

"Yes boss!"

"Kumplikado ang lahat. Naayos naman pero may isang kundisyon."

"Ano!?!?" Tanong ng lahat

"Kailangan kong magbitiw bilang ulo ng mga gagamba."

Natahimik ang lahat.

"Pumayag ka?" Tanong ko

"Kaya ako nanditi ngayon."

Tinignan niya kaming lahat.

"Malakas tayo pero iba pag mga yakuza na ng kalaban mo. Hindj natin kakayanin."

"Gusto kong pumalit ka sa akin John."

"Teka bakit ako? Hindi ako puede jan. Hindi ko kaya ang ginagawa mo Uni."

"Ikaw ang kanang kamay John. Ikaw ang dapat." Benj

"Hindi ako papayag."

Tumayo ako at lumabas.

Biglang hinanap ng lalamunan ko ang sigarilyo.

——————————

Si Eri:

Totoo ba itong nakikita ko?

Si Uno.

Nakatayo sa harapan ko.

Walang tigil ang mga luha ko.

"U..."

Hindi ko masabi ang panglan niya.

Hindi ko kaya.

"Mukhang masaya ka Eri." Ulit niya

Naglakad siya papalapit sa amin.

Nabigla ako nang hilain niya ako palayo kay kuya amusement park.

Hinika niya ako palayo pero binawi ko ang kamay ko.

Napahinto siya at tumingin sa akin.

"Wala kang karapatang gawin to sa akin Uno"

"Ano bang nangyayari sayo Eri?"

"Baka nakakalimutan mong iniwan mo ako Uno."

"Eri.."

Naglakad ako papunta kay kuya amusement park.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papasok ng bahay.

"Eri! Ano ba!!!" Sugaw ni Uno

Tinignan ko ang isang bodyguard at sinabing wag papasukin si Uno.

"ERI!!!"

Hindj ko nilingon si Uno.

Naglakad lang ako papasok.

Nangnaramdaman kong naisara na ang pinto sa likuran ko ay hindi ko na napogilang hunagulgol.

Bumigay din ang tuhod ko kaya napaupo ako.

Niyakap ako ni kuya amusement park

Hinayaan niya akong umiyak sa balikat niya..

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeWhere stories live. Discover now